Chapter 36

5.3K 308 22
                                    

Pagpasok ko sa room ay nakita kong nandito na ang grupong Keres at napangiti nalang ako ng may bakate pang upuan sa gitna nila kaya naman doon ako nagdere-deretso ng upo at hindi nagtagal ay bumukas ulit ang pintuan ang tatlong mukha ang sumalubong sa amin at para bang pinakain sila ng ampalaya ng makita kung saan ako nakaupo.

Sorry not, but the three of you needed to be punished by this Lady.

Hindi ko na sila tinignan pa at tinignan nalang si Marriane na nakikipaglaban ng sama ng tingin, edi kanino pa kundi kay Haley at Cianna na magkatabi na ngayon sa upuan.

I think this will be great.

Bigla naman nawala ang sama ng tingin ni Marriane sa dalawa ng humarap si Chandler sa kanya at pinauna sa pag-upo.

Nanatiling sa harapan ang tingin ko hanggang sa pumasok ang teacher at nagsimula na kaming magklase.

Umabot ng breaktime ngunit hindi ko binibigyan ng pansin ang tatlo kahit na nasa tabi ko sila noong papunta kaming Cafeteria.

Pagkadating namin sa loob ay pumwesto na kami sa lamesa at kung saan ako nakaupo kahapon ay noon pa din ako nakaupo ngayon.

“ Triplets Alejo at Keres pinapatawag po kayo sa Dean’s office. ”

Agad naman silang walo kaya naman kahit nag-aalangan sila na maiwan kaming dalawa ni Marriane ay wala silang nagawa kundi ang sumunod dahil malay mo, baka importante kaya ang ending magkasama kami ni Marriane lalo na at sinabihan kami ni Camden na wag aalis dito.

Hindi namna ako kinikibo ni Marriane kaya nanahimik nalang ako pero sino ba ang magbibigay sa akin ng tahimik na pagkakataon? Syempre, laging may sisira noon at walang iba kundi sina…

“ Bitches. ” Saad ng bagong dating na si Haley at kasama si Cianna pero meron pang tatlong babae sa likudan nila na masama ang tingin sa amin.

Tinaasan ko naman sila ng kilay at hindi na pinansin pa saka nagcellphone nalang pero nakikinig pa din ako sa usapan nila.

“ And what do you think you are? ” Saad ni Marriane na may buong katarayan sa tono.

“ You! Hindi mo ba siya kilala?! Siya si Lady Haley sa Persua Country anak ng isang Duke! ” Saad ng isang babaeng nakabuntot s akanila.

Pasimple ko namang sinilip si Marriane at nakitang naguguluhan siya hanggang sa bigla nalang siyang mamutla ngunit napalitan din agad iyon ng kalmadong ekspresyon, mukhang may alam din siya sa tunay na katauhan ng tatlong Alejo, at syempre mas mataas ang posisyon ng tatlo kesa kay Haley na isang hamak na anak lang ng isang Duke.

“ Ikaw?! Hindi ka marunong rumespeto! ” Saad ng isa pang babae at napangisi nalang ako sa isip ko ng makitang aambahan ng sampal noong babae si Marriane pero syempre hindi magpapatalo si Marriane.

“ At ikaw? You’re just an immature person! You’re like a dog! ” Saad ni Marriane at tumayo na.

Kita ko naman ang pagdami ng mga matang nakikiisosyo sa mga ganap, kita ko din ang pasimpleng pagkuha ng video at litrato, nagkibit balikat nalang ako at hinayaan ang pag-aaway na nagaganap sa harapan ko.

“ I’m not a dog, slut! ” Saad nung babae at hinila ang buhok ni Marriane at gumaya naman ni Marriane.

Pailing iling nalang akong tumayo at naglakad. Pumunta ako sa counter para bumili ng makakain, ang pangit naman sigurong tingnan kung nanonood ako ng palabas ng walang snacks di ba?

Kita ko naman na tinulungan na din yung babae ng dalawa pang babae na kasa-kasama nina Haley, habang si Haley at Cianna naman ay nakatayo lang sa isang gilid habang nanonood din.

Napabalik ang tingin ko kay Marriane at namangha dahil kahit tatlo laban sa isa ay kayang kaya niya at saka hindi siya natatakot na ipakita ang tunay niyang ugali samantalang pag nasa paligid ang Triplets ay akala mo kung sinong may Cancer Stage 10 sa sobrang arte.

Mas lumakas ang mga bulungan at naririnig ko ang mga pustahan ng iba.

Napapailing nalang ako at nanatiling nanonod ng biglang naitulak ng isang babae si Marriane sa kabilang mesa kaya ang ending lahat ng pagkain na nandoon ay natapon at ang iba nagkalat kay Marriane.

Maraming nagtawanan at may iba pa na malalakas ang loob na lumapit para kuhaan ng closer up picture ang naging itsura ni Marriane.

Kita ko kung paano mamula si Marriane sa kahihiyan at galit. Tumingin naman siya kina Haley at dali daling tumakbo papalapit.

Naalerto naman sina Haley ngunit bago pa makalapit si Marriane sa kanila bigla nalang itong natumba at umiyak.

Napatawa naman ako ng kaunti dahil sa hanga sa galing niya sa pag-arte dahil kanina ay parang torong galit na susugod siya pero ngayon ay para siyang batang iniwan ng nanay niya.

Uminom nalang ako ng hawak kong Nestea at saka tumingin muli kay Marriane na ngayon ay tinutulungan ng makatayo nina Chandler at Camden habang masama naman ang tingin ni Carson sa direksyon nina Haley.

Ohhhh. This is gonna be fun. ”

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon