Chapter 13

6.9K 350 22
                                    

“ Hi cousins. ”

Kita ko naman ang gulat sa malalamig at malalalim nilang mga mata at ikinanginisi ko nalang ang nararamdaman kong kaba saka lumapit kay Aunt Lilith para bumati.

“ Oh here you are, sit now. ” Saad ni Aunt Lilith kaya naman tumabi na ako sa kanya at dahil nasa harap siya ng Triplets ay kaharap na rin nila ako.

Titig na titig sila sa akin marahil ay hindi pa nila nakukuha ang impormasyon ko dahil siguradong mahihirapan sila sa paghahanap noon lalo na at galing ako sa Persua.

Mukha namang napansin ni Aunt Lilith ang pagkawala ng atensyon ng mga anak niya sa pagkain.

“ Oh right. Children, this is Amara, she's your cousin and she’ll stay here until her vacation is over. ” Saad ni Aunt Lilith at doon naman mukhang tuluyang nagising ang mga lalaking nasa harap ko.

“ She’s what? ” Tanong ni Chandler.

“ She’s our cousin? ” Tanong ni Carson.

“ And she’s staying here? ” Saad naman ni Camden.

Napataas nalang ang kilay ko sa sunod sunod nilang tanong at kita ko namang nagulat si Aunt Lilith sa naging reaksyon ng tatlo.

“ W-well.. Yes she’s your cousin and she’s staying here. ” Sagot ni Aunt LIlith ngunit kita pa rin sa mukha niya na nahihiwagahan siya sa naging reaskyon ng mga anak niya.

“ Since when? ” Tanong ni Carson at titig na titig siya sa akin kaya naman ako na ang sumagot.

“Since last month, cousin. ” Sagot ko at nakita ko namang umasim ang mukha niya kaya pasimple nalang akong natawa.

“ Let’s start eating okay? ” Tanong ni Aunt Lilith at tumango nalang kami.

Habang kumakain ay ramdam na ramdam ko ang mga titig ng tatlo at hindi ko na lamang ito pinansin pa.

Medyo nasasanay na din ako sa mga titig na binibigay nila sa akin at pakiramdam ko hindi lang dito matatapos ang lahat.

Habang nag aayos kanina ay napa-isip ako.

Nagkaroon ng gaya ko sa mundong ito at naging parte ako ng buhay nila kaya naman siguradong magbabago ang takbo ng istorya kaya naman kailangan kong mag ingat lalo na at hindi ko na alam ang susunod pang mga mangyayari.

Natapos kami sa pagkain at kasalukuyang nasa living area, nakaupo sila sa tapat ko habang katabi ko naman si Aunt Lilith.

Halatang madami silang tanong kaya naman hindi na napanatili ang malamig na emosyon sa mukha nila.

“ I’m Amara Cleandra Celeste Agustin, the Lady of Vishal Dukedom of Persua Country. And I’m pleased to meet you Royal Princes of Persua Country. ” Saad ko at yumuko sa harap nila, kita ko naman ang pagbalik ng malamig na emosyon sa mukha nila.

Naiintindihan ko sila lalo na at walang ibang nakakaalam ng ganitong usapin bukod sa kanila kaya naman may inihanda na ang dahilan.

“ Don’t get me wrong your highnesses, it's just like your faces are familiar to the current King and my Lolo said that my Aunt was the former wife of the King and you’re her sons so you highnesses. ” Saad ko at ngumiti ng tipid.

“ What are you doing here? ” Tanong ni Camden.

“ Actually I’m here to have a vacation but if you want to, I can move and buy a condo to have a place to stay. ” Saad ko at tinaasan sila ng kilay.

“ Camden. ” Saway ni Aunt Lilith.

“ No, it’s okay Aunt. ” Saad ko ata nginitian si Aunt Lilith.

“ Just stay here all you want but don’t you ever bother us. Understood? ” Saad ni Camden and I smiled.

“ Sure, your highness. ” Saad ko at nginisian sila.

Doon natapos ang usapan at hindi ako makapaniwala na kinaya kong makipag usap sa kanila ng hindi nauutal o kung ano pa man.

Stay away from them? Let’s see.

Lumipas ang araw mula ng huli kaming nagkausap ng Triplets at sa loob ng mga araw na iyon napansin ko ang pagbabago.

Gaya na lamang na nagstay sila sa Mansion hanggang ngayon, lagi na din silang pumapasok sa klase. Lagi na ko na din sila nakakasalubong tuwing Break time.

Seriously? Akala ko ba don’t bother them?

Pasakay na ako ng kotse ng biglang may tumigil na sasakyan sa harap ko and I believe na kay Camden ang sasakyan na ito.

Bumaba ang salamin at mukha ni Carson ang nakita ko. May masungit na mukha ngunit nakaligtas sa paningin ko ang namumula niyang tenga.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon