Chapter 43

5.4K 291 100
                                    

Inirapan ko nalang si Greg matapos niyang ikwento kung paanong may napadpad na babae sa Condo niya.

Sabi niya ay lumabas siya kagabi at may nag-alok ng s*x kaya naman pumayag na siya dahil hindi daw niya kayang tanggihan ang grasya.

Siya yung tipo ng taong ubod ng sungit at kaseryosohan sa buhay pero playboy.

" I know why are you here. So many questions. " Saad niya habang umiinom ng kape at sumesenyas na wag akong magsalita.

" I'm here because I'm bored. "

" How did you get in? " Tanong ko sa kanya at sa unang pagkakataon ay tumawa siya na para bang nagtatanong ako ng nakakatawang tanong.

" Do you think I didn't know what you were up to? You want to go back to the real world but I want you to know that you're already stuck here and you're also dead. I just told you to stay away from them and not leave everything behind. "

" Tell me, what exactly you want? " Tanong ko sa kanya at kita ko ang ngiting tagumpay sa labi niya.

“ Love me. ” Saad niya na para bang humingi nalang siya ng piso.

“ Love you? Are you delusional? Who do you think you are? ” Saad ko at tinaasan siya ng kilay.

“ You don’t need to know me, just love me. As simple as that. ” Saad niya at sumandal sa upuan.

“ You’re kidding me. ” Saad ko at nginisian siya.

“ Look, I came here for you so I can save you in exchange you must love me. Do you know that I’ve been keeping track of all of your moves inside this book? And you’re interesting so why not love me? I’m handsome as you can see. ” Saad niya na ikinatawa ko ngunit lumalamig ang lugar na kinalalagyan namin.

“ You’re just someone that came from heaven, literally and you’re here to warn me. I appreciate it but it doesn't mean that you have the right to control me? Hindi naman kita pinilit na pumunta dito in the first place, ikaw yung mismong pumunta dito kaya wala akong responsibilidad sayo. ” Saad ko at tumayo bago dahan dahan na lumapit sa kanya.

“ Did you think I’m just as simple as you think I am? Well sorry to disappoint you but I’m a tiger not a cat. I can be vicious as long as I can. ” Bulong ko at hinaplos ang pisngi niya.

“ Nanggaling na sayo, lagi mo akong sinusubaybayan but I think hindi mo pa ako kilala. Maaaring alam mo ang katauhan ko dito sa libro pero hindi ibig sabihin alam mo kung ano ang naging buhay sa labas ng libro. Hindi lang ako basta-basta na isang dalaga na namatay dahil sa blood cancer, at nanatili sa loob ng hospital sa buong buhay. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin lalo na at mas makapangyarihan ako dito kaya mag-ingat ka ha. ” Saad ko at tinapik tapik ang pisngi niya.

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko ngunit bago pa man ako humakbang paalis ay muli ko siyang hinarap saka binigyan ng nakakaasar na ngiti.

Monteverde, Gregorio Capital. It’s nice to meet you again. ” Kita ko kung paano mapuno ng gulat ang mga seryoso niyang mukha, maging ang bahagyang panginginig ng balikat niya.

Lumabas na ako ng condo at ang ngisi sa labi ko ay tuluyang nawala hanggang sa sumakay na ako sa elevator pababa.

Gregorio Capital Monteverde.

Isang anak ng kilalang negosyante. Nakilala ko siya noon sa Hospital, sa may garden at nagbabalak siya na magpatiwarik sa isang puno pero hindi ko alam kung bakit pinigil ko siya gayong halata naman na may problema siya sa pag-iisip.

Naalala ko siya kanina habang hinihintay ko siya sa may Sala, isa siyang lalaki na may sakit na obsessive order pero mas pinapagana niya ang utak at pride niya bago ang lahat.

Hindi ko lang alam na ako na pala yung naging target niya, sa akin naman siya naobsess at dahil doon iniwasan ko na siya hanggang sa pagkamatay ko ay ayaw na ayaw ko sa kaniya.

At anong sinasabi niya na kapatid niya yung author ng libro kung nag-iisang anak lang naman siya.

May posibilidad na gaya ko ay napadpad lang siya dito dahil sa lakas ng pagkagusto niya sa isang bagay.

Hindi na ako magugulat kung nandito siya dahil sa akin lalo na at ang librong ito ang lagi kong hawak hawak noon pa man.

Siguro namatay siya?

Rest in peace nalang.

Lumabas na ako ng building at akmang tatawag na ng taxi nang may makita akong pamilyar na sasakyan sa may gilid na para bang ikinatulong nito para hindi ko makita ang sasakyan nila.

Napabuntong hininga nalang ako at lumapit doon saka kinatok ang bintana hanggang sa bumaba ang bintana nito at yumuko ako para salubungin ang taong iyon na ayaw man lang tumingin sa akin.

“ Princes of Persua Country, what are you doing here? ”

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon