Chapter 10

1.2K 88 67
                                    

Binuksan niya ang bintana ng passenger side para mas makita niya kung tam aba ang kanyang nakita na may katabi na lalaki si Aspen. Bahagyang yumuko siya para masipat niya ang lalaki mula sa bintana. Boyfriend ba ito ni Aspen? ang tanong ng isipan ni Ocean nang unti-unti niyang inilapit ang kanyang sasakyan sa tabi ng kalsada. Napansin niya na taimtim na nag-uusap ang dalawa at halos maglapit na ang mga balikat ng mga ito.

He stepped on the break kasabay ng malakas na pagbusina niya ng kanyang sasakyan and he knew that his car could drew attention at mas nadagdagan pa iyun nang dahil sa pagbusina niya. At agad din niyang nakuha ang atensiyon ni Aspen at ng kasama nitong lalaki.

Napako ang kanilang mga mata ni Aspen na mukhang nagulat nang makita siya. Nagulat ba ito dahil nahuli niya itong may kasama na lalaki? Tanong ng kanyang isipan at hindi niya napansin na naniningkit pala ang kanyang mga mata.

Itinulak niya ang pinto ng kanyang sasakyan at dali-dali siyang lumabas. Sa ilang malalaking hakbang ay naglakad siya papalapit sa dalawa na tumayo na sa bench na nasa ilalim ng waiting shed. Hanggang sa nakaharap na siya sa mga ito at ang kanyang mga kamay ay napunta sa kanyang magkabilang bewang.

"Aspen?" ang patanong na pagbanggit niya sa pangalan ni Aspen. Tinaasan niya ito ng dalawang kilay at nakita niya ang pagtataka sa mga mata nitong ginuhitan nitong muli ng tila mata ng pusa. At mula kay Aspen ay napadpad ang kanyang mga mata sa lalaking nakatayo sa tabi ni Aspen. Ang chinito boy na mas bata at mas mababa sa kanya ang height na umabot lang sa kanyang mga mata. Hmmm, hindi naman masama sa mata ang hitsura nito, ang sabi pa ng kanyang isipan, nang sipatin ng kanyang mga mata ang lalaking kasama ni Aspen.

"Uhm akala ko si mommy ang susundo sa akin?" ang tanong ni Aspen sa kanya na hindi niya tinitingnan dahil ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin sa lalaking katabi nito na hindi naman niya nakitaan nang pagka-asiwa kahit pa mataman niyang tinititigan ito.

Binawi niya ang kanyang mga mata kay chinito boy at tiningnan niya si Aspen na may pagtataka sa mga mata nito. "Nasa bahay na siya at pinadaanan ka niya sa akin," ang sagot niya at muli niyang itinuon ang kanyang mga mata kay chinito boy at mukhang napansin ni Aspen na kanina pa niya tinititigan ang kasama nito.

"Uhm, Ocean si Bret nga pala kaibigan ko," ang pagpapakilala nito sa kasama nitong lalaki sa kanya. Inilahad naman ng lalaking si Bret ang kamay nito sa kanya. Hindi niya iyun agad kinuha at tiningnan pa muna niya ng matagal ang maputing kamay nito at isang mahinang buntong-hininga saka niya inabot ng sarili niyang kamay ang nakalahad na kamay ni Bret para makipagpalitan ng handshake.

"Good afternoon po sir Ocean," ang magalang na bati ni Bret sa kanya. Hindi naman niya napigilan na hindi diininan at pisilin ang kamay ni Bret na kanyang hawak. Hindi siya sumagot at tanging pagtango lang ang kanyang nagawang sagot sa pagbati nito at saka niya binitiwan ang kamay nito. He'd have enough of this chinito boy, ang sabi ng kanyang isipan. Hindi niya alam kung alam na ni Elise na may kaibigan na lalaki ang anak nito at siya bilang boyfriend ay handa na protektahan ang anak ng kanyang girlfriend. Kailangan na siya muna ang sumipat at hindi makakaligtas sa kanya kung playboy ang lalaking si Bret. He will know.

"Halika na Aspen," ang pagyakag niya kay Aspen. mabilis siyang tumango para senyasan ito na sumunod na ito sa kanya sabay talikod niya sa dalawa and he was expecting that Aspen was following him.

"Uhm sandali na lang Ocean, may...may sasabihin lang ako kay Bret pwede ba na mauna ka na sa sasakyan? Doon mo na lang ako hintayin sandali lang ito, wala pang ilang segundo," ang kanyang sabi kay Ocean.

His steps quickly stopped at parang humapdi ang kanyan mga tenga nang marinig niya ang sinabi ni Aspen sa kanya. Para bang pinompiyang ang magkabila niyang tenga. Dahan-dahan na pumihit ang kanyang katawan para harapin na muli ang dalawa and that moment his eyes were squintinng on them and a bone twitched on his right jaw.

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon