Kunot noo kong pinagmamasdan ang dalawang taong nasa Garden. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o maramdaman.
Sino bang matutuwa kung makita mo yung anak mo na nababalutan ng putik habang ang ama naman niya ay nakikisabay sa kalokohan ng anak namin na wala pang edad apat na taon?
Napabuntong hininga nalang ako saka pinagmasdan ang mag ama ko na abala sa paglalaro.
Buti nalang at naisip nilang isuot ang mga damit panlabas nila dahil maaawa ako sa maglalaba ng damit nila kung sakaling pormal na damit ginamit nila.
Muli akong napatingin sa kanila saka naisip ang nakaraan, kung ano ang mga pinagdaanan namin baho namin marating ang kinalalagyan namin ngayon.
Anim na taon na ang nakakalipas mula ng ikasal ako sa ikalimang Prinsipe ng Persua Country at bago nangyari ang kasalan hindi naman ako pumayag na hindi mahuhulog sa akin ang loob ni Caspian kaya noong ikasal kami ay gusto na niya ako kahit mahal ko na siya.
Oo, mahal ko na siya. Masyado bang mabilis?
Well para sa akin ay hindi mahalaga kung gaano kabilis o katagal bago mo mapatunayan na mahal mo ang isang tao basta ba bukal sa loob mo ang pagtanggap sa taong iyon at para bang nakikita mo na ang future mo kasama siya.
Matapos ng kasal ay ipinasa din agad sa akin ni Lolo ang pagiging Grand Duchess kaya naman si Caspian na asawa ko ay ang naging Grand Duke na kasa-kasama ko at laging nasa tabi ko, maliban nalang siguro kay Greg na kinareer ang pagiging right hand naming mag-asawa at naiinis na nga lang ako dahil halos lunudin na niya yung sarili niya sa mga trabaho na para dapat sa amin na mag-asawa.
Ang palusot naman niya ay gusto niya lang na magkaroon kami ng oras sa isa't isa.
Hindi ko naman siya mapipigilan pero talagang gimagambala ko siya tuwing nalulunod na naman siya.
Matapos ng mahigit isang taon ay nahulog na sa akin ang Prinsipe niyo at para malaman niyo halos magsisi ako na nilandi ko siya.
Why? Kasi dinaig pa ang isang kuting nalaging nakalambing, ayaw na ayaw mawawalan ng personal contact sa akin at talagang fake news ang chismis na mahina daw siya eh halos hindi na ako makababa ng kama matapos ang ilang round paano pa kaya kung ginabi gabi ako?
Hindi kaya malumpo na ako nito?
Kung tatanungin niyo kung anong nangyari sa Triplets, ay hindi ko na din alam dahil matapos ng kasal namin ni Caspian ay umalis din agad sila. Nag-iwan ng letter at ang tanging nakalagay doon ay 'take care and be happy'.
Hindi ko alam pero may impact sa akin ang mga salitang iyon pero hindi ko nalang inintindi pa.
Kasa-kasama nila si Marriane na umalis at mukha ngang may hindi magkakaintindihan na naganap sa kanilang apat pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Si Lolo ay lumipat na ng tirahan, isa sa mga Mansion namin malapit din sa Dukedom ang nilipatan niya at kasa-kasama niya si Allia.
Close kasi talaga ang dalawang iyon at bawas gawain na din kay Greg dahil hindi niya na kailangang intindihin si Allia, ayaw niya ngang kasa-kasama namin iyong bata dahil abala lang daw.
Nanggigigil ako kay Greg noon hanggang sa gusto ko na siyang laging kasama at nakakausap.
Dumating na sa puntong gusto ko na siyang itabi sa kama ko at nang malaman ng asawa ko ang gusto ko ay halos habulin niya ng baril si Gregorio na halatang naguguluhan din sa ikinikilos ko tapos bigla nalang akong nasuka and at that moment….
I knew it….
And then charan iyan na yung resulta Prince Hairon Jero Claude Agustin Giano my 3 year old son.
My sweet, fluffy, soft baby boy. Masiyahin at bibong bata kaya naman lahat ng tao kinagigiliwan siya, at may pagkafriendly din ang baby boy ko dahil kahit yung mga bagay gaya ng libro at upuan ay kinakausao niya, hindi ko nga malaman kung itatawa ko nalang ba o iiiyak ko eh.
Sa loob ng 9 months na pagbubuntis ko sa kanya medyo komplikado lalo na at si Greg ang pinaglilihian ko, ang masama pa ay mas gusto ko ang amoy na meron si Greg kesa kay Caspian na talaga namang kinaiinis nung isa kaya nanunuyo ako tuwing gabi in a different way nga lang.
Buti hindi din ako moody at hindi nakakaranas ng morning sickness dahil for sure itataob ko ang buong Dukedom sa oras na mangyari yon.
Nang ipinanganak ko siya ay masasabi kong naprank ako, malaki ang tiyan ko at mabigat pero isang maliit na gaya lang niya ang lumabas. Akala ko pa naman malaki ang sanggol dahil napakalaki ng naging tiyan ko sa pagbubuntis sa kanya.
Pero kahit ganun, si Claude ang naging resulta ng pagmamahalan namin ng ama niya lalo na kung halos gabi-gabihin ako ng sinasabi nilang mahinang Prinsipe.
Mahirap mag alaga ng sanggol pero worth it lahat lalo na kung ang isusukli niya sayo ay ngiting malawak o di kaya ay ang nangniningning niyang abong mata ngunit may halo itong pilak kaya naman talagang kakaiba.
Hanggang sa lumipas ang taon at bilang Grand Duke at Grand Duchess maraming trabahong kailangan asikasuhin ngunit bilang magulang ay hindi mawawala ang atensyon na ibinibigay namin kay Claude at umaasa akong lalaki siyang isang magiting na mandirigma, matalinong guro at isang binatang walang takot sa masama.
Napabalik nalang ako sa sarili ko ng makitang may nakatayo na pala sa harap ko, ang mag-ama ko na madumi ang itsura kaya naman agad ko silang inutusan na maglinis na agad din namang sinunod ng mag-ama na para bang inaapi ko pa sila.
Dalawa ata yung anak ko talaga.
BINABASA MO ANG
What Went Wrong?🌟
FantasyI was just an audience that was watching my favorite characters fall in love and have their happy and beautiful lifetime ending. But... How is this... " We love you Cianna. " To this... " You're the one we love, Amara. " The fuck?! -Slow Updates