Isang maliit na showroom ang kanyang pinasok. Hmmm, maybe about thirty to forty square meter ang sukat nito, ang tantiya ni Ocean habang pinagmamasdan ng kanyang mga mata ang kabuuan nito.
"Pumunta ka na dito, oh sandali may costumer na tayo! Sige na, hintayin kita, dala ka naman ng kape yung timpla ni lola ha? O sige na nakakahiya sa customer, bye!" ang narinig niyang sabi ng lalaking keeper ng art gallery na nasa likod ng isang maliit na counter sa sulok ng gallery.
Ibinaba na nito ang hawak na phone at malapad siyang nginitian nito habang siya ay nanatiling nakatayo malapit sa pintuan.
"Good morning po sir! Welcome po sa Shabby Chic!" ang magiliw at buhay na buhay na pagbati nito sa kanya na may malapad na ngiti sa labi nito. "May I help you with anything?"
Isang matipid na ngiti ang kanyang isinagot at sa sandaling iyun ay nakaramdam siya ng pag-aalangan lalo na nang makita niya ang mga nakasabit na painting. It would only remind her more of Aspen.
"Uhm, nothing really specific in mind," ang kanyang sagot.
"Puwede naman po sir na magtingin muna po kayo, baka po may kumuha ng interest ninyo," ang magiliw nitong sagot sa kanya, "by the way I'm Carl sir, the gallery's keeper or curator pero mas puwede na ang store keeper, he he," ang sabi nito sa kanya.
Napabuntong-hininga si Ocean at isang pilit na ngiti ang isinagot niya. This is a bad idea, ang sabi ng kanyang isipan, pero nasa loob na siya.
"Uhm you won't mind if I...look around?" ang kanyang tanong at mabilis na tumangu-tango ang ulo ni Carl na tila ba isang bobble head toy.
"Sure po, I'll leave you to yourself," ang sabi nito sa kanya at itinuon na nito muli ang mga mata sa hawak nitong cellphone.
Laking pasalamat ni Ocean na pinabayaan lang siya nito na makapag-ikot sa loob ng gallery, he doesn't want someone following him or looming over him and he's not even in the mood for a chatter. Kaya nga sa isang maliit na bayan siya nagtungo ay para makatakas siya sa gulo ng siyudad. He wanted to be alone in a secluded and quiet place.
At tulad nga ng pangalan ng art gallery na shabby chic ay angkop nga ang gallery sa pangalan nito at sa magandang paraan. Pagpasok pa lang ay nagustuhan na agad ni Ocean ang interior nito na pinagsamang mga luma at bago na gamit sa loob. May isang malapad na mesa sa gitna ng shop at doon ay maayos na nakapatong at naka-display ang mga maliliit na sculptures at vases. At sa may counter naman ay may sabitan na gawa sa tuyong mga sanga kung saan nakasabit ang mga beaded necklaced and bracelets at sa tabi rin nito ay sabitan din na para naman sa mga scarves na may mga burda. At siyempre sa dingding ng shop na kinulayan ng malamlam na puti ay ang mga nakadisplay na painting sa iba't ibang laki na canvases. The walls were well lighted kaya naman buhay ang kulay ng mga painting na nakasabit doon.
At naalala niya noon nang samahan niya si Aspen sa unang exhibition nito at kung paanong nagkaroon ng sigla at buhay ang mga mata at ngiti ni Aspen. And he was so proud of himself dahil sa siya ang nakapaglagay niyun sa mukha nito.
Humakbang siya palapit sa mesa para tingnan ang mga sculptures wala siya ni isang sculpture na naka-display sa kanyang bahay dahil sa hindi rin naman siya mahilig sa ganito. Mabilis lang na pinasadahan ng kanyang mga mata ang sculptures and vases na nakadisplay sa lamesa at tinalikuran na niya ito. At itinuon na niya ang kanyang mga mata sa hilera ng mga paintings na nakadisplay sa dingding.
He's not a painting or an art enthusiast ang tanging painting na meron siya sa bahay ay ang nasa loob ng kanyang silid at iyun ay ang abstract painting ni Aspen.
Pinasadahan niya ng kanyang tingin ang mga paintings. May landscape, may portraits, at abstract. At sa ibaba ng mga ito ay may maliit na template kung saan nakasulat kung anong size ng canvas, medium na ginamit, at ng title ng painting. Napansin niya na ang iba ay may pangalan at ang iba ay walang pangalan ng artists which is not uncommon dahl ang ibang artists ay gusto pa rin ng privacy. Katulad ng painting na kumuha ng kanyang interest. Napahinto siya sa kanyang paghakbang at tumayo siya sa harapan ng isang abstract painting na mother and child ang tema. Ang nanay sa painting ay nakatungo sa sanggol na nasa bisig nito. At agad na tumimo ito sa kanyang puso. The painting was so close to his heart para sa anak at ina nito na nawalay sa kanya.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romansa"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...