Chapter 12

7K 396 112
                                    

Ganoon nalang ang pangingilabot ko ng sabay sabay na ngumisi ang tatlong nasa harapan ko.

Delikado sila but at the same time ang ga-gwapo parang mga anghel nna pinadala sa lupa para maghasik ng lagim.

Napangiwi nalang ako sa naiisip ko at muling itinuon ang atensyon sa mga lalaking nasa harapan ko.

" You need something? " Tanong ko sa kanila at tinaasan ang kilay.

Well I'm not being out of character being Amara in the book, hindi naman kasi anghel si Amara at mag pagkapilya din sa piling tao nga lamang and facing this triplets makes me feel flustered and uncomfortable at the same time.

" Amara Cleandra Agustin. " Banggit ni Carson sa pangalan ko na siya namang tinapunan ko ng nagtatanong na tingin.

" Who are you? " Tanong nito na siya namang ikinaikot ng mata ko.

Hindi porket mahal ko sila bilang protagonist ng librong gusto ko eh exemption sila sa balikong ugali ko.

Kilala din ako sa field bilang suplada at mataray.

" I believe you already knew my name. " Saad ko at tinignan sila ng 'diba?' look.

Halos hindi ko na naman napagilan ang sarili ng marinig ang pagtawa ni Chandler at pagngisi ni Camden na siyang ikinanguso ko nalang at kinagatan ang hawak kong fries.

" What a fierce lady. " Bulong ni Chandler pero rinig ko naman.

" Of course why not. " Saad ko na siyang ikinatawa niya lalo.

Napangiwi naman ako ng makitang nakatitig sa amin lahat ng customers na kasama namin dito sa second floor and I just gave them 'I don't know them' look at mukha namang nakita iyon ni Carson na ikinatawa nito.

Kinuha ko na ang fries ko at tumayo saka tinignan ang tatlo kahit na medyo nanginginig ang mga tuhod ko.

" Look, if you don't need anything just say it, but next time. Ciao. " Saad ko at dali-daling umalis doon hanggang sa nakarating na ako sa labas ng Jollibee at naisipang lingunin ang tatlong iyon.

Hindi na ako nagulat ng makitang nakatitig sila sa akin pero ang ikinagulat ko ay ang ngisi na nasa labi nilang tatlo.

Saka ko naalala na ang tatlong yon ay walang kapabilidad na tumawa o ngumiti lamang na kahit pagngisi ay madalang mong makikita.

What's happening?

Sumakay na ako ng taxi at muling pumasok sa school. Tapos na ang breaktime at bumalik na ako sa klase.

Umaasa man ay hindi ko akalaing papasok sa oclass ang tatlong lalaki ngunit wala na ang ngisi sa labi kundi napalitan na ng ekspresyon nila sa araw araw.

Cold.

Nagtama naman ang mga mata namin ngunit tinaasan ko lang sila ng kilay at saka bumaling sa teacher na nasa harap na kahit walang nakikinig ay salita pa rin ng salita.

Napabuntong hininga nalang ako hanggang sa lumipas ang oras at sa mga oras na nagdaan ramdam na ramdam kong malapit na akong matunaw sa titig ng tatlong iyon.

Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako o matatakot eh.

Nakarating na ako sa Mansion at napansin na abala ang mga katulong kaya naman ng may mahagip akong isang katulong ay agad ko itong tinanong.

" Uuwi po ang mga Young Masters. " Sagot nito na siya namang ikinakunot ng noo ko pero agad ding pumasok sa loob ng kwarto.

Nakita kong inayos ng mga katulong ang kwartong nasa tapat ko at mukhang alam ko na kung kanino ang kwartong iyon.

Paniguradong sa tatlong lalaki iyon, gaya ng sabi sa libro bilang triplets ay naghahati hati din sila sa kwarto at ang kwartong nasa tapat ay nakita kong sobrang laki pero hindi ko nakita kung tatlo ba ang kama or isang malaking kama lang tapos tabi-tabi sila?

Feeling ko ang sagot ay yung pangalawang option. They share everything.

Lumipas ang oras at dilim na, kanina pa dumating si Aunt Lilith at sinabi niya ngang dadating yung tatlo.

Hindi naman ako lumabas ng kwarto at hinintay na lamang na ipatawag ako para magdinner.

Narinig ko maya maya ang tunong ng sasakyan at ang pagbukas ng pintuang nasa tapat mukhang nagpapalit na sila ng damit.

Muli ko ding narinig ang mga yabag pababa at muling tumingin sa salalim. Hindi nga ako nagkamali ng may kumatok sa pintuan ko at sinabing oras na para kumain.

Naglakad na ako pababa hanggang sa makarating sa may Dining Area at kita ko naman ang tensyon na mga itsura ng mga katulong, alam ko namang tensyonado sila dahil tatlong ito.

Mukha namang naramdaman nila ang pagdating ko na sabay sabay nilang ikinalingon at kita ko ang gulat sa mukha ng tatlo.

" Hi cousins. "

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon