Pumarada ang Limousine at inilalayan kaming bumaba ng mga bodyguards. Pagkababa namin ay inilibot ko ang aking mga mata at pinagmasdan na mabuti ang kapaligiran ng Mansion.
Masasabi mong napaka sarap tumira dito lalo na at may malawak na lupain na punong puno ng mga iba’t ibang puno at halaman.
Lumingon ako sa Mansion ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan, paglingon ko ay nakita ko ang mga katulong, chef, butlers maging mga guards na nakahilera sa loob habang may nakakasilaw na ngiti sa kanilang mga labi.
“ Welcome to the Philippines, Lady Celeste Agustin of Vishal Dukedom of Persua Country. ” Sabay sabay na bati ng mga ito bago nagbow.
“ Thank you. ” Saad ko at nginitian sila ng mga nagtunghayan na sila.
Inilibot ko ang tingin sa loob, simple pero elegante at dama ko ang init para sa isang tahanan.
Mamahalin din ang mga gamit sa loob at masaya akong manatili dito lalo na at may pagkakataon akong makita ng personal ang mga paborito kong karakter.
Tuluyan na kaming pumasok sa loob ng Mansion at umakyat sa second floor nito. Habang naglalakad papunta doon ay nagkukwento si Aunt Lilith.
“ I have three sons, my eldest was Camden, the middle was Carson and the last was Chandler. They are identical triplets and even me was struggling with who's Camden, who’s who. ” Paunang kwento niya.
“ Minsan lang sila umuwi dito kasi meron din silang inaasikaso na business in their age. They are 1 year older than you, you know we have a very poor relationship but I love them because they’re my sons. ” Dagdag niya at dumaan na naman ang malungkot na emosyon sa mukha niya.
“ Anyway, let’s not talk about it. I’m your Fifth Aunt at dahil masyadong malayo, I don’t think we are still blood-related at all but I’m happy to be your Aunt. ” Saad niya at nginitian ako.
“ I’m also happy to be your niece po. ” Sagot ko na ikinangiti niya, maya maya pa ay nakarating na kami sa harap ng isang kwarto.
“ I’m sure your room in Persua was better than this room but I hope you like it. ” Saad niya at dahan-dahang binuksan ang pintuan.
Kahit hindi kasing laki ng kwarto ko sa Persua ang kwartong gagamitin ko ay malaki pa din ito lalo na at nag-iisa lang ako.
Halatang nilinis ito ng mabuti at bago ang mga gamit. Maaliwalas din lalo na at may balkonahe, malalaki din ang bintana at tanaw ang magandang tanawin ng harap ng mansyon.
“ You don’t need to worry po, I’m very happy to have this room. Thank you po. ” Sagot ko na ikinangiti niya.
“ That’s good to hear, there's clothes there that you can use for the meantime. I know you’re tired so rest for now then come down after resting. ” Saad niya at nginitian muna ako bago isarado ang pintuan.
Napabuntong hininga na lang ako sa mga nangyayari. Nandito na ako sa Pilipinas, sa bahay mismo ng Triplets Alejo.
I don’t know kung kakayanin ko ba na maging normal pagnakaharap ko na sila. Hindi niyo naman ako masisisi kung bigla nalang akong himatayin pagnakita ko sila di ba. Nakita ko na sa libro ang mga itsura nila pero iba pa rin pag personalan na.
Baka nga walang binatbat ang itsura nila sa libro sa totoong buhay eh. Hindi na ako makapaghintay na makita sila pero kung iisiping mabuti, mukhang matatagalan pa bago kami magkaharap-harap.
Pero mas mabuti nga siguro yon lalo na at may mga bagay din muna akong gustong gawin ngayong nandito na ako sa Pilipinas.
Naglinis na muna ako ng katawan saka sinuot ang isang off shoulder na puting dress na nasa damitan, mukhang kailangan ko ding bumili ng mga damit mamaya.
Humiga na ako sa malambot at mabangong kama at unti-unting tinangay ng antok at dalhin sa isang magandang tulog.
Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakakalipas pero matindi na ang sikat ng araw. Nasabi ko bang mga ala-sais ng umaga ako nakarating dito?
Mataas na ang sikat ng araw at mas tanaw ko ang magandang tanawin sa baba.
Nag-ayos ako ng sarili bago bumaba. Habang naglalakad ay mas pinagmamasdan kong mabuti ang mga nadadaanan ko.
Talagang mayaman ang Triplets Alejo lalo na at naipundar nila ang lahat ng meron sila sa sarili nilang pagsisikap hanga ako sa kanila.
Bukod sa itsura nila, naeexcite na din akong marinig ang boses nila. Sabi kasi sa libro, para daw galing sa hukay sa sobrang lalim at dinaig pa ang antartica sa sobrang lamig pero ang description naman ni Cianna ay malambing ito at nakakatindig balahibo dahil sa sobrang sarap pakinggan.
Hay nako… excited na ako!
BINABASA MO ANG
What Went Wrong?🌟
FantasyI was just an audience that was watching my favorite characters fall in love and have their happy and beautiful lifetime ending. But... How is this... " We love you Cianna. " To this... " You're the one we love, Amara. " The fuck?! -Slow Updates