Chapter 67

1.2K 95 59
                                    

Tiningnan ni Aspen ang hawak niyang telepono na wala nang buhay nang mga sandali na iyun. Natapos na ang usapan nila ni Ocean at dulot niyun ay sakit sa kanyang dibdib at karagdagang pagdududa sa kanyang isipan.

Bakit siya magsisinungaling? Ang hinanakit ng kanyang damdamin at isang paghikbi ang kanyang ginawa. Hindi na nakapahinga pa ang kanyang mga mata at mukhang walang balak na mamahinga ang kanyang mga mata dahil sa muling nangilid ang luha sa kanyang mga mata at nagbabadya na namang kumawala ang mga ito.

Bakit niya inilihim na magkasama sila ng kanyang mommy? Ang muling tanong ng kanyang isipan. A couple was checked-in sa villa na kanyang sinabi. Ibig sabihin magkasama talaga si Ocean at ang kanyang mommy. A couple, ang muling sambit ng kanyang isipan at nakaramdam ng pagguhit ng kirot ang kanyang dibdib at doon ay hindi na niya napigilan na pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata. hinayaan niyang malayang dumaloy ang mga sariwang luha sa kanyang pisngi at pumatak iyun sa screen ng hawak niyang telepono.

Ano nga bang laban niya sa kanyang mommy? Noon pa man ay kahati na niya ito sa atensiyon ng lalaking importante sa kanyang buhay. Sa kabila ng pagmamahal sa kanya ng kanyang papa ay alam niyang mas minahal nito ang kanyang mommy. Dahil sa kabila ng mga sandaling nakakalimot ito nang dahil sa sakit nitong Alzheimer, ay ang mommy pa rin niya ang naaalala ng kanyang papa samantalang siya ay hindi na nito kilala.

At mukhang ganun din ang sitwasyon nilang dalawa ng kanyang mommy pagdating kay Ocean. Ano nga ba ang laban niya sa naunang babae na minahal nito? paano kung sa kabila ng pagmamahal sa kanya ni Ocean ay ang tunay na iniibig pa rin nito ay ang kanyang mommy? Ang tanong ng isipan ni Aspen. hindi naman imposible, dahil sa...natutunan lang siyang mahalin ni Ocean nang mabuntis siya. Kaya lang siya minahal ni Ocean ay dahil sa kanilang anak at sa sex na namamagitan sa kanilang dalawa. She could give what her mom can't. pero, hindi niya pupuwedeng ikaila na sa kabila ng pagkukulang ng kanyang mommy sa relasyon nito kay Ocean ay nagawa pa ring mahalin ni Ocean ang mommy niya.

"Mahal mo pa rin ba siya?" ang lumuluha niyang bulong. at muli niyang nakita sa kanyang mga mata ang masayang mukha ni Ocean at ng kanyang mommy sa larawan. They look so happy together. And it made her realized that she was so lonely. And it made her see the reality na sa kabila ng kanyang ginagawa at sa kabila ng masayang pagsasama nila ni Ocean ay ang kanyang mommy pa rin ang laman ng puso at isipan nito.

At hindi niya mapigilan ang panginginig ng kanyang mga balikat sa kanyang paghagulgol. Napahawak siya sa kanyang lalamunan at dibdib saka niya hinimas ang mga ito. Tila ba mabubura nito ang kirot na nadarama ng kanyang dibdib at ang paninikip ng kanyang lalamunan. Pero hindi. Hindi nito kayang pawiin ang sakit na kanyang nadarama.

Sabi mo hindi mo ako sasaktan? But you did, ang sabi ng kanyang isipan at muli ay hinayaan niyang bumuhos ang kanyang luha upang tulungan siyang mapakawalan ang sakit na kanyang nadarama. Kahit alam niyang hindi nito mapapawi ang sakit, pero alam ni Aspen na wala naman na siyang iba pang magagawa sa sandali na iyun kundi ang...lumuha.

***

"Ughhh," ang sambit ni Aspen. Her eyes were still closed for she was still sleeping nang maramdaman niya ang pagdampi ng malambot at mabangong bagay sa tungki ng kanyang ilong. Muli niya iyung naramdaman ang pagdampi ng malambot at mabangong bagay sa tungki ng kanyang ilong. At muli ay kumunot ang kanyang noo at isang ungol ng pag-angal ang kanyang pinakawalan at hinawi ng kanyang kamay ang kung anumang dumadampi sa ilong niya.

She kept her eyes shut dahil nga sa inaantok pa rin siya pero muling may kung anong bagay na dumadampi sa tungki ng kanyang ilong na kanya nang ikinainis.

"Agh!" ang inis niyang hiyaw at hinawi ng kanyang kamay ang bagay na iyun at isang malakas na tawa ang kanyang narinig na nagpamulat ng kanyang mga mata at bumati sa kanya ang guwapong mukha ni Ocean. nakaupo ito sa gilid ng kama habang nakataas ang isa nitong tuhod na nakabaluktot sa ibabaw ng kama habang nakayukod ito sa kanya. Ang mga mata at labi nito ay nakangiti sa kanya at sa kamay nito ay isang pirasong kulay pula na long stemmed na rosas.

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon