Nag-uumapaw ang tuwa sa puso ni Ocean, hindi siya makapaniwala na nagigisnan na ng kanyang mga mata ang babaeng naghahari sa kanyang puso. At sa halos isang taon na lumipas sa kanyang buhay habang pinipilit niyang mamuhay ng matino dahil sa unti-unti na rin siyang kinakain ng kahibangan dahil sa hinahanap niya ang presensiya ni Aspen. Dahil sa hanggang sa sandaling iyun ay wala pa rin siyang alam kung bakit siya iniwan ni Aspen.
Pero lahat ng gumugulo sa kanyang isipan ay masasagot na sa pagkakataon na iyun. at sa ilang malalaking hakbang ay nasa tabi na niya si Aspen sa sofa at ikinulong niya ang pamilyar na lambot nitong katawan sa kanyang mga bisig.
"Aspen...oh Aspen," ang sambit niya at hindi niya napigilan ang kanyang sariling halik-halikan ang ibabaw ng ulo nito maging ang noo ni Aspen. Muli niyang ginawakang pamilyar ang kanyang mga labi kay Aspen.
"Ocean?" ang narinig niyang pagsambit ni Aspen sa kanyang pangalan. He rested his chin on top of her head while he closed his eyes and succumbed himself to that moment of having Aspen in his arms.
"Aspen, why? Oh god why did you leave me?" ang kanyang tanong at may bahid ng hinanakit ang kanyang boses dahil sa iyun ang kanyang nararamdaman nang sandali na iyun at nitong nakalipas na isang taon. Hinanakit at kalituhan sa kung bakit siya nilisan ni Aspen.
Naramdaman niyang humikbi si Aspen sa kanyang bisig at ikiniskis nito ang dulo ng sarili nitong ilong sa kanyang dibdib.
"I was wrong, I was wrong Ocean, if you still love me? Will you...have me back?" ang tanong nito sa kanya.
"Have you back?" ang kanyang tanong at hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Aspen at marahan niyang itinulak ito papalayo sa kanya para salubungin ang mga mata nitong muling nagpapakawala ng mga sariwang luha. Pinahid ng kanyang mga hinlalaki ang luha sa ilalim ng mata mt ani Aspen at tiningnan niya ang mga palikmata nitong basa ng luha nito.
"Will I have you back? Oh Aspen kung alam mo lang na halos mabaliw ako noong gabing umuwi ako na wala ka sa bahay, at hindi ko alam kung saan ka pumunta at higit sa lahat ay hindi ko alam ang iyung dahilan," ang kanyang sagot at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Aspen para marahan na kabigin ito palapit at sinalubong naman ng kanyang mga labi ang labi ni Aspen para siilin ang mga ito ng nananabik na halik.
Binawi niya ang kanyang labi at idinikit niya ang kanyang noo sa noo ni Aspen at bumulong siya sa mga labi nito, "I love you Aspen, and I will take you, all of you again at ngayon ay hindi kita hahayaan na makawala sa akin," ang kanyang pangako rito at muli niyang siniil ng halik ang labi ni Aspen. Inilapat niya ang kanyang kanan na palad sa likod ng ulo nito at ang kaliwang palad ay sa likod naman nito habang si Aspen naman ay pumulupot ang mga braso sa kanyang leeg habang buong pananabik din nitong sinagot ang kanyang mapusok nang labi. habang nakaupo sila sa sofa sa salas ni Elise.
"Ehrm," ang malakas na paglinaw ni Elise ng lalamunan nito para makuha ang kanilang atensiyon ni Aspen. binawi niya ang kanyang mga labi kay Aspen at habang habol niya ang kanyang hininga ay tinitigan niya muna ang mga mata ni Aspen at mabilis na ginawaran ng halik ang labi nito bago siya lumingon kay Elise na nakita niyang nakatayo sa likuran ng sofa habang ang mga braso nito ay nakakrus sa dibdib nito. Ngunit walang galit na makikita sa maganda nitong mukha, but she's got that amusement on her face as she tries to suppressed her smile on her lips.
"Maybe get room?" ang tanong nito sa kanila at napakagat siya sa kanyang labi bago siya ngumiti kay Elise and he gave her that sheepish look on his face.
Muli niyang tiningnan sa mga mata si Aspen, "let's go home," ang bulong niya ngunit nakita niya na nag-alangan si Aspen. bahagyang kumunot ang noo nito at tumikom ang mga labi nitong kanina lamang ay pinupog niya ng halik.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romansa"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...