Natahimik ang lahat at lahat sila ay napatingin sa ikalimang Prinsipe na gulat ding nakatingin sa akin hanggang sa unti unting namula ang maputi nyang balat sa mukha at sumeryoso din ang tingin niya sa akin napara banag hinahamon ako na bawiin ko ang sinabi ko dahil kung hindi ay baka pagsisihan ko.
‘No My Prince, I want you and you have to grant my wish to come true.’
Nginitian ko nalang siya at saka pinagpatuloy ang pagkain hanggang sa tumikhim si Lolo at hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang ngisi niya sa labi at ang nanunukso niyang tingin habang palipat lipat ang tingin niya sa akin at sa ikalimang Prinsipe.
“ If that’s the case, it will be hard to find a husband for you, especially since our Fifth Prince is unique. I’m afraid that you’ll live your life alone. ” Saad ni Lolo at nagkunwari pang nag iisip ng mabuti na palihim namang ikinaikot ng mata ko.
“ No need to worry about my successor, Allia will be the great choice. ” Saad ko na ikinagulat naman ni Greg na umiinom ng tubig.
Sayang naman at hindi niya naibuga, kay Marriane sana ang ending.
“ But isn't it better if you will have your own family, Lady Celeste? ” Tanong naman ni Greg at alam kong iniiba lang niya ang usapan tungkol kay Allia.
“ Yes it is but what if I can’t find someone like the Fifth Prince? ”
Muli silang mga napatingin sa akin ngunit ngumiti nalang ako at nagpatuloy sa pagkain habang si Lolo naman ay ngingiti ngiti sa upuan niya.
Hindi naman ako papayag na tumanda akong mag-isa, na dalaga. Anong silbi ng itsura at ugaling meron ako kung wala man lang akong mabibingwit?
At isdang prinsipe ang nais kong hulihin.
Makalipas ng oras ay nagsiuwian na din ang mga bisita namin.
Mukha ngang ayaw pang umalis ng tatlong Alejo kanina kung hindi lang kumahol ng kumahol si Marriane habang ang ikalimang Prinsipe naman ay walang imik na umalis ngunit ilang beses na nagtama ang mga paningin namin at nahuhuli ko siyang mamula o di kaya ay mainit ang titig sa akin.
Kasalukuyan akong nasa Garden, hapon na kaya naman hindi na ganoon kainit ang sikat ng araw at malakas na ang simoy ng hangin.
Tahimik akong nakaupo ng maramdaman na may papalapit at alam kong si Greg iyon lalo na at humalo sa hangin ang pabango nito. Hindi ko sya nilingon at hinayaan na magsalita ito.
“ You like the Fifth Prince. ” Hindi ito tanong kundi isang obserbasyon at tumama siya doon kaya naman hinarap ko na siya at taas baba ang kilay na umimik.
“ I have a good taste, don't I? ” Saad ko at napaismid nalang siya.
“ Why him? ” Tanong nito at namulsa habang tumingin sa malayo.
“ Why? Jealous? ” Pang aasar ko ngunit tinitigan lang niya ako kaya naman nginitian ko siya bago sumagot.
“ I didn’t choose him, my heart did. ” Sagot ko at tumingin sa malayo.
“ He’s weak and powerless. ” Saad niya.
“ He’s weak? Then I’ll become his armor and warrior. He’s powerless? Then I’ll power and give it to him. ” Simpleng sagot ko at narinig ko ang pagbuntong hinga siya dahil alam niyang hindi niya mababago ang desisyon ko.
Kailan pa ba siya nanalo sa akin kung lagi din naman niya akong pinapapanalo?
Tinitigan ko siya at nginitian ng matamis at nag iwas siya ng tingin, kahit ilang beses pa niyang ideny na wala na siyang gusto sa akin ay hindi niya mapigilang lumabas iyon.
Kahit itago mo ay kusang lumalabas iyon lalo na kung malaking parte ang sakop ng taong iyon sa puso mo. Pag-ibig?
Hindi mo iyon mapipigil at sa kasamaang palad nga lang ay maaaring ibalik ito ng taong mahal mo o di kaya ay idagdag ka niya sa ‘friend for life.’
At sa sitwasyon na meron kami Greg naidagdag ko siya sa mga ‘friend for life’ ko dahil iyon lang ang kaya kong ibigay at hindi din naman niya kasalanan kung nahulog siya di ba?
Wag mo nga lang gagawing mundo ang taong iyon dahil paniguradong hindi ka na makakaahon dahil malulunod ka lang sa sakit na maidudulot ng rejection.
Napatingin naman ako sa papalayong likod ni Greg saka napabuntong hininga.
One-sided love nga naman.
Napakaganda ko talaga…
Hehe…
BINABASA MO ANG
What Went Wrong?🌟
FantasyI was just an audience that was watching my favorite characters fall in love and have their happy and beautiful lifetime ending. But... How is this... " We love you Cianna. " To this... " You're the one we love, Amara. " The fuck?! -Slow Updates