Tahimik na akong naglalakad papuntang Cafeteria habang paulit ulit pa ring bumabalik sa ala-ala ko ang nangyari sa Cr kanina.
Siguradong may mga problemang darating kailangan kong paghandaan.
Akmang liliko na ako ng daanan nang marinig ko ang pamilyar na boses kaya naman napatigil ako at pumunta sa pinanggagalingan ng usapan na iyon.
“ We must do something! Or else hindi mapapasaakin ang tatlo! I want them and I’ll get them by hook or by crook. ” Saad ng boses at ang boses na iyon ay kay Haley pero sinong kausap niya?
“ Don’t hurt her. ” Napalunok nalang ako nang marinig ang boses ni Brentt.
“ Hah! I’m right! You've already fallen in love with her! ” Saad ni Haley at maririnig mo ang asar na tono doon.
“ If you want her to be safe, you must help to destroy their relationship! ” Saad ni Haley ngunit wala na akong narinig na sagot mula kay Brentt at dali dali na akong umalis doon.
‘So they have a plan huh’
Nakarating ako sa Cafeteria at nagsimula ng kumain ng mapansing nakatingin sa akin ang tatlo ngunit nginitian ko lang sila saka kinain ang pagkain na nasa harapan ko.
Maya maya pa ay kita kong pumasok na sina Haley at Brentt sa loob ng Cafeteria at lihim na napangisi.
Sisiguraduhin kong hindi mo masisira ang kung anong meron kami ng tatlo. At pasensyahan nalang Brentt dapat hindi ka na sumali.
Natapos ang klase at kasalukuyan na kaming pauwi ng tatlo, sa Mansion na ang deretso namin ngayon dahil pinapatawag kami ni Aunt Lilith.
Hindi ko alam kung anong dahilan pero hindi maganda ang kutob ko dito.
Nanang makarating kami ay nakita ko na agad sa pintuan ang isang babae.
Kasing edad lang ata namin siya at masasabi kong may ganda siya pero hindi ko gusto ang inosenteng ekspresyon na nasa mukha niya.
Nang makababa na kami ng kotse nagulat nalang ako ng biglang tumakbo ang babae at patalong yumakap kay Chandler na ikinagulat din nito.
Napataas nalang ang kilay ko nang hindi man lang ito inilagan ni Chandler at kita ko ang munting kinang sa mata niya kaya tinignan ko din ang mukha ng dalawa niya pang kambal.
Triplets nga sila, iisa isip maging ekpresyon.
Kita ko din ang kinang sa mga mata nilang dalawa. Sino ba ang babaeng ito? Parte ba talaga siya ng kwento o dumagdag lang dahil sa epekto ng pagdating ko? Character din ba siya?
“ Marianne… ” Bulong ni Carson sa gilid ko.
Marriane?
“ Our childhood friend… ” Saad ni Camden.
Childhood friend?!
Pero wala iyon sa libro! Paanong may childhood friend sila?!
“ Ahh she’s beautiful and clumsy… ” Saad ko ng muntikan na itong magtaob.
“ Yeah… ” Sabay na saad ng dalawa na nasundan pa ng mumunting tawa.
Tumawa sila.
Childhood friend lang naman nila pero iba pakiramdam ko at pakiramdam ko delikado ako na para banag pumasok ako sa kulungan ng isang malaking ahas.
Pinanood ko lang na lumapit sina Carson at Camden kay Marianne at tinignan sila habang nagkukwentuhan at nagtatawanan.
Na para bang wala ako dito.
Naglakad nalang ako papasok ng Mansion at hinayaan sila. Nadatnan ko naman sa Sala ang mga maleta mukhang magsasama kami sa isang bahay pero sa ekspresyon na iyon ni Marriane?
Sa tingin ko kakailanganin kong bumukod.
Umakyat na ako at nagpalit ng damit bago humilata sa kama saka kinuha ang cellphone para tumingin ng condo.
Kaya ko namang mag isa, hindi ko kailangan ng kahit na sino.
BINABASA MO ANG
What Went Wrong?🌟
FantasyI was just an audience that was watching my favorite characters fall in love and have their happy and beautiful lifetime ending. But... How is this... " We love you Cianna. " To this... " You're the one we love, Amara. " The fuck?! -Slow Updates