Chapter 50

5.6K 336 89
                                    

Tahimik akong nakatanaw sa garden habang umiinom ng tsaa.

Nang matapos ang pagdiriwang kagabi ay agad din akong umuwi lalo na at laging nasa akin ang mga mata ng mga tao lalo na ng lalaking may abong mata.

Hindi ko alam pero mukhang tinamaan ata ako sa pangalawang pagkakataon pero pwede kaya? Pwede kayang magkaroon ng kami at hindi lang siya at ako?

Napailing nalang ako saka pinagpatuloy ang pag-inom ng tsaa ng may lumapit na butler at sinabi ang pakay nito.

Napataas naman ang kilay ko ng malaman kung sino ang bwisita na dumalaw sa Dukedom.

Tumayo naman ako at mabagal na naglakad patungo sa silid tanggapan, okay lang naman siguro kung paghintayin sila di ba? Hindi naman kasi sila imbitado dito.

Nakarating ako sa silid at pinagbuksan ako ng Butler. Tumambad sa mukha ko ang dalawang mukha pero apat na tao ang nasa loob ng kwarto.

Dahan dahan naman akong yumuko.

" Greetings to the Princes of Persua Country. May the blood of ancestors be with you. " Saad ko.

" You may rise. " Saad ni Marriane ngunit hindi ko siya pinansin dahil hindi naman siya maharlika upang pangunahan ang tatlong Prinsipe.

Nagdaan pa ang ilang segundo hanggang sa nagsalita na si Camden saka lamang ako tumayo ng ayos saka umupo sa upuan pero kay Marriane agad tumama ang mata ko.

" Pardon me for my rudeness but this Lady will not tolerate that kind of attitude of you Miss. You're not allowed to speak if you're not the one I'm talking to. You don't have the right to lead and why are you not greeting me? I'm the Future Grand Duchess and you're in my territory. " Saad ko at marahang ininom ang tsaa.

Kita ko naman ang paninigas niya maging ang pamumutla at gusto kong pumalakpak ng makitang naglalaglagan na agad ang luha niya. Akmang hahawakan niya ang braso si Chandler ng magsalita ko.

" Please don't misunderstand me. I'm just giving you some tips for the future. " Saad ko at ibinaba ang tsaa.

Natahimik naman ang buong kwarto hanggang sa binasag iyon ni Camden.

" Drea…"

" It was inappropriate to call someone in their non-existing name your Highness. " Saad ko at hindi pinansin ang paglungkot ng ekspresyon niya.

" May I know what brought you here Your Highnesses? " Tanong ko at saka sila tinitigan.

" We just want to apologize for what happened before. " Saad ni Chandler at napayuko pa ngunit wala akong sinabi.

" Amara, please forgive them. " Saad ni Marriane ngunit hindi ko din siya pinansin pa bago magsalita.

" Did you know what's wrong you did 4 years ago? " Tanong ko at nilagyan ng asukal ang tsaa.

Mapait, parang ang nakaraan namin.

" I-I… W-we… we don't know. " Saad ni Carson na nakapagpataas ng kilay ko saka napatawa ng mahina ngunit dinaig pa ang ampalaya sa pait.

Apologizing to me even though they didn't know what they did wrong? Fantastic.

" Tell me what you want. " Saad ko sa kanila.

" Nothi- " Hindi pa tapos sa pagsasalita si Camden ng may pumasok sa butler at bumulong sa akin.

Mukhang dinadagsa ako ng mga bisita.

Napangisi nalang ako ng malaman kung sino ang nandito saka sinenyasan ang butler na lumabas ng kwarto kasabay ang isang utos mula sa akin na nais kong ipahatid sa bagong bisita na nanggagambala rin.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon