Chapter 47

5.9K 279 33
                                        

Tahimik na dapat ang maghapon ko lalo na at wala dito ang mag-ama dahil namamasyal sila pero sinong matutuwa kung masarap yung higa mo sa kama at may biglang may dumating na kung ano para sayo?

" Do I need to attend this? Of course I need to. " Walang gana kong saad habang pinagmamasdan ang imbitasyon na balot balot ng pulang envelope.

Isang imbitasyon mula sa palasyo, ito ay tungkol sa pag aanunsyo ng opisyal Crown Prince ng bansang Persua.

Sa tingin ko ay ang ikaapat na Prinsipe ang magmamana ng trono lalo na at iba naman ang nangyari at hindi kinailangang magpunta dito ng Alejo.

Tsk. Hindi ko nga pala kilala ang mga yon.

Hindi naman pwedeng hindi ako dumalo lalo na at talagang nakapangalan sa akin ang imbitasyon kaya naman wala akong magagawa kundi ang dumalo talaga.

Nang malaman ni Lolo na may dumating na imbitasyon ay agad siyang nag utos para kumuha ng mga professional na make up artist at nagulat nalang ako na pagpasok ko sa isang kwarto ay kumpleto na lahat, maging ang damit na gagamitin ko.

Hindi ko alam pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga mangyayari mamayang gabi.

Pasado alasais ng gabi ay natapos ang pag-aayos sa akin at mukhang hindi ko na kailangang idescribe ang sarili ko lalo na at bagay na bagay talaga sa akin ang berdeng damit at maging ang mga alahas na nakasabit sa katawan ko ay kulay berde.

Matapos mag-ayos ay mag-isa na akong lumabas ng kwarto, hindi ako masasamahan ni Lolo dahil daw 'matanda' na siya at umoo nalang ako sa walang kadating dating niyang palusot.

Sumakay na ako sa itim na Limousine at may isang sasakyan sa likod at harap ng sasakyan na kinalalagyan ko for safety purpose daw.

Makalipas ang mahigit kalahating oras ay nakarating na kami sa Palasyo at masasabi kong karapat dapat lang talagang tawaging palasyo ng lugar na ito dahil dinaig ko na ang isang langgam sa isang 6' na lalaki.

Napailing iling nalang ako sa naiisip ko hanggang sa bumukas na ang pintuan at inalalayan naman akong bumaba ng bodyguard.

Umayos na ako ng tayo at huminga ng malalim, hindi ko alam pero sigurado akong may mangyayari sa loob sa oras na pumasok ako.

Umalis na ang mga guard ko at naiwan akong nakatayo sa malaking pintuan, bakit ba ito nakasara eh hindi pa naman ako late.

Buong lakas kong itinulak ang pintuan at napabuntong hininga nalang ako dahil tama ako, may mangyayari nga sa oras napumasok ako.

Pagkabukas ko ng pintuan ay may mga taong nakatayo sa malapit, at ibig sabihin ay kararating lang nila at ayon sa suot nila ay nay mataas silang katungkulan dito.

Iiiwas ko na sana ang mga tingin ko ng makitang lumingon ang isang mukha na nakapagpagulat sa akin.

Mukhang maging siya ay nagulat t hindi na ako nagtaka ng tumingin na rin sila sa akin. Walang emosyong makikita sa mukha ko habang nakatingin sa kanila, naalala ko ang lahat.

Kahit naman ay dalawang linggo lang akong nagluksa ay nagkagulo naman sa Dukedom at labas pasok ang mga Doctor.

Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ang palayaw na matagal ko ng kinalimutan.

" Drea…… " Sabay sabay na tawag ng tatlong iyon at kung titignan mong mabuti, lungkot at konsensya ang makikita mo sa mga mata nila ngunit hindi ko iyon kailangan.

" I humbly greet the First Prince Alejo, Second Prince Alejo and Third Prince Alejo of Persua Country, may the blood of ancestors be with you. " Saad ko at nagbigay galang habang sila ay nakatingin lang sa akin.

Mahaba-haba ang gabing ito.

Matapos ang nangyari kanina ay agad na nawala ang atensyon nila sa akin lalo na at may dumating na sasakyan sa likuran at kilala ko na agad kung sino iyon base sa mga tingin nila.

Muli akong yumuko saka umalis, hindi ko na din pinansin ang mga tingin nila at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdanan.

Pagkababa ko ay pumasok si Marriane at tinanggap siya ng tatlo habang may nagniningning na mata. Sa oras na iyon isa lang ang napagtanto ko.

'Kahit na baguhin ko pa ng paulit-ulit ang mga bagay na wala sa libro ay hinding hindi babagsak sa akin ang tatlo dahil ang gumawa ng kwentong ito ay pilit na guguluhin ang lahat kaya mas mabuting wag nalang akong gumawa pa ng kung ano ano.'

Pinagtagpo pero hinding hindi ipagtatadhana.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon