Chapter 31

5.3K 327 79
                                    

Kagaya kagabi ay agaw pansin pa din si Marriane kaya naman mas minabuti ko nang tumahimik sa isang gilid pero talagang gusto niya ata akong inisin kahit ang aga aga pa.

" You know our dream is to marry each other. "

" We played princess and princes a lot when we were young. "

" They're always beside me and give me a kiss when I cry. "

" Sometimes we sleep together! "

" There was a time that we were lost in the forest but they assured me that we will be safe and their words are true! "

" You know, Camden accidentally broke his arms because he saved me from falling in the swing. "

Andaming kwento, puro tungkol sa mga sweet na memories na pinagdaanan nilang apat na mukhang sinaulo na ni Marriane pero buti na lang at marunong pa ding makiramdam ang tatlong lalaki dahil pingilan nila si Marriane na magdadada pa pero ampangit ng pamamaraan nila dahil ang ginawa nila ay siyang makipagkwentuhan kay Marriane kaya natural na na kay Marriane lahat ng atensyon nila.

Buti nalang at kahit papaano ay alam pa din ni Aunt Lilith na narito ako dahil kung hindi nagmumukha akong invisible dito.

Pasakay na kami sa kotse papuntang school at nakaschedule ako ngayon kay Chandler kaya naman natural na sa kanya ako sasakay pero…

" We'll riding a van especially that I want to be with you guys! " Saad ni Marriane o sabihin na nating utos ni Marriane.

And here's the fact, sumunod agad ang tatlong yun na hindi man lang tinanong ang opinyon ko pero hindi ako batang magtatampo dahil doon, may pasensya pa ako.

Naunang sumakay si Carson at agad itinulak papasok ni Marriane sina Camden at Chandler kaya ang ending ay magkatabi ang tatlo sa unang hilera ng upuan sa van.

Akmang sasakay na ako ng maramdaman ang munting pagtulak ni Marriane sa akin paalis sa daan kaya naman napaatras ako.

Kumurba ang ngiti sa labi ko ng makitang ipagsiksikan ni Marriane ang sarili niya sa tabi ng tatlo at nagkasya nama pero halos kandungin na siya ni Camden.

Napatawa nalang ako ng mahina at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay.

What a lady.

And of course hindi ko ibababa ang sarili ko sa label niya. Gusto niyang makipag agawan?

Go, suit yourself Marriane.

Saktong sakto naman na nagring ang cellphone ko at nawala ang inis ko ng makitang si Lolo iyon.

Napansin ko din na ako nalang ang hinihintay na sumakay sa Van pero binigyan ko sila ng isang ngiti at iwinagayway ang cellphone ko.

" I think you need to go first. I still have something to do. " Saad ko at hindi na ako nagulat ng maunang magsalita si Marriane sa tatlong lalaking halatang halata naman na tutol.

" Okay! Take care! " Saad niya at tumayo pa sa kinauupuan niya para isarado ang pintuan ng Van at agad naman na umandar na ang Van.

They didn't even stop her. Tsk.

Sinagot ko ang tawag at mabilis naman iyong natapos dahil kamustahan lang naman ang naganap at nag matapos ang tawag ay saka ko naalala na nakaalis na pala si Aunt Lilith kaya naman wala akong sasabayan pero sa garage, maraming sasakyan.

Lumipas ang minuto at walang kahirap hirap kong ipinarada ang isang kulay pulang Mercedes sa parking lot ng school at dahil open ang lugar na iyon ay kita ko lahat ng estudyanteng unti unting lumalapit, syempre para tingnan kung sino ang nakasakay sa sasakyan.

Kinuha ko ang bag ko at saka binuksan ang pintuan.

Narinig ko pa ang ilang sipol ng una kong ihakbang ang makinis kong hita pababa ng kotse pero napuno ng ingay ang paligid ng tuluyan na akong nakababa ng sasakyan.

Nginitian ko naman ang nga ito na ikinatahimik nila kaya naman naglakad na ako papaalis pero hindi pa ako nakakaalis sa parking lot ay sumalubong na sa akin ang tatlong mukha.

" Drea… " Tawag ni Chandler at hinawakan ang kamay ko na hindi ko naman iniiwas.

Oh? Drea na ulit.

" Triplets. " Saad ko at nginitian sila ngunit hindi ngiti ang isinukli nila sa akin kundi isang nag-aalala na ekspresyon.

" Why did the three of you look like that? Na para bang may ginawa kayong hindi dapat? " Saad ko at tinaasan sila ng kilay.

" We know that you're angry… " saad ni Carson ngunit pinutol ko na ito.

" No Carson, I'm not angry and why would I be angry? I know Marriane misses the three of you so I should give you a time, right? " Saad ko at nginitian sila.

Kita ko pa ang pagdadalawang isip sa mga mata nila pero hindi na nila iyon pinilit pa at sabay sabay kaming pumuntang room.

" Where's Marriane? " Tanong ko sa kanilang tatlo ngunit hindi sila nililingon.

" Our teacher was orienting her. " Sagot ni Chandler na hanggang ngayon ay hindi pa din binibitawan ang kamay ko.

So we're classmates huh. But anyways, she's useful.

Nang makarating kami sa room ay maraming bumati sa amin at lahat sila ay nakakatanggap ng ngiti sa akin ngunit masamang tingin naman mula sa tatlong kasama ko.

Umupo na kami at hindi nagtagal ay na kumpleto na din kasabay ng pagdating ni Marriane at nagpakilala siya sa harapan.

Matapos noon ay dali dali siyang pumunta sa harap ko at gaya ni Cianna gusto niya ding umupo dito pero ang kaibahan lang ay gusto niyang makuha ang upuang inuupuan ko.

Nang makitang aangal ang grupong Keres ay hindi na ako nagulat ng patigilin ito ng Triplets na siya namang ikinagulo ng limang lalaki.

Tumayo ako at kinuha lahat ng gamit saka ngumiti kay Marriane.

" You can now have it, take care. " Saad ko at lumipat ng upuan, sa gitna ng grupong Keres dahil sila din naman ang nag prisinta.

Kita ko naman ang naguguluhan ngunit nag-aalala na tingin ng Triplets ngunit binigyan ko lang sila ng ngiti.

Be my guest, Marriane and please enjoy it.

Napatingin naman ako unahan at nakita ang dalawang nag-aapoy na tingin ng dalawang babae patungo sa direksyon ni Marriane. Hehe.

-----🌟

Nearly 1000 words for this chapter! This chapter will be the last chapter for February!

See you on March 1 and I will also release the first chapter of 'Rebirth of the Villainess!'.

Thank you!🌟

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon