Tumigil ang sinasakyan namin sa isang building. Hindi na ako umangal pa ng pagbuksan ako ng pintuan ni Chandler.
Tumingin ako sa paligid at napansin din ang lima pang kotse na nakaparada.
Nagsimula ng maglakad ni Carson kaya naman sumunod na din ako at habang naglalakad ay nasa gitna ako nina Chandler at Camden habanag nasa unahan ko naman si Carson.
Maya maya pa ay nakita ko na ang isang malaking pintuan at may mga lalaking nasa pintuan.
Nang matanaw naman nila kami ay binuksan nila ang pintuan at napataas nalang ang kilay ko dahil sa hanga dahil sa ganda ng paligid.
Malawak at malinawag. Saka ko napansin na nasa itaas pala kami at ang nasa baba ay isang malaking space at kita ko ang mga railings at mga lines.
Pati mga traffic cones meron at ang pinakaumagaw ng atensyon ko ay ang mga kotseng pang karera.
So nandito sila para mangarera?
Napatingin naman ako sa gilid at nakita ko ang mga grupo ng Keres at napangisi nalang nang makitang may mga babaeng kumilingkis sa kanila at nakikipagharutan.
Inalalayan naman ako ni Carson pababa ng hagdanan hanggang sa tuluyan na kaming makababa at may lalong luminaw ang paligid.
Mukha namang napansin ni Camden ang ekspresyon ko.
“ You like it? ” Tanong niya’
“ Yes. ” Saad ko at ngumisi.
Dati gustong gusto kong matuto kung paano manipulahin ang isang race car at makaranas ng isang race pero dahil mahina ako dahil sa sakit ay hindi ko nagawa kaya baka sakaling matuto ko.
Napatingin naman ako sa Keres ng makarinig ng tili at napataas ng kilay ng makitang nasa lapag ang mga babaeng kanina lang ay nakikipagharutan sa Keres.
At muli itong mga nagsitili ng makita kami o sabihin na nating, nang makita ang tatlong Alejo.
Lumapit na kami sa grupo at lahat sila ay nagsiayos ng itsura at tayo.
Ngumiti naman ako sa kanila bilang pagbati na siyang ibinalik din nila maliban nalang siguro sa limang babaeng nakairap pero minamanyak naman ang Triplets.
“ So? How come you’re also here Amara? ” Tanong ni Andrei, he’s part of the Keres at siya ang nagtanong sa akin noon sa Cafeteria kung anong nangyayari.
“ They want to take me for a walk. ” Saad ko at itinuro ang Triplets na nasa likuran ko.
“ Oh. So you’ll watch us? ” Tanong naman ni Kenly.
“ Yes, I will. ” Sagot ko at nginitian siya na ikinapula naman niya.
Nakarinig naman ako ng tikhim sa likod at tinaasan ko nalang ng kilay si Chandler.
“ Ah, I remember, We haven’t introduced ourselves. I’m Joshua, that guy with a blue sando was Tyler. That one was Kenly, this is Andrei and Lucas, the shy type acting leader. ” Pakilala ni Joshua sa mga kamyembro at kita ko namang pasimpleng sinuntok ni Lucas si Joshua.
“ Nice you meet you all and once again I’m Amara. ”
Saad ko at nginitian sila ng matamis na sabay sabay nilang ikinamula at napasimangot nalang ako ng maramdaman ang masamang elemento na nagmumula sa likod ko at kita ko namang namutla ang lima kaya hinarap ko ang tatlo saka nagsalita ng walang tunog.
“ Behave. ” Saad ko at ramdam kong bumalik na ang temperatura at umusbong ang simangot sa mukha nila na hindi ko nalang pinansin.
“ Hi! I’m Jessica, this is my sister Amie. This is our friends Ysabel, Leonna and Camille. ” Saad ng babaeng kanina ay nakatulala at ngiting ngiting nakatingin sa tatlong nasa likod ko.
Nagkibat balikat naman ako at tumingin sa race track bago ibalik ang tingin sa kanila saka sila nginisian.
“ So who’s the owner of this place? ” Tanong ko sa kanila.
“ It’s ours. ” Biglang saad ni Carson at lumapit pa sa akin.
“ W-what? I'm the owner, K-king. ” Saad ni Lucas na ikinataas ko ng kilay.
“ I’ll transfer the money later. ” Saad naman ni Camden at tinitigang mabuti si Lucas, wala namang ibang nagawa si Lucas kundi tumango.
Napailing iling nalang ako. Anlakas sila magtapon ng pera ah. For sure this place cost millions.
Muli kong inilibot ang tingin at hindi mapigilan ang ngiting sumisilay sa labi ko. Naramdaman ko naman ang braso ni Chandler sa balikat ko na ikinataas ng kilay ko pero hinayaan nalang.
“ So what do you think? ” Tanong niya.
“ Cool. So when will you start? ” Tanong ko at hinarap sila.
“ This is my first time watching a live race so please entertain me. ” Saad ko at kinindatan sila.
BINABASA MO ANG
What Went Wrong?🌟
FantasíaI was just an audience that was watching my favorite characters fall in love and have their happy and beautiful lifetime ending. But... How is this... " We love you Cianna. " To this... " You're the one we love, Amara. " The fuck?! -Slow Updates