Chapter 16

6.7K 329 6
                                    

Araw ngayon ng sabado at alas otso na ng umaga.

Kanina pa ako gising pero nakahilata lang ako sa kama habang nanonood ng TV pero wala din namang magandang palabas kaya pinatay ko nalang din.

Akmang papasok na ako sa Cr ng may kumatok sa pintuan kaya tinignan ko muna ang sarili bago buksan ang pintuan at tumambad sa akin ang isang Chandler na naka khaki short at isang white t-shirt na medyo hapit sa katawan niya.

Pinasadahan niya muna ang itsura ko bago ako titigan sa mata at napaubo siya ng mapansing kanina ko pa din siya tinititigan.

“ Third Prince Chandler, what can this Lady do for you? ” Saad ko at yumuko pa, kita ko naman ang pagsimangot niya at bigla nalang sumilay sa mukha niya ang pagkamangha.

“ Y-you.. H-how did you know? ” Tanong niya.

“ Na? That you’re Chandler? ” Tanong ko na ikinatango niya din agad.

Humakbang naman ako sa kanya papalapit at kita ko ang paglunok niya. Hinawakan ko ang laylayan ng T-shirt siya at hinila pababa, para naman siyang robot na yumuko hanggang sa nagpantay ang tenga niya sa bibig ko saka bumulong.

“ Secret. ” Saad ko at umatras na.

“ Do you need anything? ” Tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot kaya naman tinapik ko siya sa balikat.

“ H-huh? I… We… wait for you downstairs. ” Saad niya at dere-deretsong umalis.

Agad ko ding isinarado ang pintuan ko at nagtatakbo papuntang Cr.

Doon ko nasilayan ang mapula kong mukha at hindi ko mapigilang magtitili habang tumatalon.

Ramdam ko ang saya at kilig pati na rin ang hiya sa ginawa ko kanina. Hindi naman siguro masama di ba?

Naghilamos ako at pinakalma ang sarili bago nagpalit ng damit at bumaba.

Nakasuot ako ng jumper shorts na may white blouse sa loob at naka sneakers. Nagsuot nalang ako ng hairband at saka tuluyang lumabas ng kwarto.

Tuluyan na akong bumaba at nadatnan ang tatlo.

Nakatulala pa din si Chandler at hindi ko naman napigilang mapangisi na agad ding nawala ng mapansing titingin si Camden.

Gaya ni Chandler ay nakasuot din siya ng khaki shorts pero ibang kulay ito kay Chandler habang naka jeans naman si Carson.

Napatingin silang tatlo sa akin at kita ko namang namula si Chandler ng magkatinginan kami.

Nang makalapit ako ay agad akong umupo sa isang one seater na sofa saka nagdekwatrong tumingin sa kanila.

“ So? Anything? ” Tanong ko at tinitigan silang tatlo.

“ Mom ordered us to take you for a walk. ” Sagot ni Camden.

‘Am I a dog?’

“ Sure, but where? ” Tanong ko sa kanila at agad namang kumilos si Carson at may hinanap sa cellphone niya at may binasa.

“ Cinema, Mall, Beach, Company, Amusement Park, Zoo, Park… ”

“ Whoa.. easy Second Prince Carson. ” Saad ko at tinaasan naman niya ako ng kilay.

“ How did you know that I’m Carson? ” Tanong niya na ikinangiti ko nalang bago tumingin kay Chandler na nakatingin din sa akin.

“ It’s a secret right Chandler? ” Saad ko at umiwas naman siya ng tingin sa akin.

“ Anyway— ” Naputol ang sasabihin ko ng tumunog ang cellphone ng tatlo, and yes sabay sabay.

Sinagot naman nila itong tatlo at sabay sabay din silang tumingin sa akin.

Maya maya pa ay ibinaba na nila ang cellphone nila habang nakatingin pa din sa akin kaya naman tinaasan ko sila ng kilay.

“ Come with us. ” Saad ni Camden.

“ Okay. ” Saad ko at tumayo na pero agad ding napatigil ng makitang nakatingin pa din sila sa akin at wala atang balak kumilos.

“ What? ” Tanong ko.

“ You won’t change? ” Tanong ni Camden habang nakataas din ang kilay.

“ Nope. Any problem First Prince Camden? ” Saad ko na siyang ikinabuntong hininga ng tatlo at mga nagsitayuan na.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon