"Elise?" ang patanong na sagot ni Ocean nang makatanggap siya ng tawag sa kanyang telepono. Kaaalis lang niya sa bahay at mabigat ang kanyang loob na iniwan niya si Aspen na natutulog pa sa kanyang malapad na kama. Her hair was spilling like river on the pillows and her body was only clad with blanket. He wanted to stay for a little longer and maybe make love again with her. Pero kailangan na rin niyang umalis dahil nga sa may hinahabol din silang schedule. At ginising lang niya si Aspen para sabihin na aalis na siya at hagkan ang mga labi nito.
"I'm sorry Ocean naistorbo ba kita?" ang tanong ni Elise sa kanya habang naka-speaker ang kanilang pag-uusap.
Nagtaas siya ng kanyang mga kilay habang nakatuon ang kanyang mga mata sa madilim pang kalsada sa kanyang harapan na kanyang binabagtas.
"Uhm no, not exactly I'm driving and on my way sa location, why?" ang kanyang sagot ay tanong dito.
"Uhm, nakakahiya naman, pero wala na kasi akong ibang mahingan ng pabor, sira kasi yung sasakyan ko, ayaw mag-start, nagamit ko pa siya kahapon hindi ko alam kung anong naging problema, I am also going to leave kaya lang ilang beses ko nang sinubukan pero ayaw mag-start ng sasakyan ko," ang sagot ni Elise sa kanya.
Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan niya, ayaw naman niyang iparinig iyun kay Elise. He didn't want to spend more time with Elise kahit pa trabaho ang kanilang dahilan para magsama at kahit pa sinabi na ni Aspen na tiwala ito sa kanya. Gusto pa rin niya na kahit papaano ay bawasan ang pag-spend nila ng oras ni Elise na sila lang. But still, sinabi nito na kailangan nito ng kanyang tulong, marahil ay sira nga ang sasakyan nito at may kalayuan ang location nila na hindi maaring mag-hire na lang ito ng sasakyan.
"Hindi mo ba pinapa-check regularly ang sasakyan mo?" ang kanyang tanong dito na hindi naman niya maiwasan. Being a car owner, you have to be responsible with your car, ang sabi niya sa kanyang sarili.
"I did last week, you know me, I'm not irresponsible Ocean, hindi ko naman na sinasadya na masira ang sasakyan ko," ang giit ni Elise sa kanya.
No Elise, I don't really know you at all, ang gusto niya sanang isagot kay Elise at patungkol iyun sa narinig niyang kuwento mula kay Aspen. But, of course hindi niya iyun sasabihin dito. Hindi iyun ang tamang oras at hindi na rin naman siya interisado pa na malaman ang tungkol doon dahil para sa kanya mas importante ang kasalukuyan at hinaharap nila ni Aspen.
"If I am bothering you maghahanap na lang ako,"-
"No, it's not," ang putol niya kay Elise. Hindi naman niya maitatanggi na may pinagsamahan pa rin sila nito at ang dahilan ng break-up nila ay dahil sa kanyang pagkakasala na hindi naman na niya pinagsisisihan lalo pa at labis ang saya at pag-ibig na nararamdaman niya sa piling ni Aspen.
But still, Elise is a friend to her and his colleague sa kanyang trabaho kaya naman hindi naman masama kung dadaanan niya ito para isabay sa biyahe niya patungo sa site.
"Okey puwedeng mag-meet tayo half-way? Makakapag-book ka ba ng sasakyan papunta sa intersection? Hindi kalayuan sa area ninyo?" ang kanyang tanong dito.
"With this hour? Nakakatakot na sumakay kahit pa sa TNVS," ang sagot ni Elise sa kanya.
Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan niya at saka siya tumango, "okey sunduin na lang kita diyan mabilis naman ang biyahe, pumasok ka na lang ulit sa loob ng bahay at mag-doorbell na lang ako kapag dumating na ako." Ang kanyang bilin dito bago tuluyan na naputol ang kanilang usapan. Kaunting oras lang naman ang maidadagdag sa kanyang biyahe at mabuti na lang din at maaga siyang umalis sa bahay. At muli niyang naalala si Aspen, he felt bad kasi bibiyahe ito papunta at pauwi sa kanilang bahay. At alam niya na wala na siyang magagawa pa at isang buntong-hininga na lang ang kanyang pinakawalan.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...