"What are you talking about?" ang kunot noo at gulat na tanong ni Elise kay Ocean nang sabihin nito ang ideya na nabuo sa kanyang isipan mula pa kanina. She failed Aspen at para makabawi siya rito ay siya na mismo ang tutulong sa pag-aaral nito. Wala naman siyang masyadong pinagkakaabalahan at kung meron man ay gagawa siya ng oras para rito. Her tears showed him how desperate she was in her studies at hindi niya hahayaan na mangyari na mapasama ang grades at health ni Aspen both physically and emotionally.
"Ako ang magtu-tutor sa kanya," ang kanyang pag-uulit at lumingon siya kay Elise na nananatiling nakatunganga sa kanya na tila bai bang linggwahe ang lumabas sa kanyang bibig.
"She's having difficulty in her studies Elise, lalo na sa math subject," ang malumanay niyang paglalahad dito.
"Alam ko na mahina ang ulo niya dahil nagmana siya sa kanyang ama, but obviously sinasadya niyang hindi mag-aral nang mabuti just to spite me," ang sagot ni Elise sa kanya at sa pagkakataon na iyun ay siya naman ang kumunot ang noo. Hindi siya makapaniwala na sinasabihan ni Elise ang sariling anak na mahina ang ulo.
Umiling ang kanyang ulo at muli niyang sinulyapan si Elise, "don't say that to her Elise for Pete's sake," ang kanyang inis na sambit, "hindi mahina ang ulo ni Aspen at hindi niya ito sinasadya, sadyang may mga bagay na mas kinakailangan niya ng tulong at sa pagkakataon na iyun ay kaya ko naman siyang tulungan so bakit ko naman pagdadamutan ng oras si Aspen? Kaysa naman sa, ibang taong pa siya humingi ng tulong at wala ng libre sa panahon ngayon."
"I'll be tutoring her sa bahay ninyo every evening," ang kanyang dugtong, "ayaw mo ba iyun? Lagi na tayong sabay na magdi-dinner sa bahay mo?" ang kanyang tanong na may bahid ng paglalambing dito.
Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Elise saka ito nagkibit ng mga balikat. "Bahala ka, basta kapag binastos ka niya ulit, hindi na kita sasabihan ng I told you so," ang tanging sagot nito sa kanya na walang bahid ng interest. Tila ba tinuldukan na nito ang kanilang pag-uusap tungkol sa bagay na tungkol kay Aspen.
Muli siyang napasulyap sa rearview mirror para tingnan ang kaniyang mga binili. Naalala niya noong pinuntahan niya si Aspen sa bahay at naabutan niyang nagpipinta ito. Ang mga pagkain na kaniyang binili noong araw na iyun ay ang mga binili rin niya para sa dinner nila sa gabing iyun. Elise doesn't approve of those kind of food, kaya naman may extra siyang binili para sa nobya. At siyempre hindi rin niya nakalimutan ang paborito na dessert ni Aspen.
Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang pisngi at nagkaroon ng kakaibang gaan sa kanyang dibdib at sigla ang kanyang pakiramdam. Maybe because he was in a mission? Na tulungan ang isang katulad ni Aspen. Ganun siguro talaga ang pakiramdam kapag tumutulong ka sa iba, ang sabi ng kanyang isipan.
Dumating sila sa bahay, at alam niyang naroon lang si Aspen sa loob ng silid nito marahil ay nakatulog ito o muling isinubsob nito ang sarili sa pag-aaral. Basta sigurado siyang naroon lang ito sa silid nang iwan niya ito kanina para sunduin ang mommy nito.
"You know I don't approve sa mga ganitong unhealthy na pagkain," ang sabi ni Elise na nakakunot ang noo and there was an obvious disdain in her voice habang nakatingin ito sa mga pagkain na inilapag niya sa ibabaw ng dining table.
"Minsan lang naman ito hon," ang kanyang malambing na sagot rito at saka niya ito mablis na hinalikan sa pisngi.
Mas lalo lang kumunot ang noo nito, "kakain na bam una tayo o mag-aaral na kayong dalawa?" ang tanong ni Elise sa kanya.
"Siguro mag-dinner na muna para dire-diretso ang pag-aaral namin," ang kanyang sagot, "tulungan na kita,"- hindi na niya naituloy ang sasabihin nang hawakan ni Elise ang kanyang kamay para pigilan siyang hawakan ang malaking paper bag na naglalaman ng kaniyang binili.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...