Chapter 48

5.3K 322 61
                                    

Maraming mga patingin tingin lang sa akin at walang lumalapit. Hindi na ako nagtaka lalo na at hindi naman ako nalabas ng Dukedom para pumunta sa mga mataong lugar.

Hindi din ako magtataka kung may mga chismis na kakalat ngayon nakita nila ako, sino ba namang hindi maiintriga kung sino at ano ang pagkatao ng nag-iisang apo ng makapangyarihan na si Lolo? Grand Duke lang naman siya.

Nakita ko din na umupo sa isang mesa ang tatlo at todo asikado kay Marriane.

Napapaliling nalang ako hanggang sa tumunog ang kampana at ibigsabihin ay naririto na ang mga may dugong maharlika na namumuno ng bansa.

Lahat kami ay tumayo na at naghandang yumuko sa pagpasok ng Hari, Reyna at ang mga Prinsipe at Prinsesa.

" Greetings for the Royal Family. " Saad ng tagapagpahayag, kasabay ang pagbukas ng malaking pintuan.

Lahat kami ay yumuko hanggang sa makapunta sila sa kanilang mga trono.

" You may rise. " Saad ng Hari at doon na ako nagkaroon ng pagkakataon na pagmasdan ang mga nakaupo sa trono.

Ngunit sa pagtaas palang ng paningin ko at isang abong mata na agad ang sumalubong sa akin at sa ikalawang pagkakataon, nakaramdam ako ng pagbilis ng pagtibok ng puso para sa isang lalaki.

Hindi pa rin napuputol ang tinginan namin ng biglang magsalita ang Hari.

" I gathered you here to announce the coronation of my successor, the 4th Prince! " Saad ng Hari na ikinagulat ng lahat lalo na at ang alam nila ay ang ikaapat na Prinsipe ay ang unang Prinsipe ngunit nagkakamali sila.

Nagbalik lang ang ingay ng ipatong na ng Hari ang korona sa ulo ng 4th Prince at masasabi kong magiging maayos naman ang bansa sa ilalim ng pamumuno niya at sa ikalawang pagkakataon ay nagtama ang mga mata namin ng lalaking may abong mga mata.

Iniwas ko na ang mga mata ko at nagpatuloy sa pagkain ng munting dessert na pagtatlong serving ko na ata, sakto lang naman siya, pasado na.

Muling natuloy ang mga kaganapan hanggang sa itinaas ng Hari ang kanyang kamay na ikinatahimik ng lahat.

" I know that you're thinking how does the Crown Prince become the 4th Prince. I, King of Persua introduce you the First Prince Camden Alejo, Second Prince Carson Alejo and Third Prince Chandler Alejo. " Saad ng Hari kasabay ang pag akyat ng tatlo sa taas na ikinagulat naman talaga ng lahat maliban sa akin at sa pamilya ng Hari.

Nagkaroon ng bulong bulungan ngunit nawala din iyon dahil sa mga malalamig na mata ng Hari kaya naman natahimik ang lahat.

Nagkaroon ng tugtugan at tumayo ang Crown Prince, dahil para sa kanya ang selebrasyon na ito ay mamimili siya ng babaeng isasayaw niya.

Maraming mga dalagang nag-ayos ngunit sino bang mag-aakala na ang gaya kong nakaupo lang habang kumakain ng dessert ay ang siyang pupuntiryahin ng Prinsipeng ito?

Dinala niya ako sa gitna at nagsimula ng panibangong tugtog, buti nalang at marunong akong sumayaw.

Nagsimula kaming gumaw ngunit wala pang kahit isa ang nagsasalita sa amin hanggang sa magtama ang tingin namin ni Carson na ikinaiwas ko din agad.

" You know my brother. " Saad ng kasayaw ko at hindi iyong tanong kundi pahayag.

" Yes you highness. " Magalang kong saad.

" Lady Augustin, I can see that you're a talented woman and you're able to stand beside me. " Saad niya na ikinagulat ko.

" Is this proposal? " Tanong ko at kita ko ang mapaglarong tingin sa berde niyang mata.

" I can send the proposal to your Dukedom, My Lady. " Saad niya nguniy umani lang ito ng munting tawa sa akin.

Naitagilid naman niya ang kanyang ulo marahil ay nagtataka kung bakit ako napatawa sa mga sinabi niya.

" I'm not willing to be tied up to the throne, your highness. " Saad ko at nginitian siya.

" Why? Don't you want power? You can rule this country if you become my Queen. " Nagtataka niyang tanong.

" Power you say? I have a lot of power in my hands, your highness and I believe you already know that fact. "

" What's your reason? Do you like someone else? " Tanong niya na ikinaliit ng mga mata ko bago pumaling sa mga abong mata.

" Let's just say that I'm waiting for the fate for it's magic. " Saad ko at ibinalik ang tingin sa kanya saka siya nginitian.

Naguguluhan man siyang tumingin sa akin ay tinanggap din niya ang desisyon ko, natapos ang sayaw namin at nagkaroon ako ng bagong kaibigan, si Orell and ikaapat na Prinsipe.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon