Chapter 24

6K 296 23
                                    

Matapos nang nangyari kanina sa Cafeteria ay naging mainit na ang tinginan ng grupo ng Keres at ni Haley tuwing magtatama ang mga mata nila at ramdam ko ang kuryenteng dumadaloy sa mga tinginan nila.

Pero hindi pa rin mawawala ang masasamang tingin ni Haley sa akin at hindi na ako nagtataka kung bakit lalo na at ang tatlong lalaki na gustong gusto niya ay nasa tabi ko at kung pagsilbihan ako ay parang isang prinsesa.

Pero akala niya ba aatras ako? Nope. Lamang ako sa kanya sa lahat ng bagay, unang una sa kapangyarihan. Isa lang sa sampung Duke ang ama niya at pangalawang anak lang siya samantalang ako ay nag iisang apo ng nag iisang Grand Duke ng Persua.

Pangalawa, sa talino at ganda. Mas maganda naman talaga ako sa kanya sa simula pa lang kahit na isa siyang model at kung tanino ang usapan, ako na gumraduate na sa pag aaral sa maagang edad ay malaki ang advantage ko lalo na at nandito lamang ako para maranasan ang pakiramdam na pumasok sa school.

Ikatlo, tiyak naman na mas maganda ang ugali ko sa kanya at dahil na rin itinakda siya bilang isang kontrabida ng kwento. At panghuli, nasa akin ang tatlong lalaking mahal niya.

Lamang ako sa kanya sa lahat ng bagay kaya naman wala akong dapat ikatakot pero sabi nga nila ay huwag na huwag kang magsasalita ng tapos.

Naglalakad na kami sa Hallway ngayon palabas ng building. Nasa dalawang gilid ko sina Camden at Carson habang nasa likuran naman namin si Chandler habang hawak hawak niya ang bag ko kahit na hindi naman mabigat.

“ Did you see that girl again? ” Tanong ni Camden at kilala ko na agad ang sinasabi niya.

Cianna…

“ Nope. Why interested? ” Tanong ko at kita ko naman agad ang pag iling nito kahit sa harapan ako nakatingin.

“ It’s just that I find her weird so you must avoid her alright? ” Saad niya at kita ko ang pagbaling nito ng tingin sa akin kaya naman tinitigan ko na din siya.

Bakas sa mukha niya na seryoso siya sa sinasabi niya pero bakit?

Bakit ayaw mong makasalamuha ko si Cianna?

Hindi ko nalang siya binigyan pa ng pansin at tinanguan bago nagpatuloy ulit sa paglalakad hanggang sa bigla nalang may bolang paparating sa direksyon ko at walang pagdadalawang isip kong naipikit ang mga ko.

Ilang segundo pa ay wala akong naramdaman ngunit agad ding napatawa sa kaloob looban ko ng maalalang hindi pala ako nag-iisa at kasama ko ang tatlong lalaki kaya agad kong idinilat ang mga mata ko.

At hindi nga ako nagkakamali ng makitang pinapaikot na ni Carson ang bola sa daliri niya habang nakatingin sa isang bahagi kaya naman sinundan ko iyon ng tingin at isang singhap ang kumawala sa akin ng magtama ang mga pilak at amber na kulay ng mga mata.

‘What the heck? Bakit nandito na din siya?’

Kulang nalang ay sumabog ang dibdib ko ng makita kung sino ang lalaking nakasuot ng basketball jersey habang nakatingin sa amin gamit ang pawising mukha.

Brentt…

Lord Brentt Limuel Itnox, first son of Duke Itnox, one of the 10 Dukes of Persua Country. Kilala bilang gentlemen nguit palaban at lahat ng gusto ay nakukuha. He’s a president and a basketball captain. He fell in love with Cianna when he accidentally threw the ball on Cianna and then they became friends.

But what the heck is he doing here? Bakit nandito na siya agad?

Ayon sa libro sabay na darating sina Brentt at Cianna pero bakit nandito na agad siya? Bakit maagang nagsisulputan ang mga karakter kahit hindi pa ito ang tamang oras?

“ Are you okay? ” Tanong ni Chandler at tumango ako sa kanya bilang sagot.

“ Sorry! I didn’t mean to. ” Biglang saad ng isang boses at hindi na ako nagulat na si Brentt iyon.

Nakikilala kaya siya ng Triplets o nakikila niya man lang ba sila pero bakit sa akin siya nakatingin? Don’t tell me nabihag din siya ng gandang meron si Amara? Aba napakahaba naman ng buhok ng babaeng ito.

“ Don't you know it’s dangerous? ” Malamig na saad ni Camden at nakikita ko na ang pagdami ng tao na nakapalibot sa amin.

Wala akong ibang nagawa kundi ang hawakan ang mga kamay ni Camden at ramadam ko ang pagkalma niya bago tinignan si Brentt at nagpakita ng smile.

“ It’s okay, we’ll leave. ” Saad ko at nauna ng maglakad habang hawak hawak ang kamay ni Camden at tamang tama lang dahil sa kanya ako nakaschedule na sumabay pauwi.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon