Chapter 63

1.2K 98 41
                                    


Hindi inaakala ni Ocean na naroon si Elise sa site nang araw na iyun. Though alam naman niya ang imporatansiya ng involvement ng interior designer even sa process of construction ay hindi pa rin niya inaasahan na maabutan niya si Elise sa site dahil sa ang alam niya ay nagtatrabaho pa rin ito sa dati nitong kumpanya.

Kaya nga naisipan niyang isama si Aspen sa mga araw na iyun dahil sa itinaon na rin niya na wala si Elise at nang hindi magpang-abot ang dalawa. Pero hindi na lang niya ipinahalata kay Aspen ang panlulumo niya nang makita niya ang sasakyan ni Elise na nakaparada kasama ng iba pang sasakyan.

"Kumpleto ang crew pati si Engineer Summer nandito rin," ang kanyang sambit at nilagyan niya ng sigla ang kanyang boses. Hindi sumagot si Aspen at isang matipid lang na ngiti ang isinagot nito sa kanya nahalata niya na hindi ito kumportable.

Mukhang dapat yata ay iniwan na lang niya si Aspen sa may hotel kung saan dumaan muna sila para iwan ang kanilang mga gamit sa kanilang silid. But he wanted Aspen to see his work, magiging isang architect na rin ito in the near future kaya naman isinama na niya ito para naman ma-expose na ito sa mundo ng construction.

Bumaba siya ng kanyang sasakyan at dali-dali siyang nagtungo sa kabilang side ng kotse para pagbuksan ng pinto si Aspen. Hinawakan niya ang kamay nito para tulungan itong makalabas. At hindi na niya iyun binitiwan pa at mahigpit na nagdaop ang kanilang mga palad at naglakad silang magkahawak kamay patungo sa location. At ilang sandali pa ay narinig na nila ang malalakas na tunog ng alon na nagmumula sa dagat na magsisilbing beach front ng mga villas na kanilang iatatayo rito.

Natanaw na niya tent na open ang mga sides at iyun ang nagsisilbing opisina nila sa site. Naroon na ang mga pamilyar na mukha ng kaniyang katrabaho, ang mga engineers, foremen, si engineer Summer at si Elise na naunang umangat ng ulo nito mula sa pagkakayuko nito habang tinitingnan ang mga printed pictures na nakalatag sa ibabaw ng malawak na lamesa. Sumulyap ito sa kanya pero mabilis lamang iyun dahil sa ang mas pinagtuunan ng atensiyon nito ay si Aspen.

Marahan niyang pinisil ang kamay ni Aspen at saka niya ito tiningnan at hinintay na tumingin din ang mga mata nito sa kanya. At hindi naman nagtagal ay sandaling tumingala patagilid ang ulo ni Aspen para salubungin ang kanyang mga tingin at isang ngiti ang iginawad niya rito na sinagot naman ni Aspen nang matipid na ngiti.

"Oh, finally nandito ka na rin!" ang gulat at masaya na sambit ni engineer Summer nang katulad ni Elise ay umangat ang mga mata nito mula sa binabasa nitong blueprint na nakalatag sa lamesa para tingnan sila ni Aspen. at napansin niyang panakaw na napasulyap si Engineer Summer sa katabi nitong si Elise. At alam niya na pareho sila ng iniisip ni engineer Summer nang sandali na iyun. His friend Summer knew about the break-up nang muli silang magkita nito at magkausap at alam din nito na mayroong Aspen. Kaya naman alam niya na iniisip din ni Summer ang awkward moment na iyun.

Nagkunwaring nagkamot ito ng tenga, pero ang mga daliri nito sa kamay ay nakahugis receiver ng telepono at nakuha niya agad ang pahiwatig nito na dapat ay tumawag na muna siya kay engineer Summer. But it is too late dahil nagpang-abot na ang mag-ina. At napansin niya na nag-ekis ang mga braso ni Elise sa sarili nitong dibdib.

"Good morning," ang bat niya sa mga ito saka siya tumango, "I have someone with me, uhm, engineer Summer? Please meet Aspen Palacio, my girlfriend." Ang may pagmamalaki niyang pagpapakilala kay Aspen sa kaibigan at ka-trabaho sa kabila ng presensiya ni Elise na kanyang ninakawan ng tingin at napansin niya na sandaling nagtaas ang mga kilay nito kasabay ng pagbuga nito ng buntong-hininga. But Elise kept her lips pursed and she didn't utter a single word nor sound.

"Oh, it's nice to meet you Aspen," ang bati ni Summer rito at inilahad pa nito ang kamay para makipagpalitan ng handshake kay Aspen.

"Nice to meet you too," ang sagot ni Aspen sa malumanay ngunit pormal na boses nito. At hindi pa man sila nagtatagal ay ramdam na nila ang awkwardness sa paligid nila.

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon