Chapter 8

7.3K 361 29
                                    

Muli akong huminga ng malalim at pumasok sa loob. Naramdaman ko kaagad ang kakaibang katahimikan ng lahat.

Nang makarating ako sa harapan ay saka ko sila hinarap at napakurap-kurap nalang ako ng nang makitang tulala silang nakatingin sa akin.

Hindi mababa ang EQ ko kaya alam ko na ang dahilan, at iyon ay dahil sa kakaibang kagandahan ko lalo na ang ginto kong buhok at silver na pares ng mata.

Maririnig mo ang mga huni ng ibon sa loob ng classroom hanggang sa hinampas ni Miss Abbie ang lamesa sa harap para kunin ang atensyon ng lahat na syaa namang ikinatagumpay niya.

" I know that she's beautiful so you must take care of this beauty. " Saad niya at sinamahan pa ng kaunting tawa.

Agad namang nagsisang-ayon ang mga kaklase ko habang nakatingin sa akin kaya hindi ko maiwasang mapangiti ngunit bigla nalang namula ang karamihan sa kanila.

Pinagmasdan ko sila at napagtanto na wala dito ang Triplets Alejo maging ang Keres Group nito.

Napansin ko namang kakaunti lang ang babae at nasa pito lang sila.

Maya-maya pa ay umalis na din si Miss Abbie at tuluyang natuon ang atensyon ng lahat sa akin.

" You can introduce yourself now. " Saad ng teacher habang nakangiti.

" Hi. I'm Amara Cleandra Agustin. I'm 18 years old and I'll be at your care! " Saad ko at ngumiti ng matamis na lalo pang ikinatahimik ng lahat.

Akmang magsasalita na sila ng biglang bumukas ang pintuan na nasa harapan na sya ring pinasukan ko.

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil dito at may hinala na ako kung sino ang mga bagong dating ngunit hindi ko sigurado kung kasama ba nila sila.

Dere-deretsong naglakad ang mga ito papunta sa upuan nila at laking bawas sa kaba ko nang makita kong wala ang Triplets Alejo sa hanay ng grupo na binubuo ng pitong kalalakihan.

Kasabay ng pagharap nila ay ang paninigas nila sa kinatatayuan kaya naman napapikit pikit ako dahil sa naging reaksyon nila.

Akala ko ay hindi sila kagaya ng iba ngunit maling hinala lang pala.

Tumikhim ang teacher na katabi ko kaya naman para bang nagising din ang lahat. Tumingin sa akin ang teacher at ngumiti.

" You may now sit. Just choose any vacant seat. " Saad niya kaya naman nginitian ko din siya.

Maraming kumilos, nagtulakan at iba't ibang bulong na naganap dahil sa pagpili ko ng upuan hanggang sa ang napili kong upuan ay ang pinakadulong parte sa kaliwang bahagi kung saan may malaking bintana at tanaw ang paligid mula sa taas.

Maraming nanghinayang ngunit hindi ko nalang pinansinb at nginitian nalang sila na ikinapula naman ng mukha nila.

Ramdam ko ang tingin mula sa kanan kaya naman walang pagdadalawang isip ko iyong nilingon at nakatagpo ang pitong pares ng mata kaya naman nginitian ko sila at muli akong nagulat ng pati sila ay namula.

Tumingin nalang ako sa teacher sa harapan at nginingitian kung sino ang mapansin kong tumitingin sa akin.

Lumipas ang oras at breaktime na. May mga lumalapit sa akin pero bigla ring namumula at aalis.

Napapailing nalang ako palabas ng classroom nang biglang magring ang cellphone ko at makita ang pangalan ni Lolo kaya naman may ngiti sa labi akong naglakad.

Dali-dali naman akong humanap ng bakanteng classroom para sagutin ang tawag.

Naging saglit lang ang tawag dahil kinamusta lang naman ako ni Lolo at binilinan ng mga bagay bagay bago matapos ang tawag dahil may meeting pa siyang pupuntahan kasama ang Hari at Reyna ng Persua.

Nang matapos ang tawag ay lumapit na ako sa pintuan ng mapansing sarado ito, sinubukan kong pihitin ang doorknob ngunit nahulog ito sa sahig.

Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng kaluluwa ng malamang nakalock ang pinto at ibig sabihin ay hindi ako makakalabas.

Dali-dali ko namang kinatok ng kinatok ang pintuan at umaasang may makakarinig sa akin lalo na at breaktime na pero naalala kong kakaunti lang pala ang mga estudyante dito lalo na at bakanteng classroom ito.

Naisip kong tawagan si Aunt Lilith kaso naalala kong may mahalaga nga pala siyang bagay na kailangang gawin sa opisina at wala naman akong ibang kilala pa.

Sinubukan ko ulit kumatok ng kumatok sa pagbabakasakaling may makakarinig ngunit ilang minuto na ang lumipas ay narito pa rin ako at nakalock.

Akmang tatawagan ko na si Aunt Lilith ngarinig ko ang pagtunog ng doorknob sa labas na nangangahulugang may tao at bubuksan ang pintuan.

Agad naman akong umayos ng tayo at akmang haharap na ng marinig ko ang isang boses.

Isang malamig at malalim na boses ngunit nagdulot ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon