LAST CHAPTER

8.5K 386 214
                                    

The End
Alternative Ending

Mataas ang sikat ng araw ngunit lahat ng tao sa sa isang Mansion ay mga nakahiga pa din sa isang malaking kama.

Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang isang malaking kasalan ngunit sa loob ng dalawang linggo ay ganito pa din ang gawain ang apat na katao kaya naman ang buntis na kaibigan ng mga ito ang namomroblema.

Mula sa kama ay nagmulat ng mata ang isang babae, pagod napagod man ay kailangan pa din niyang bumangon lalo na at ayaw niyang manganak ng wala sa oras ang kaibigan niya at masisi pa ng asawa nito at ng kapatid.

Dahan dahan siyang bumangon upang hindi magising ang tatlong lalaki na mahimbing pa din ang tulog. Nagtagumpay siya sa pagbaba ng kama at tumayo saka pumunta sa Cr.

Lumantad na naman sa kanya ang katawan niyang punong puno ng kiss mark ang iba ay kulay ube na. Pailing iling nalang siya at iika ikang naglakad patungo sa bathtub para maglublob sa maligamgam na tubig.

Matapos ng isang oras ay lumabas na siya ng kwarto saka kumuha ng isang t shirt at boxer sa isang maleta na hindi pa pala nila naaayos.

Matapos magpalit ay bumaba na siya para magluto ng makakain, isang buwan silang mananatili dito pero kailangan na nilang bumalik kinabukasan dahil manganganak na ang kaibigan nila at pinagtangkaan sila ng kaibigan nila na kung hindi sila makakapunta ay lalagyan niya ng kamalasan ang buhay ng tatlong lalaki.

Nagpatuloy siya sa pagluluto ng makaramdam ng makisig na bisig na yumakap sa kanya mula sa likuran.

Naramdaman nalang din niya na wala na pala siyang suot at tatlong lalaki na may iisang mukha ang may kasalanan noon. At nangyari ang kainan sa kusina, ibang pagkain nga lang yung kinain.

Kinabukasan ay umuwi na sila sa Persua para abangan ang panganganak ng kaibigan nilang si Marriane na ang napangasawa ay ai Brentt.

Unang dumating na ang kapatid nito na si Greg habang alalay ang apat na buwang buntis nitong asawa na si Haley.

Agaw pansin naman ang pagdating ni Cianna at ng asawa nitong si Caspian dahil andaming dalang prutas ang bulaklak na akala mo naman ay maraming kailangan bisitahin.

Matapos dumating ng dalawang pares ay dumating na ang mag-aasawa na galing sa honeymoon at kitang kita mo naman na galing takala sila sa honeymoon lalo na at balot na balot ang katawan ni Amara, halatang may itinatago at halata namang proud ang tatlong salarin na sina Camden, Carson at Chandler.

Napatawa nalang sina Brentt habang si Amara naman ay masama ang tingin sa tatlo niyang asawa na ikinapanic naman ng tatlo at agad ding nilambing ang asawa na nag-iinit ang ulo.

Natigil ang tawanan ng makarinig sila ng malakas na pag-ire sa loob ng Emergency Room kasunod noon ang pagpalahaw ng iyak ng isang sanggol.

Hindi naiwasan ni Brentt na mapaluha habang todo congrats naman ang mga kaibigan nito kahit natatawa ang mga ito sa reaksyon ng kaibigan.

Amara's POV

Ilang taon na ang nakakalipas mula ng magkaroon ng tahimik na pamumuhay ang lahat sa amin. Nagkatuluyan sina Marriane at Brentt kahit na parehas silang naging harang sa dinadaanan ko noon.

Nagkatuluyan sila dahil iniligtas ni Brentt si Marriane noong blakain nitong tumalon at ang alibi naman ni Marriane ay baka bumalik siya sa totoong mundo sa oras na mamatay soya sa mundo ng libro.

Matapos noon ay hindi na hiniwalayan ni Brentt si Marriane dahil baka magpakamatay na naman daw hanggang sa nahulog ang dalawa at iyon walang patumpik tumpik na ikinasal agad.

Sa lovestory naman nina Greg at Haley, nagkaroon ng komplikadong pangyayari.

Unang nahulog si Haley kay Greg at hinabol ito habang si Greg naman ay ako ang hinahabol, pinagpipilitan niya na dapat ko siyang mahalin pero one time nasuntok siya ni Carson dahil sa pagsunod sunod sa akin at to the rescue naman si Haley.

Nagkaroon muna sila ng kasunduan na handang maging rebound si Haley para makalimutan ako ni Greg, pumayag naman si Greg.

Noong una walang interest si Greg kay Haley pero kinalaunan sinabihan niya ito ng 'I Love You' at akalain niyo nga naman, kinabukasan ikinasal na agad sila dahil naihanda na ito ni Haley noon pa man.

Si Cianna naman ay nakuntento nalang na maging single pero sinong mag-aakala na sa pagsama niya sa amin sa Persua Country ay agad siyang magkakaroon ng asawa?

One night stand ang nangyari dahil nalasing siya sa isang party doon at bigla bigla nalang nanghihila sa isang kwarto, kinabukasan kasal na pala siya at ang naging asawa niya ay ang ikalimang Prinsipe, na si Caspian.

Halos araw araw pa nga itong magreklamo na sino ba daw kasi ang nagsabing mahina ang Prinsipe na iyon eh hindi na nga daw niya maigalaw miski daliri niya after may mangyari sa kanila?

Habang kami namang apat ay nagkatuluyan din pero kami ang huling ikinasal dahil dalawang taon ko munang pinahirapan ang tatlo lalo na at masyado nila akong pinahirapan noon kaya naman pinahirapan ko din sila at kakakasal lang namin noong nakaraang dalawang linggo.

Worth it naman lalo na kung hindi nila ako araw araw papagurin.

Tatlo sila isa lang ako baka mamaya mawala na din ako sa sarili sa sarap na pinapalasap nila gabi gabi at kung iisipin mo, nangangain din sila sa umaga.

Hindi na ako magugulat kung buntis ako isang araw dahil iyon ang ginagawa ng tatlo kahit hindi nila sabihin halata namang gusto na din nila ng anak.

Isang buwan dapat ang honeymoon namin pero masyadong seryoso si Marriane dahil isusulat daw niya na mamalasin ang tatlong Alejo kapag hindi kami pumunta sa araw ng panganganak niya.

Hindi ko nga alam kung matatawa ako o hindi eh pero itinawa ko nalang lalo na at inis na inis ang tatlong lalaki dahil naabala daw sila sa pagkain ng pinakamasarap na putahe sa mundo.

Napunta ako dito sa libro, nakahanap ng pamilya, ng mga kaibigan at tunay na pag-ibig. Hindi lang isa o dalawa kundi tatlo pa.

Salamat Tadhana.

------🌟

For all those na nagbasa ng Story na ito, maraming maraming salamat. Na appreciate ko siya ng sobra sobra.

Dito na po natin tuluyang isasara ang kwento na ito and I'm informing everyone na wala pong magiging Book 2 for this one.

Once again, maraming maraming salamat...

My stars🌟

Free to ask question in comment box so yeah!

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon