Tinignan ni Aspen ang oras mula sa nakasabit na wall clock sa dingding ng kanilang salas. It was weekend and it was almost four in the afternoon. May ilang oras na ring nakaalis ang kanyang mommy para sa overnight stay nito sa isang project out of the metro.
Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Noong sandali lamang na iyun niya nagawang lisanin ang loob ng kanyang silid na mula pa kahapon ay naging kulungan niya. Mula nang nangyaring confrontation kahapon sa coffee shop ay ikinulong na niya ang kanyang sarili sa loob ng apat na sulok ng kanyang silid.
At doon ay wala rin lang siyang ginawa. Parang ostrich na isinubsob niya ang kanyang ulo sa ilalim ng bunton ng kanyang unan at doon ay nagmukmok at nagpakawala siya ng luha dahil sa sakit na kanyang nadarama.
Bret was or is her friend, and still going to be her friend. She was so hurt dahil sa pati ba naman ang mga taong kakaibiganin niya ay pinakikialamanan pa ng kanyang mommy. Naalala niya nang hamunin niya ang kanyang mommy na palayasin na lang siya nito and she was hoping that she will. Pero mukhang gusto pa rin nitong kontrolin ang kanyang buhay at gawing miserable kaya naman hindi nito sinagot ang kanyang hamon dito.
Why did you want me here papa? I am living a miserable life, ang sabi ng kanyang isipan. Pero dahil sa pangako sa kanyang ama ay titiisin niya ang kanyang buhay na ilalagi niya sa poder ng kanyang mommy. Naisip niya ang pera na nakatabi sa bank account na kanyang binuksan para sa sarili at doon niya idiniposito ang perang mula sa isang buyer ng kanyang painting na si Engineer Burke. Ang perang iyun ang tanging pag-asa niya na makapagsimula siyang muli. Meron siyang pupuntahan kung sakaling umalis na siya sa poder ng kanyang mommy, pero kahit papaano ay mayron siyang option na mamuhay siya na mag-isa.
Isang buntong-hininga na muli ang kanyang pinakawalan at ramdam niya pa rin ang mabigat na emosyon sa kanyang dibdib. Naalala niya muli ang nangyari kahapon sa loob ng sasakyan ni Ocean. She was so hurt sa nangyari na hindi niya na nagawa pang kausapin si Ocean nang tila ba may gusto itong sabihin sa kanya. At sa sandaling iyun ay mas labis ang sakit na kanyang nadarama dahil sa magkasama ng dalawang araw at isang gabi ang kanyang mommy at si Ocean.
Masakit sa kanya na tila ba walang pag-asa na mapansin ni Ocean ang isang katulad niya.
"Sino bang kayang makipagkompitensiya sa ganda niya?" ang malakas na tanong ni Aspen sa kanyang sarili. At sa tuwing sasagi sa kanyang isipan ang gabing pagsasaluhan ng kanyang mommy at si Ocean ay ramdam niya ang pagguhit ng kirot sa kanyang dibdib.
Yup! she should be bouncing with joy that moment, dahil sa magagawa niya ang lahat ng kanyang gusto nang may kalayaan. Dapat ay nagpipinta siya sa mga sandaling iyun, nag-sketch, o di kaya ay nanunuod ng paborito niyang palabas kung di man siya nagbababasa. Pero ang lahat ng iyun ay wala siyang gana na gawin. It was like, her breath of life was sucked out from her body at wala nang buhay at sigla ang lahat para sa kanya. Mukhang ganun yata ang buhay? May kapalit na kalungkutan ang labis na kasiyahan, ang sabi niya sa kanyang sarili.
Muli niyang tiningnan ang oras at alam niyang ilang sandali pa ay lalamunin na ng dilim ang natitirang liwanag ng araw na iyun. Mukhang ganun na din ang kanyang damdamin. She will be here all alone and sucking for her sad and miserable life while her mom, ang dahilan kung bakit siya nagdurusa ay masayang kasama ang lalaking minamahal niya. She'll have the whole night living in a nightmare while her mom and Ocean were in heaven.
She wanted to forget, kahit man lang sa gabing iyun ay mairaos niya ang kalungkutan na kanyang nadarama. Tiningnan niyang muli ang oras at saka siya tumayo mula sa kanyang pagkakasalampak sa sofa at naglakad siya palapit sa nakabukas na bintana ng kanilang bahay. Hinawi niya ang nakatabing na kurtina at tumanaw siya sa labas ng maliit nilang bakuran. Naroon sa labas ng kanilang gate ang sasakyan ng kanyang mommy dahil sa sinundo nga ito ni Ocean para sa overnight stay ng dalawa sa labas ng metro.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...