Chapter 35

5.5K 322 45
                                    

Hindi naman siya nakaimik dito at akmang magsasalita naman si Chandler ng may pumasok na isang katulong.

Ipagtatanggol mo pa ah, let’s see kung sino ang ipagtatanggol mo matapos ang lahat ng ito.

“Miss Amara, may tao po sa labas. ” Saad nito at nginitian ko naman siya bilang pasasalamat saka naglakad papalabas ng bahay, kita ko namang sumunod din sila sa akin at nang tuluyan akong makatalikod sa kanila ay saka lumabas ang ngisi ko dahil nakita kong hindi man lang inalalayan ni Carson ang ‘nahihilong’ si Marriane.

Pagkalabas namin ay ganoon nalang ang pagkakangiti ko ng makita kung sino ang naghahanap sa akin.

Isang lalaking matangkad at masasabi kong may itsura siya pero di naman maikukumpara ang itsura siya sa tatlo.

“ Who is he? ” Tanong ni Camden ngunit hindi ko ito sinagot at nginitian ang lalaki na siya namang ikinangiti din nito kahit namumula na ang buong mukha niya.

“ Your boyfriend is handsome. ” Saad bigla ni Marriane na hindi ko nalang din pinansin at lumapit sa lalaki.

Matagal tagal din kaming nag usap at habang nag uusa kai at ramdam na ramdam ko ang masasamang tingin na nakukuha ko ngunit imbis na mainis, lalo lang akong natutuwa.

" Thank you " saad ko at may pinirmahan.

Umalis na siya at nanatili naman akong nakatayo sa kinatatayuan ko kanina narinig ko ang putol na pagtawag ni Carson sa pangalan ko nang pumasok ang isang malaking truck sa loob ng Mansion.

Narinig ko pa ang mga sinasabi ng apat sa likod ko ngunit hindi ko na ito binigyang pansin at naglakad papunta sa likuran ng truck ng bumukas iyon ay bumungad sa akin ang isang kulang puting Tesla, na binili ko kahapon.

" Woah, your boyfriend buys you a car. " Saad ni Marriane ng makalapit na ako sa kanila dahil naiparada na ng maayos ang sasakyan ko.

" Shut up Marriane, Amara who is he? " Tanong ni Camden ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi na sinagot saka pumasok sa loob.

'Mag overthink kayo ngayon,  bahala kayo dyan'

Kinuha ko nalang ang bag ko sa kusina atsaka muling lumabas. Nandoon pa din naman sila at tinitignan ang sasakyan.

Cute sana sila eh kaso may sabit na palaka.

Lumapit ako sa kanila kasabay ng 'click' mula sa pintuan ng kotse kaya naman napatingin sila sa akin.

" Where are you going? " Tanong ni Chandler ng makitang binubuksan ko ang pintuan ng kotse.

" Of course, school. " Sagot ko at akmang papasok na ng may maalala kaya naman tumingin ako kay Marriane na nakatingin din pala sa akin.

Nakita ko pa ang kunting pagflinch niya ng magtama ang mga paningin namin kaya naman napangisi nalang ako sa isipan ko.

" And anyways, I want you to know that I don't have boyfriend, and this car… i bought it for me to use so don't overthink ey? " Saad ko at hindi na siya hinintay na magsalita pa saka pumasok sa loob at walag pagdadalawang isip na pinaandar ang sasakyan kahit na malapit lang sila.

Napangisi nalang ako ng makita sa side mirror kung paao natumba si Marriane sa lupa dahil sa gulat ngunit walang umalalay sa kaniya kaya naman tumayo nalang siya mag-isa at may galit sa mukha niya.

Tsk. Tsk. Tsk.

Nakarating na ako sa school a hindi na ako nagulat ng makita ang mga nagtitinginang mga estudyante sa dinadaanan ng sasakyan ko. Inayos ko na ang pagparada at bumaba ng sasakyan.

Pagkababa ko ay natanaw ko di kalayuan ang tatlong kotse na sunod sunod na umaandar patungo sa direksyon ko.

Halata namang gusto akong makausap ng tatlong iyon mula pa kanina sa kusina ngunit hindi naman masama kung maglaro muna ako hindi ba?

Hindi ko na hinintay pa na tuluyan silang makababa at agad na naglakad papuntang building ng room, magdusa sila dyan.

Habang naglalakad ay nadaanan ko naman ang dalawang taong hindi ko akalain na magkakasundo, at para bang mga drug dealers dahil sa pagbubulungan.

Cianna and Haley, of course.

Now that Marriane's here I would love to sit back and enjoy the show. Because she loves attention, now she had the attentions of these ladies as well as their hatred.

Now, play your role dear Marriane~~

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon