Chapter 46

5.3K 320 94
                                    

" Are you sure Amara? " Tanong ni Aunt Lilith habang hinahaplos niya ang buhok ko.

" I'm sure Aunt. " Sagot ko at nginitian siya ng bahagya sa ilalim ng mga nagkikislapang bituin.

" I guess I can't change your mind but always remember you're free to visit me, us. " Saad niya saka ako muling niyakap ng mahigpit hanggang sa nawala na ang init niya sa mga bisig ko.

Muli akong ngumiti saka tumalikod paalis. Aalis na ako rito dahil tapos na ang bakasyon ko at wala akong karapatang manatili pa rito sa lahat lahat ng nangyari.

Sumakay na ako sa jet pabalik sa Persua at siguradong hinding hindi ko na itatapak ang mga paa ko sa lugar ito kahit ano man ang mangyari.

Sana hindi na muling magtagpo ang landas natin hanggang sa susunod na buhay.

Ilang taon na ba ang nakalipas? Siguro apat? O lima? Apat na taon na ang nakakalipas dahil 22 na ako at sa loob ng apat na taon para lang akong isang panda na makikita mo kung saan saan lalo na at wala akong ibang ginawa sa loob ng apat na taon kundi ang humilata kung saan saan.

Nang makabalik ako rito ay hindi ako pinagtrabaho ni Lolo at halata namang hindi niya kailangan ng trabaho lalo na at feeling ko ay mas bata pa siya sa edad niyang 65

Dinaig niya pa ako sa pagiging masiglahin at kahit naman anong pilit ko sa kanya ay mamamataan ko nalang ang sarili ko na naggagala sa kung saan saan.

Boring.

Apat na taon na din mula noong tinalikuran ko ang bansang Pilipinas maging ang mga taong nakilala ko doon lalo na ang tatlo.

Inaamin ko masakit ang pinaranas sa akin ng tatlo at hindi naging madali para makalimot sa sakit na iyon pero kinaya ko lalo na noong nakarating sa akin ang balita na noong umalis ako ay nagmukmok ang tatlo, ayos na sana eh pero sa loob lamang ng isang linggo dahil kinabukasan ay abot langit na ang ngiti nila kay Marriane.

Maging sina Haley at Cianna ay nawala na rin sa landas nila dahil sa pang aapi na ginawa ng mga ito kay Marriane.

Inapi nga ba o umarte lang?

At sa loob ng dalawang linggo ng pagdadalamhati ay tuluyang nawala ang nararamdaman ko para sa kanila.

Hindi ko na din muli pang pinakialaman ang buhay na meron sila at sa ngayon ay masaya na ako.

Lalo na at….

" I knew it. You're here again. " Saad ng isang boses mula sa kung saan at hindi ko na kailangan pang humarap dahil kilala ko na naman ito.

Ang loko sinundan ako dito gamit ang sarili kong pera at hindi man lang nahiya na makituloy sa Mansion namin at buti na lang ay hindi nagalit si Lolo kundi malugod pa niya itong tinanggap lalo na noong may plus one na kasama ang lalaking iyon.

Napatingin naman ako sa may paanan ko ng makaramdam na may humihila ng dress ko at tumambad sa akin ang isang 3 years na batang babae na kasalukuyang nakatingin sa akin gamit ang malalaling niyang mata. Wala naman akong nagawa kundi ang buhatin siya at nakarinig naman agad ako ng reklamo sa likuran.

" I told you, don't spoil her. Put her down. " Reklamo ng isang Gregorio Capital Monteverde at nang humarap kami ay nakapamewang siya habang nakakunot ang noo na nakatingin sa amin ni Allia.

Hindi ko siya pinakinggan at nagsimula ng humakbang paalis, naririnig ko pa rin ang mga sermon niya ngunit hindi ako tumigil o ibinaba man lang si Allia.

Why doesn't he just let me spoil this baby girl? Isn't she cute?

Matapos kong umalis sa Pilipinas sumunod si Greg dito after 2 years with a baby girl in his arms.

Siya yung naging result noong nahuli ko siyang may kasamang babae sa Condo, he's maybe a jerk and obsessed with me but because of little Allia he became a better man but a strict father especially that Allia's mom leave this world when Allia was born.

Greg became my friend and a little type of brother.

I once asked him if he wants to go back to the real world but he said fantasy was better than reality so he'll just stay here with me and with his precious daughter.

I guess I'll be single forever, I'll just make Allia's son to become my successor.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon