Kakatapos ko lang kumain at napag-usapan na namin ni Aunt Lilith ang mga magiging hakbang ko para sa mga plano ko at hindi ko pa rin makalimutan ang naging usapan namin tungkol sa pag-aaral ko.
“ I know the best place for you! Why don’t you try it at Riverdale Cypress University! ”
At wala akong magawa kundi ang pumayag na lang lalo na at ang sabi sa libro ay maganda ang sistema ng paaralang iyon atsaka palalampasin ko pa ba ang pagkakataon na makasama sa iisang school ang mga bida sa paborito kong libro?
Suot suot ang damit na pinahiram sa akin ni Tita Lilith ay sumakay kaming Van dahil pupunta kaming Mall para mamili ng mga gamit na gagamitin ko sa pananatili ko dito sa bansa.
Pinadalhan lang ako ni Lolo ng dalawang unlimited card na pwede kong gastusin habang nandito ako sa Pilipinas.
Maya maya pa ay nakarating na kami sa Mall at kasunod ang mga bodyguards na dala namin ay namili kami ng gamit. Damit, bag, sapatos, alahas at iba pang mga kakailanganin ko.
Madami kaming nabili kaya naman nakakahiya lalo na at may mga tao kaming nakakasalubong na tinitignan kami.
Bumili na din kami ng gamit na gagamitin ko sa school lalo na at ang gamit na notebook doon ay laptop o di kaya ay iPad.
Matapos naming mamili ay pumasok kami sa isang Restaurant at kumain na muna habang nakukwentuhan hanggang sa magpaalam akong pumunta sa Cr.
Kasalukuyan akong naghuhugas ng kamay sa Cr ng biglang may lumabas ng Cr at bago iyon ay nakita ko ang mukhang hindi ko akalaing makikita ko.
“ Cianna… ” bulong ko ng makita kung sino ang babaeng yon.
Tuluyan na itong nakalabas ng Cr kaya naman dali-dali akong lumabas pero wala akong nakitang Cianna kahit saan. Malalim ang pag-iisip ko ng bumalik ako kay Aunt Lilith.
“ Iha, sayang naman. Hindi mo naabutan ang isa sa mga anak ko. ” Sabi ni Aunt na lalong nagpagulat sa akin.
Hindi na ako lumingon pa para hanapin dahil siguradong naka-alis na ito. Umupo ako sa tapat ni Aunt at ngumiti.
“ Sayang naman po pala pero I’m sure there’s a next time. ” Sabi ko na siyang ikinangiti din niya.
Bakit mukhang pinagtatagpo ang mga landas namin?
Lumipas ang araw ay kasalukuyan akong nakasakay sa isang kotse kasama ang driver at bodyguards na pinasama ni Aunt Lilith dahil hindi siya makakasama dahil sa may importante siyang kailangang gawin.
Ngayong araw ay pupunta ako sa isang Charity Center para magdonate sa mga Blood-Cancer patient at may mga binili din akong mga gamit gaya ng kumot, damit, vitamins, mga gamit na maaari nilang gamitin at mga laruan para sa mga bata.
Excited na ako dahil personal ko ng iaabot ang tulong sa mga tao dahil dati ay ang secretary ko lang ang kumikilos pero ngayon ay harap-harapan ko ng maiaabot ang tulong.
Sandali pa ay narating namin ang lugar at may mga tao sa labas na mukhang hinihintay kami.
Nang makita nila ang sasakyan namin ay nagliwanag ang mga mukha nila at umayos ng tayo.
Agad kaming lumabas na sinalubong din naman ng mga tao, mukhang sila ang namamahala dito.
Inanyayahan naman kami nito at tumulong sila sa pagbababa ng mga dala dala namin papuntang loob.
Sinalubong kami ng mga tao sa loob na may sakit, matanda man o bata lahat sila ay may mga humahangang mata na nakatingin sa amin at sa mga adala-dala namin.
Nagkaroon ng program, nagkaroon din ng mga palaro na aktibo namang sinalihan ng lahat.
Hanga ako sa kanila dahil sa kabila ng paghihirap nila dahil sa sakit ay nagagawa pa din nilang tumawa at hindi sila nawawalan ng pag-asa.
Lumipas ang oras at oras na para ibahagi sa kanila ang mga regalo na dala-dala namin. Sa tulong ng mga namamahala dito ay naging successful ang naging misyon ko dito.
Bago pa man kami umuwi ay ikinagulat ko ng kumanta ang mga ito kaya naman hindi maiwasan ang mga iyakan na naganap.
Pauwi na kami ngayon at hindi pa din nawawala sa labi ko ang ngiting naidulot sa akin ng mga taong tinulungan ko.
Sila pa lang ang unang mga tao na tutulungan ko dahil sisiguraduhin kong lahat ay makakatanggap ng munting tulong mula sa akin.
At sana hindi sila panghinaan ng loob at manatiling mabuhay ng masaya akibat ng mabigat na problemang dinadala-dala nila.
Sana ay gumaling na sila at tuluyang maging makulay ang magiging buhay nila habang humihinga pa sila sa mundong ibabaw.
BINABASA MO ANG
What Went Wrong?🌟
FantasíaI was just an audience that was watching my favorite characters fall in love and have their happy and beautiful lifetime ending. But... How is this... " We love you Cianna. " To this... " You're the one we love, Amara. " The fuck?! -Slow Updates