Hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa tamang wisyo at buti nalang wala pang teacher.
Hindi pa din ako makaget over sa sinabi ng tatlong lalaki na ngayon ay nakapalibot sa akin.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Natutuwa na hindi na ewan basta ang alam ko malayong malayo ang nangyayari ngayon sa nangyari sa libro.
“ Hi. ”
Napaangat ang tingin ko nang marinig na may nagsalita at muli akong nagulat nnag makitang nasa harapan ko ngayon si Cianna at ramdam ko din ang hindi magandang awra na inilalabas ng tatlo.
Teka? How come na nasa harapan namin siya?
Napatingin ako sa harap at nakitang nandito na ang teacher namin ngunit mas nagulat ako nang makitang katabi ng teacher namin si Brentt at nakatingin sa akin.
Napadako naman ang tingin ko kay Haley na masama ang tingin sa akin o sabihin na nating sa amin ni Cianna.
‘What the heck?! Don’t tell me magsasama sama kami sa isang section?!’
“ Cianna, how may I help you? ” Tanong ko dito ng makitang hindi ito nakatingin sa akin kundi sa tatlong nakapaligid sa akin.
“ Pwede ba akong umupo sa tabi niyo? ” Tanong nito na ikinanuot ng noo ko.
“ I mean, kayo lang kasi ang kakilala ko dito. ” Saad niya sa maliit na boses ngunit ang mga mata niya ay iba ang sinasabi, tila inuutusan ako nitong umalis sa kinauupuan ko.
“ Woah… Young lady, bago ka lang din dito pero kung makaasta ka parang wala ka na sa lugar. ” Saad bigla ni Kenley at inakbayan si Cianna na nakatingin din sa kanya.
“ It’s better kung tumabi ka kay Haley parehas kayong agaw pansin inchort mga papansin. ” Dagdag ni Joshua at narinig ko ang mga munting tawa ng iba naming kaklase.
“ And you Mister, why are you looking at Amara like that? Like you’re ready to devour her? ” Biglang saad ni Lucas na ikinatahimik ng lahat at ramdam ko ang lalong pagsama ng awra nitong tatlo.
“ Ahmm. Let’s start the class Ma’am. Shall we? ” Saad ko na siyang ikinatango naman agad nito.
“ R-right… Ms. Cianna and Mr. Brentt please have you sit. ” Saad ni Ma’am at nabawasan ang kakaibang atmospera ng classroom.
Wala ng nagawa ni Cianna kundi umupo ngunit malayo yun sa amin at kita ko kung paano dumilim ang mga mata niya bago humarap sa unahan.
Pakiramdam ko ay hindi magiging maganda ang takbo ng pag-aaral namin ngayon lalo na at kumpleto na ang mga karakter sa storya ngunit ang pinagkaiba lang ay nandito ako at ako ang gusto ng tatlong ito.
Lumipas ang oras at kasalukuyan akong nasa Cr habang pinauna ko na sa Cafeteria ang grupo at yung tatlo.
Tahimik akong nasa loob ng cubicle nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan kaabay noon ang isang ingay na para bang may sinipang bagay.
Nanatili na muna ako sa loob at hinihintay na matapos sa paglalabas ng sama ng loob ang kasama ko.
“ Argh! Akin dapat sila! ” Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino iyon.
Cianna…
Akin dapat? Paano niya nasabi iyon? Na para bang alam niyang magkakagusto dapat sa kanya ang tatlo? Gaya ko din ba siya? Nanggaling din ba siya sa tunay na mundo?
“ That bitch! They’re mine! Akin sila! Pakiramdam ko akin sila dapat! Akin! ” Dagdag niya.
Pakiramdam niya? Hindi kaya alam niya ang mangyayari sa hinaharap o di kaya alam niya ang dapat at tunay na mangyayari?
Nagiging komplikado na ang lahat pero ang alam ko lang hindi siya ang tunay na Cianna na nasa libro.
Maaaring gaya ko din siya at maaaring may pangitain lang siya sa tunay na dapat na mangyari.
Gumugulo na nang masaydo ang kwento at wala akong ibang magagawa kundi sumabay sa daloy nito.
Kailangan ko ding maging handa dahil sigurado akong hindi magiging tahimik ang mga susunod kong pananatili dito at siguradong gaya sa ibang kwento may bagay na mangyayari para masira ang bagay na mayroon ako ngayon, maaaring masira ang samahan namin ng Triplets Alejo.
BINABASA MO ANG
What Went Wrong?🌟
FantasyI was just an audience that was watching my favorite characters fall in love and have their happy and beautiful lifetime ending. But... How is this... " We love you Cianna. " To this... " You're the one we love, Amara. " The fuck?! -Slow Updates