"Aspen?" ang narinig niyang pagtawag ng kanyang lola sa kanya mula sa labas ng pintuan ng kanyang silid. ang pagtawag nito ay sinamahan pa ng mahihinang pagkatok. Mabilis siyang bumangon at pinahid niya ang kanyang mga luha. Ilang araw na rin siyang lumuluha ng palihim sa loob ng kanyang silid. Mula noong araw na nakita at nabasa niya ang sulat ng kanyang papa.
Tumayo siya mula sa kanyang kama at pinadaanan niya ng kanyang mga kamay ang kanyang magulong buhok at marahan na kinuskos ang kanyang mga pisngi. Saka niya mahinang nilinaw ang kanyang lalamunan bago niya binuksan ang pinto para sa kanyang lola.
"Lola, uhm, good morning po," ang kanyang mahinang bati sa kanyang lola na ramdam niyang pinag-aaralan siya ng mga mata nito. Batid niya na gustong-gusto na siya nitong tanungin kung ano nga ba ang nangyari at nangyayari sa kanyang buhay, pero mas ginusto ng mga ito na kusa siyang magbukas ng kanyang saloobin.
"Tanghali na, hindi ka ba mag-aalmusal? Tatlong araw ka nang parang walang gana na kumain, ayaw mo na ba ng mga niluluto ko?" ang tanong nito sa kanya.
Mabilis na umiling ang kanyang ulo at isang pilit na ngiti ang kanyang iginawad sa kanyang lola. "Hindi po lola, hinding-hindi ako magsasawa na kainin ang mga luto po ninyo," ang kanyang sagot.
"Pero bakit parang wala kang gana? May...iniinda ka bang sakit?" ang mga tanong pa nito at tinitigan siya ng kanyang lola. Ang mga mata nitong matanda man ay kakikitaan pa rin ng talino. Tila ba kayang pasukin ng mga mata nito ang kanyang puso at isipan at mabasa ng kanyang lola at tunay na nilalamn ng mga ito.
Opo may iniinda akong sakit, isang taon ko na po itong iniinda at tinitiis, ang sagot ng kanyang isipan. At nang makita ng kanyang lola ang mga luhang nangilid sa kanyang mga mata ay humakbang ito papasok sa pintuan at mabilis na pumulupot ang mga bisig nito sa kanya. Hindi man iyun katulad ng kay Ocean na matipuno ngunit ang mga bisig ng kanyang lola ay may labis na pagmamahal at pagkalinga.
She inhaled her scent, ang amoy nitong paiba-iba depende sa kung anong pampalasa ang ginagamit nito sa tuwing ito ay nagluluto. Ngunit kahit ano pa man iyun, ay nananatiling kaaya-aya ang halimuyak ng kanyang lola.
"Apo, huwag mong kimkimin kung anuman ang gumugulo sa iyong puso? Narito kami ng iyong lolo para bigyan ka ng lakas at gabay, pakatatandaan mo iyan," ang sambit nito.
Tumangu-tango siya at isang paghikbi ang kanyang isinagot kasabay ng pagtulo ng kanyang luha at ikiniskis niya ang kanyang pisngi sa balikat ng kanyang lola.
"Lola...nagkamali ako...nagkamali ako ng pag-aakala at gusto kong...maitama ang lahat," ang kanyang bulong habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.
Napabuntong-hininga ang kanyang lola at naramdaman niyang gumalaw ang balikat nito. ilang sandali pa ay humagod ang palad nito sa likod ng kanyang ulo at sa kahabaan ng kanyang buhok.
"Gawin mo ang gusto mong gawin Aspen, alam mo na sa bahay na ito ay may kalayaan kang gawin ang kung anumang naisin ng iyong puso ang importante ay ang kapayapaan ng iyong isipan at kalooban at ang kaligayahan ng iyong puso," ang narinig niyang sambit ng kanyang lola.
Tumangu-tango siya at itinulak niya ang kanyang sarili palayo sa kanyang lola para pagmasdan ng kanyang basang mga mata ang mga mata ng kanyang lola na nag-uumapaw sa pag-unawa sa kanya.
"Salamat...salamat po," ang kanyang sambit.
***
"Magtatagal ka ba sa Maynila apo?" ang tanong sa kanya ng kanyang lolo habang nasa harapan sila ng hapag-kainan nang gabing iyun. Nakausap na niya ang mga ito tungkol sa kanyang mga balak at tulad nga ng sinabi ng kanyang lola sa kanya kaninang umaga ay suportado siya ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...