"Hi! Uh, mukhang nag-eenjoy ka," ang sabi ni Bret na nakatayo sa kanyang likuran. Hawak ng kanan na kamay nito ang strap ng backpack nitong nakasabit sa mga balikat nito habang may malapad na ngiti na nakakurba sa mga labi nito.
Gumanti siya ng ngiti, hindi naman kasi mahirap gantihan ng ngiti ang ngiting iyun ni Bret lalo pa at ito lang ang mga ngiting pisikal niyang nakikita.
Naupo si Bret sa damuhan sa kanyang tabi at ang bag na nakasabit sa likod nito ay inilatag din nito sa damuhan sa harapan ng mga binti nitong nakataas na nakatupi malapit sa sarili nitong mga dibdib habang nakayakap ang mga bisig nito sa sarili nitong mga tuhod.
"Salamat ha, at pumunta ka kahit na biglaan ang pagtawag ko," ang kanyang sabi kay Bret na isang matipid na ngiti ang gumuhit sa kanyang pisngi.
"Ikaw pa, basta ikaw ang magsabi lumilipad akong darating," ang sagot nito sa kanya.
"Talaga? Lumipad ka papunta rito?" ang tanong niya habang nakataas ang dalawa niyang kilay kay Bret na nagkibit ng mga balikat nito at isang sheepish grin ang ibinigay nito sa kanya.
"Ow, bago ko makalimutan," ang sabi ni Bret saka nito inilatag ang mga binti nito at nag-indian seat ito sa damuhan sa kanyang tabi. At sa ibabaw ng mga binti nito ay ipinatong ni Bret ang bag nito saka nito binuksan ang zipper at mula sa loob ay kinuha nito ang isang maliit na eco-bag at isang maliit na kulay asul na box na may ribbon na kulay asul din pero mas matingkad ang kulay.
"Happy birthday, uhm belated," ang bati ni Bret sa kanya at iniabot nito ang maliit na box na kulay mapusyaw na asul.
Tiningnan niya muna ang maliit na kahon na nasa palad ni Bret at kumunot ang kanyang noo saka umakyat muli ang kanyang mga mata para salubungin ang mga mata ni Bret.
"Ano iyan?" ang tanong niya pero hindi niya pa rin kinuha ang asul na kahon na inaabot nito sa kanya.
Tiningnan ni Bret ang maliit na kahon at doon muna nito itinuon ang mga mata nito, "uhm regalo ko, bukas ko sana ibibigay sa iyo, kaya nga nang matanggap ko tawag mo kaninang umaga ay nagmamadali talaga ako Aspen at saka, sobrang saya ko kasi...makakasama kita sa buong araw," ang sagot nito at mula sa hawak nitong box ay umangat ang mga mata nito para salubungin ang kanyang mga mata.
"Huwag mo sanang sabihin na...hindi na sana ako nag-abala kasi...masasaktan ako," ang mahinang sambit nito sa kanya.
Isang ngiti ang isinagot niya kay Bret at saka siya tumango. Kinuha ng kanyang kanan na kamay ang maliit na box sa palad nito.
"Salamat," ang kanyang nakangiti sa sabi rito. Bubuksan na sana niya ang kahon pero pinigilan siya ni Bret.
"Pero," ang pagpigil nito sa kanya nang hawak na niya ang dulo ng dark blue na ribbon para sana hilahin ito. "Mamaya mo na buksan, kasi, kumain na muna tayo, at baka mapanis ito," ang sabi ni Bret at inalis nito ang pagkakabuhol ng eco bag at mula sa loob ay isa-isa nitong inilabas ang apat na microwavable tub at dahil transparent ang lalagyan ay nakita niya agad ang laman ng tub. Kanin at ang paborito niyang ulam na Bicol express.
"Niluto mo?" ang gulat niyang tanong nang ibigay sa kanya ni Bret ang dalawang tub, para sa ulam at para sa kanin. Naglabas pa ito ng disposable spoon at fork at dalawang pet bottle ng softdrinks.
Mahinang natawa si Bret, "sana nga, kaso...he he...kakapusin ako sa oras eh, kaya binili ko na lang sa karinderya," ang sagot ni Bret sa kanya.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Любовные романы"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...