Chapter 42

5.2K 234 30
                                    

Naalimpungatan ako ng makarinig ng sunod sunod na katok kaya naman nawala ang antok sa sistema ko saka inayos ang sarili bagong pagbuksan ang taong inip na inip sa kabilang parte.

Pagbukas ko ng pintuan ay nahinto sa ere ang kamay na akmang kakatok sa pintuan ko.

Naningkit naman ang mga mata ko ng sumalubong sa akin si Chandler na bigla bigla nalang pumasok sa kwarto ko, akmang sasawayin ko siya ng pumasok din sina Camden at Carson.

Napatingin naman ako sa orasan para malaman kung anong oras na oara abalahin ako ng tatlo na ito.

Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makitang alas-dos palang ng umaga, nangigigil naman akong humarap sa kanila pero napataas din agad ang kilay ko ng makitang masama ang tingin nila sa akin na para bang may ginawa akong masama.

" It's freaking 2 am and here you are, disturbing my sleep and glaring at me like I did something unacceptable. " Saad ko at pinagkrus ang dalawag braso sa dibdib.

" Yes you did something unacceptable. " Saad ni Carson na kinataas na naman ng kilay ko.

" And what is that? " Tanong ko.

" You didn't inform us that you'll be absent. Where did you go?  Who are you with? What did you do this whole day? " Sunod sunod na tanong ni Camdrn na ikinangisi ko.

" Do you have the right to know? Areyou my Dad? My boyfriends? " Sagot ko na ikinatahimik nila at ikinangisi ko.

" You're just no one so better stick your nose out of my business. " Saad ko ngunit nagulat nalang ako ng tumayo si Carson at isinandal ako sa pader.

Medyo malakas pero hindi naman ganon kasakit. Hindi ko inurungan ang mga titig niya, kita ko ang pait, galit, at lungkot doon.

" We own you, Amara. " Matigas niyang sabi ngunit hinarap ko lang siya gamit ang malamig na ekspresyon.

" And who are you to own me? You're just a mere hidden prince and a jerk who loves to be blind and aggressive. " Saad ko at kita ko ang gulat sa mga mata niya.

" You know? I think I made a wrong decision. Coming here was a wrong move, and forcing me like this added the fuel of my regret. " Saad ko at umalis sa harap niya.

Tumingin naman ako sa dalawa na mukhang tinamaan din ng mga sinabi ko.

Binuksan ko lang ang pinto saka ito itinuro at wala naman silang magawa kundi ang lumabas. Napabuntong hininga nalang ako at humiga sa kama.

Everything's messed up.

Maaga ulit akong nagising at nagulat nalang ako ng nadatnan si Aunt Lilith sa may kusina kahit na napaka aga pa.

Binati ko siya at hinalikan sa pisngi, niyaya niya naman akong kumain at hindi na ako tumanggi.

" How are you Amara? " Tanong niya.

" I'm fine Aunt. " Saad ko at dahil matagal na kaming hindi nakakapagsolo ay nagkwentuhan kami hanggang sa dumating iyon sa nakaraan nina Marriane at ng tatlo.

Nalaman ko na magkaibigan ang magulang ni Marriane at si Aunt Lilith kaya naman natural lang na nagkakasama sila pati na din ang mga anak nila.

Noon ay hindi lumalapit ang tatlo sa mga tao ngunit dahil kay Marriane ay mas naging open sila sa mga tao.

Ayon kay Aunt Lilith, kung hindi iniligtas ni Marriane si Carson ay hindi din magiging magkaibigan ang mga ito hanggang sa mas lumalim ang pagkakaibigan nila.

Kaya pala sa kanilang tatlo, si Carson ang pinakasensitive pag dating kay Marriane.

Nagkahiwa-hiwalay sila noong apat nataong gulang na ang tatlo dahil kailangan na ding lumipat nina Marriane ngunit hindi naman doon naputol ang koneksyon nila kaya sa mga nakalipas na taon ay talagang hindi nakakagulat na sobrang komportable ang bawat isa sa kanila kasama ang isa't isa.

Now, I understand.

Pinapahatid ako ni Aunt Lilith sa school ngunit hindi na ako pumayag lalo na at pupuntahan ko pa si Greg, baka deads na.

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa Condominium na tinitirahan ni Greg. Dere-deretso na ang pasok ko tutal naman ay may sarili din akong susi sa Condo na iyon hanggang sa nakarating na ako sa 12th floor kung saan ang palapag ng Condo ni Greg.

Pagkadating ko sa harap ng pintuan ay nagdoorbell muna ako at ng walang rumesponde ay pinasok ko na ang susi saka pumasok sa loob.

Unang tumambad sa akin ay ang makalat na Sala na ikinakunot ng noo ko at lalo pa iyong napakunot ng makakita ng mga damit na nagkalat at isang purse.

Rated SPG.

Hindi na ako nagulat ng bumukas ang pintuan ng kwarto matapos kong maghintay ng mahigit idang oras para matapos sila sa morning exercise nika habang nakaupo sa sofa.

Bumungad sa akin ang isang babae na may kakapalan ang makeup at nang makita niya ako ay kita ko pa ang pamumutla niya bago kinuha ang purse niya at nagtatakbo sa labas.

Ilang minuto pa ay muling bumukas ang pintuan at tumambad si Greg na halata namang bagong ligo dahil nakatapal lang siya ng tuwalya sa bewang habang tumutulo ang mga tubig mula sa buhok niya.

May maipagmamayabang ang katawan niya pero hanga din ako dahil kahapon lang siya dumating ay may nabingwit na agad siya.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon