EPILOGUE

7.3K 355 152
                                    

Isang buwan.

Isang buwan ang lumipas mula noong mangyari ang pagpili ng mapapangasawa ko sa pamamagitan ng tadhana.

Isang buwan na din mula ng makuha ko ang isang brooch na may abong perlas ang mga dyamante na nakapaligid dito.

Unang tingin palang ay nagustuhan ko na ito lalo na yung may-ari.

“ Yow so peety. ” (You’re so pretty.) Saad ni Allia habang nakatingin sa akin mula sa pagkakahawak ng kanyang ama na ngayon ay natulala din sa akin.

Napatawa nalang ako dahil halata namang mag-ama sila lalo na at magkamukhang magkamukha talaga ang dalawa.

Mukha namang napabalik sa wisyo si Greg ng makitang napatawa ako sa naging reaksyon nila, agad siyang nag-iwas tingin ngunit dhindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng tenga niya.

Napailing iling nalang ako at tinignan ang bungkos ng puting rosas na hawak hawak ko.

Ikakasal na nga pala ako.

Oo, ikakasal na ako at tanging isang buwan lang ang naging preparasyon lalo na kung ang mga nag asikaso naman nito ay binayaran ng triple para mas pabilisin ang pag-aayos.

Natakot ata sila na tumakbo ako kaya naman mas gusto nilang maagang mangyari ang kasalan kahit na ang idinahilan nila ay kailangan na kailangan na nila ang pangalan ni Lolo.

Matatanda nga naman, makukulit pa din.

Kanina pa ako tapos ayusan at lahat ng suot ko ay puti habang ang palamuti naman nito ay ang mga nagkikislapang dyamante.

Ang gown na suot suot ko ay ang pinakamahal na gown na nag exist lalo na at totoo at malalaki ang presyo ng mga materyales na ginamit dito lalo na ang mga dyamante na nakakabit.

Ang gown na suot suot ko ay ang pinakamahal na gown na nag exist lalo na at totoo at malalaki ang presyo ng mga materyales na ginamit dito lalo na ang mga dyamante na nakakabit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May taas na 4 inches ang puting heels ko habang isang koronang puno ng dyamante ang nasa ulo ko na pinapatungan ng isang puting belo.

Simpleng make up lang ang meron ako ngunit kung pagmamasdan mong mabuti ang kinalabasan ay talagang malaki ang paipagmamayabang ko lalo na ang hugis hourglass kong katawan na talaga namang dapat kainggitan at dapat hangarin ng kahit na sino.

Nandito ako sa isang kwarto sa Palasyo dahil dito din naman gaganapin ang kasalan at sa Forbidden Palace ito gaganapin.

Forbidden ang lugar dahil sagrado ito at talagang pinangangalagaan kahit noong kapanahunan pa ng mga ninuno.

Hindi ko pa nakikita ang mga dekorasyon doon dahil isang linggo na akong nasa kwarto dahil hindi daw ako maaaring lumabas takot lang nilang tumakas ako eh.

Natapos ang paghihintay ko at tuluyan na akong sinundo ni Lolo sa tapat ng pintuan upang puntahan ang magiging bagong pahina ng buhay ko kasama ang isa pang bida dito, ang asawa ko.

Tinulungan din ako ng mga katulong para sa gown na suot suot ko lalo na at hindi biro ang bigat nito pero kaya pa naman.

“ Ikhakhashal kha na. ” Biglang saad ni Lolo na nakapagpatawa sa akin ng malakas.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon