Chapter 32

5.3K 269 37
                                    

Lumipas ang oras ang breaktime na namin. Ang kaibahan nga lang, kung dati ay ako ang nasa gitna ng tatlo ngayon ay si Marriane na pero hindi naman masama ang loob ko dahil doon.

Dahil gustong gustong kuhain ni Marriane ang atensyon ng tatlo, hindi lang atensyon ng tatlo ang nakuha niya.

Maging ang atensyon nina Cianna at Haley ay nakuha niya kaya naman kahit papaano ay may maganda siyang nagawa.

Tahimik lang naman ang grupong Keres na nakapalibot sa akin ngunit tumitingin sila sa akin na wari ay nagtatanong kung ayos lang ako at tinatanguan ko nalang sila.

Nang makarating kaming Cafeteria tumingin sa akin si Chandler at sumenyas na umupo sa upuang hinihila niya pero hindi na ako nagulat ng naunang umupo si Marriane doon.

Pinaghila nalang ako ng upuan ni Lucas sa gitna nila ni Joshua kaya naman doon ako umupo habang ang tatlo naman at sina Carson at Camden ang umorder.

Nang makarating sila ay halata nalang naguguluhan sila kung bakit dito ako nakaupo at hindi doon.

Mukha namang hindi din kilala ng grupo si Marriane kaya naman kitang kita ko ang inis sa mga mata nila.

Hindi na sila nagtanong pa at ipinamahagi ang pagkain, akmang kukunin ko na ang iniaabot na pagkain ni Carson ng kunin iyon ni Marriane na talaga namang ikinatingin ng lahat sa kanya.

" What? By the way thank you Camden, you really knows my favorite! " Saad nito kay Carson at sinimulan itong kainin.

Hindi ko na napigilang paikutin ang buhok ko sa daliri ko. Mannerism ko ito tuwing malapit na akong maubusan ng pasensya.

Babae pa din ako kaya naman hindi talaga ako natutuwa kung may ibang kukuha ng pagkain ko. Nauubos na din ang pasensya ko sa babaeng ito.

Nakakapanggigil.

" Here's yours Ara! Eat it! " Saad ni Marriane at inabot sa akin ang macaroni salad na talaga namang nakapagpangiti sa akin ngunit malamig ata masyado ang paligid ko dahil pati kamay ko nanlalamig din, parang gustong manampal.

" Oh. Thank you but I'm not eating macaroni. " Saad ko at talagang malamig dito dahil pati boses ko ata ay nanlalamig.

" Oh, my father taught me that we should not waste any food, you know? Does your mother not teach you? " Saad niya suot suot ang inosenteng ekspresyon.

" Marriane… " saway ni Camden pero halata namang walang balak tumigil si Marriane.

"  What? I'm telling the truth and I'm just asking her because she's wasting her food. " Saad niya.

" You know? My parents have been dead since I was a child and they're in peace now so you shouldn't casually talk about them and how they teach me. " Saad ko at ngumiti muli sa kaya bago siya titigan sa mata.

" And you know, if you want my corpse you can just force me eat macaroni cause I'm allergic to it. " Saad ko at wala na ang ngiti sa labi ko.

" And sweety if you don't want to get on my bad side, you should just stay still. " Saad ko at nginisian siya.

" Amara, stop it. " Saad ni Camden kaya naman napatingin ako sa kanya ngunit hindi na ako sumagot pa at tumayo nalang.

" I don't have appetite anymore so if you'll excuse me. " Saad ko at kinuha ang bag saka lumabas ng Cafeteria.

Narinig ko pa ang pagtawag nila ngunit hindi na ako lumingon. Mukhang mali ang naisip ko kanina, akala ko ay mahaba pa ang pasensya ko para kay Marriane pero hindi pala.

Muntik na niya akong masagad at sobrang nakakatakot kung nawalan ako ng pasensya sa kanya.

Kahit naman hindi ko magulang ang parents ng tunay na Amara ay wala pa rin siyang karaoatang banggitin sila saka handa ko iyon ipaglaban ng kamatayan.

Napabalik naman ako sa sarili ng marinig ang mga papalapit na yapak at nang humarap ako ay nakita ko si Brentt na may hawak hawak na supot na may nakatatak na Jollibee habang pawisan.

" Amara! You're here. " Saad niya kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

" Yes? How may I help you? " Tanong ko sa kanya at umayos siya ng tayo saka inilahad ang hawak hawak na supot.

" Here, I saw that you didn't eat your food so here. " Saad niya at inilapit pa lalo ang supot.

Tatanggapin ko sana kung hindi ko alam na nakipagdeal ka kay Haley.

" You shouldn't waste your effort like this. " Saad ko.

" No, it's okay. " Saad niya at ngumiti.

" But unfortunately, I don't have appetite so I can't eat that but still. Thank you. " Saad ko at nawala ang ngiti niya ngunit panandalian lang iyon pero bumalik din, binawi na din niya ang ibinibigay niya sa akin.

" It's okay, but you should eat. Maybe not now, but eat a lot later, okay? " Saad niya na ikinatango ko.

" I will. " Saad ko na ikinangiti niya pa lalo ng malawak.

Bumalik ako sa Classroom natapos ang breaktime ngunit hindi ko na nakita ang tatlo maging si Marriane sa classroom at manghuhula lang ang makakaalam kung nasaan sila pero hindi ko na problema iyon.

Maging ang grupo ay hindi alam kung saang sulok ng mundo sila naroroon. Malalaki na sila at sigurado namang kaya nilang alagaan ang sarili nila.

Pagkauwi ko sa Mansion ay wala din sila doon gunit nalaman ko nalang na nasa Hospital pala sila at walang pagdadalawang isip akong nagpunta doon pero sino bang mag-aakala na ang madadatnan ko doon ay kauna-unahang sermon na napala ko noong mapunta ko dito sa mundong ito?

" Where have you been?! Did you know that Marriane met with an accident when she tried to follow you?! "

Oh hell.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon