Chapter 27

5.8K 334 58
                                    

Hindi ko maiwasang matawa habang inaalala ang nangyari kagabi.

Matapos kunin ni Carson ang mga plato ay sumunod na din ang dalawa at hindi ako pumayag na umalis dahil gusto kong mapanood ang mangyayari.

Nakasuot na sila ng mga gloves at apron habang nakatingin sa mga platong ginamit namin at halatang hindi nila alam ang uunahin.

Akmang magsasalita ako ng bigla nila akong bigyan ng tingin kaya naman nanahimik nalang ako habang kumakain ng cake.

Kinuha ni Carson ang sponge habang kinuha naman ni Camden ang sabon. Nilagyan ni Camden ng sabon ang mga plato pero sino bang mag-aakala na sa sobrang pagkakapisil niya ay natanggap ang takip ng sabon at tumapon lahat.

Pinigilan ko ang tawa ko at nagpanggap na hindi iyon nakita nang tignan ako ni Camden. Pero hindi ko na napigilan ang mata ko ng dumulas sa kamay ni Chandler ang isang mangkok at nahulog.

Matapos ang isang oras ay tanging mga kutsara at tinidor lang ang nakaligtas maliban sa mga basong may crack pero sa basurahan din ang deretso.

Halos mawalan ako ng hininga sa kakatawa habang nakasimangot naman ang tatlo.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makalimot lalo na sa mga ekspresyon na pinapakita nila tuwing may nababasag na gamit.

Kasalukuyan akong nakasakay sa kotse ni Carson dahil sa kanya ako naka schedule ngayon at kasalukuyan siyang namumula dahil siguro sa pagtawa ko.

Hindi naman ako nito sinasaway kaya tumawa lang ako ng tumawa hanggang sa tuluyan na kaming nakadating sa school. Pinagbuksan ako ng pintuan ni Chandler saka inalalayan na bumaba.

Habang naglalakad kami ay hindi pa din mawawala ang mga bulungan ng mga estudyante kahit araw araw naman kaming sabay pumasok ng tatlo.

Akmang aakyat na kami ng hagdanan ng biglang may katawan na malalaglag, akal ko ay sasaluhin ito ni Camden na pinakamalapit ngunit ganon nalang ang gulat ko ng hayaan nitong tuluyang malaglag sa sahig ang estudyanteng iyon.

Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ko sa kanya at akmang lalapitan ang babae ng bigla din itong tumayo ng kanya.

Ang kaninang gulat sa mukha ko at muling bumalik nang makita kung sino ito.

“ Cianna? ” Tawag ko at tinignan naman ako nito hanggang sa bumaling ang tingin niya sa braso ni Carson na nasa balikat ko at kita ko kung paano dumaan ang lamig sa mga mata niya.

Pero anong ginagawa niya dito? Hindi ba at sa susunod na susunod na linggo pa ang dating niya dito? At bakit naman siya nasa hagdanan at mahuhulog?

“ Are you okay? ” Tanong ko at akmang lalapit pero hinigpitan pa ni Carson ang pagkakaakbay sa akin kaya naman nanatili nalang ako sa kinalalagyan ko.

“ Y-yeah… m-may tumulak kasi sa akin… ” Saad niya at kita ko ang mga luhang naglalaglagan sa mga mata niya.

Napatingin naman ako sa taas nang makitang walang kahit na sino ang nandodoon kaya paano siya malalaglag? May tumulak ba sa kanya o sinadya niya?

“ We need to go. ” Saad bigla ni Camden at wala na akong nagawa ng hilahin na nila ako paakyat, nginitian ko nalang si Cianna ngunit hindi niya ito sinuklian hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.

“ Why didn’t you catch her? ” Tanong ko kay Camden.

“ Why would I? She’s not you. ” Saad niya na ikinagulat ko at ngali ngali ko na siyang bubungangaan nanag biglang magsalita ulit siya.

“ You didn’t catch us either. ” Saad niya na ikinataas ng kilay ko.

“We fell, really hard. ” Saad nilang tatlo na ikinagulat ko.

Matagal ko pang pinroseso sa isipan ko ang mga pinagsasabi nila hanggang sa unti unti ng namula ang mga pisngi ko at dali dali silang pinangunahan sa paglalakad.

Ano daw? Nahulog daw sila sa akin? Oh assuming lang ako?

“ We’re cousins! ” Sigaw ko habang pandalas sa pag alis ngunit naabutan pa rin nila ako at ikinulong sa gitna nila gunit ang mga sunod nilang sinabi ang nagpakawala ng kaluluwa ko sa aking katawan.

“ But we’re only fifth cousins.”

“ And we’re not related at all.”

“ And royals are allowed to marry their relatives. ”

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon