Hindi ba sila napapagod? At saka bakit andami nilang kalaban lagi?
Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa tatlo ng marinig ang mga mura nito at lalo pa itong lumakas ng sumilip si Marriane sa bintana. Kung ako sa kanila ibibigay ko na sa mga kalaban nila ang babaeng iyan.
Napangisi nalang ako sa naisip, pwede naman siyang gawin at bakit hindi?
Para namang alam ni Marriane na may binabalak akong hindi maganda at tinignan niya ako ng masama habang ang tatlong lalaki ay aligaga at di malaman ang gagawin.
Nabobobo na sila, amen.
Napaikot nalang ang mata ko at akmang na papasok sa sasakyan ng marinig ng putok ng baril.
Malas, hindi pa nga pala bulletproof ang sasakyan ko, minadali kasi ang ship out kaya hindi ko na napaayos, hindi din naman kasi ako nainform na may ganito palang ganap ngayon edi sana nag gown ako di ba.
Napatingin nalang ako sa pintuan sa may passenger seat ng magbukas iyon at tumabad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Carson habang nasa may gilid niya si Camden at kita ko ang bawat ng bala mula sa baril na hawak nito.
Kita mo nga naman, may silbi pa pala sila.
" Let's go! " Saad ni Carson at inabot ang kamay ko na agad ko din namang tinanggap, ayoko namang magkanda butas butas ako.
Mabilis naman kaming naicover ni Camden at mabilis din kaming pumasok sa loob ng sasakyan ni Carson kasabay noon ang mga sasakyang itim na paparating.
Kita ko namang nakampante kahit papaano si Carson na katabi ko pero napadungaw kami sa bintana at kita kung paano bumaba ng sasakyan si Marriane at patakbong pumunta kay Chandler na napamura din.
I think this lady is crazy, to the highest level.
" Your sweetheart was crazy. " Saad ko kay Carson at inirapan siya ng tumingin siya sa akin.
Hindi naman siya umimik pa at wala namang nangyaring masama kay Marriane patuloy lang siyang naiyak sa mga bisig ni Chandler. What if putulin ko kaya yung kamay niya?
Napabalik nalang ako sa reyalidad ng makita kung paano tuluyang mamatay ang mga lalaking kanina ay humahabol lang sa amin.
Napapangiwi nalang ako habang nakikita ang mga dilat nilang mata ngunit wala ng hininga pang natitira.
" Let's go home. " Saad ni Carson ngunit inirapan ko lang siya.
" And how about my car? " Tanong ko habang nakataas ang kilay.
" You'll be coming with us from now on. " Saad niya at sinimulan ng paandarin ang sasakyan.
" Really? Try me then. " Hamon ko sa kanya at pinagkrus ang dalawang braso.
So balik tayo sa Amara na yan? Good choice Carson.
" Amara please…… " Saad niya sa mahinang boses na para bang pagod na pagod na siya.
" So you're willing to beg for her? " Mataray na tanong ko at kita ko ang pagsulyap niya sa akin saka ibinalik ang tingin sa daanan.
" You know that is not what I meant. " Saad niya.
'I know, I just love messing with you'
" No Carson, it's because of her right? " Saad ko at mas pinataray pa ang boses.
" It's not so please stop that. " Saad niya.
" Why is that, you don't want to get Marriane involved in this talk if it's all because of her? " Tanong ko at tinignan na siya.
" Tell me Carson and I might forgive you for what you did. " Saad ko at nagtama ang paningin namin hanggang sa umiwas siya at lumunok saka bumalik sa tahimik ang buong sasakyan.
Coward.
Napabuntong hininga nalang ako at napasandal sa upuan. Well, lahat naman ng binitawan kong salita ay totoo.
Lahat nagsimulang magbago at magkagulo ay nang dumating ni Marriane sa buhay namin, ni hindi ko nga alam na may Marriane palang nabubuhay dito sa mundo pero dinaig pa niya ang kabute, bigla bigla nalang lumitaw kaso ayaw naman mawala.
Maya maya pa ay tumigil na ang sasakyan namin at nauna na akong bumaba saka pumasok sa Mansion.
Nagdire-diretso ako sa kwarto at saka hinayaang matumba ang katawan sa kama saka nakapag isip isip.
They're mine aren't they? So what should I do to let them know that they're bound to me?
Napailing iling na lang akong pumasok sa Cr.
I need a shower.
BINABASA MO ANG
What Went Wrong?🌟
FantasyI was just an audience that was watching my favorite characters fall in love and have their happy and beautiful lifetime ending. But... How is this... " We love you Cianna. " To this... " You're the one we love, Amara. " The fuck?! -Slow Updates