Chapter 5

1.3K 100 17
                                    

"Stop," ang mahinang sambit ni Elise. At marahan siya nitong itinulak sa kanyang dibdib.

"Babe, I miss you," ang bulong ni Ocean habang ang kanyang mga kamay ay nakalapat sa batok at sa likod ni Elise. They were inside his car na nasa parking lot ng office building ng pinagtatrabahuan ni Elise. Sinadya niya ito for a coffee date with her sa isang malapit na coffee shop sa building. At nang matapos na ang kanilang pagkakape ay naupo muna sila sa loob ng kanyang sasakyan to make out.

"We'll make it quick, God baby I need you, please," ang kanyang sambit at kinuha niya ang kamay nito para ilagay sa kanyang harapan na namimintog nang sandali na iyun. Pero sa halip na panggigilan iyun ni Elise ay tila ba napaso ang kamay nito at mabilis nitong binawi.

"Ugh, can we just wait hanggang sa matapos ang trabaho ko?" ang inis nitong tanong sa kanya, "you know I don't do sex sa kotse o sa kahit saan pa mang lugar, kailangan ko ng kwarto at kama, Ocean," ang sagot pa nito sa kanya.

Itinulak na siya nito ng malakas papalayo sa kanya, kaya naman napapikit na lang ang kanyang mga mata kasabay ng pagsandal ng kanyang likod sa sandalan ng driver's seat. At pagdilat niya ay tiningnan niya si Elise na nag-aayos ng hitsura nito. She smoothed her blouse and skirt kasunod ang buhok nitong bahagya na nagulo nang pasadahan niya iyun ng kanyang mga daliri sa kamay.

Napabuntong-hininga siya at tiningnan na lang niya si Elise while she dabbed her lips with her fingers nang kulayan nitong muli ang mga labi nito ng lipstick.

"Magkikita ba tayo bukas? Sabado hindi ba?" ang tanong ni Ocean kay Elise na nag-spray na ng pabango sa leeg at pulsuhan nito.

"Dumalaw ka na lang sa bahay, I'll cook dinner for us, marami akong gagawin bukas, lahat ng house chores ay gagawin ko na para sa Sunday ay me time ko, magpapa-spa ako at magpapamai and pedi and hair treatment, the whole nine yards kaya naman buong araw akong wala sa bahay sa Sunday," ang sagot ni Elise sa kanya.

Tumango siya, naintindihan naman niya ang mga pangangailangan ni Elise bilang isang babae, but he was hoping na masolo niya ito na muli, sila bilang magkapareha, ang sabi niya sa sarili.

"How about we go out tomorrow night? Pagkatapos ng dinner? We needed some time together Elise," ang kanyang saad dito.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito at saka ito tumango. "Okey after dinner, we'll go out, have a couple of drinks and...siguro sa bahay mo na lang?" ang tanong nito sa kanya.

"That's much better," ang nakangiti niyang sagot dito, "uhm okey lang ba na maiwan natin si Aspen sa bahay ninyo ng mag-isa? I mean...hindi ba siya nababagot? Siguro minsan isama natin siya, mag-out of town tayo kahit sa weekend lang." Ang kanyang suhestiyon kay Elise. Naisip niya ang anak nito at naalala niya ang magaganda nitong mga mata na puno ng kalungkutan. Maybe a change of scenery will help lessen the pain and sadness on those beautiful eyes of Aspen.

"Ugh, hindi siya nababagot Ocean, I tell you, mas gusto nga niyun na nakakulong lang sa loob ng bahay at magmukmok," ang sagot ni Elise sa kanya. "She's like his dad."

"Don't be so hard on her Elise, hindi pa siya nakakamove-on sa pagkawala ng kanyang daddy," ang kanyang malumanay na sagot kay Elise na nagtaas lang ng isa nitong kilay pagkatapos na magpakawala ng isang buntong-hininga.

"Saka, malungkot siya dahil sa hindi ang gusto niyang kurso ang kanyang,"-

"Ocean," ang mariin na putol sa kanya ni Elise at diretso siyang tiningnan sa mga mata nito. Nagtaas ang dalawa nitong kilay sa kanya as she emphasized the words that will come out of her lips.

"About last night?" ang pagpapaalala nito sa kanya, "hindi ko nagustuhan iyun, ang mga sinabi mo kay Aspen."

Napakurap ang talukap ng kanyang mga mata at napaatras ang kanyang ulo, "I didn't mean any harm Elise, at hindi sa nangingialam ako, pero, hindi siya mag-e-excel sa course niya kung hindi nito gusto ang kinukuha nito,"-

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon