Chapter 17

1.2K 96 39
                                    


Napabuntong-hininga si Aspen, araw iyun ng Linggo at tulad nga ng sinabi ng kanyang mommy ay buong maghapon ito na wala sa bahay para sa me time nito.

Bakit ba siya ay walang me time? Ang tanong niya sa kanyang sarili habang nakahiga siya sa ibabaw ng kanyang kama at parang troso na paikot-ikot siya sa ibabaw nito pakaliwa't kanan.

At napagtanto niya na hindi naman siya mahilig na mag-ayos ng kanyang sarili. Ang pinakapagpapaganda na lang na kanyang ginagawa noon pa man ay ang pagkukulay ng kanyang buhok. Pero, gusto rin niyang magkaroon ng me time, lalo pa at may isang araw na siya na bakante at free sa unang pagkakataon mula nang mabawasan na ang kanyang gawain at dahil iyun sa tulong ni Ocean.

At nang sumagi na naman sa kanyang isipan si Ocean ay hindi pumapalya na hindi gumuhit ang ngiti sa kanyang pisngi. He made her stomach queasy and her heart to beat wildly for reasons that she still couldn't name.

Isang buntong-hininga na naman ang kanyang pinakawalan, at ibinalik niya ang kanyang isipan tungkol sa araw na iyun. Kung magkakaroon siguro siya ng me time hindi sa spa o parlor ang kanyang pupuntahan kundi sa museums at sa mga exhibits para magtingin ng mga paintings. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na ba niyang dinalaw ang National Museum para tingnan ang mga paintings at kahit pa ilang beses na niyang paulit-ulit na tiningnan at tinitigan ang bawat isang guhit ay hindi pa rin siya nagsasawa at alam niyang hindi siya magsasawa.

At nakaramdam na naman siya ng panghihinayang nang hindi niya naisama ang kanyang obra sa contest. Ni hindi na siya naghahangad na manalo ang mapasama sa exhibit ang kanyang likha ay napakalaking achievement na para sa isang katulad niyang nag-aaral at nagsisimula pa lamang sa pagpipinta.

"Kahit man lang sana makita ko ang mga gawa ng lahat ng sumali," ang kanyang malakas na sabi sa sarili habang nakalatag ang kanyang likod sa kama at ang kanyang mga mata ay nakatitig sa kulay puti na kisame ng kanyang silid habang ang kanyang mga kamay ay magkapatong sa ibabaw ng kanyang tiyan.

Muli ay isang buntong-hininga nang may panghihinayang ang kanyang pinakawalan pero bigla siyang napabalikwas nang marinig niya ang nakabibingi na ring ng kanyang telepono na pumunit sa katahimikan sa loob ng kanyang silid.

"Ugh," ang kanyang sambit nang maupo siya mula sa kanyang pagkakahiga. Inabot niya ang kanyang phone na nakalatag lamang sa kanyang tabi at tiningnan niya ang pangalan nang gumagawa ng tawag at isang matipid na ngiti ang gumuhit sa kanyang pisngi nang makita niya ang pangalan ni Bret. Pinindot niya ang answer button at inilapit niya ang kanyang telepono sa kanyang tenga.

"Aspen?" ang pabulong na pagbanggit nito sa kanyang pangalan.

"Bret?" ang mahinang sagot niya.

"Nandiyan ba mommy mo?" ang tanong nito sa kanya sa boses nitong bumubulong pa rin.

"Uhm wala, bakit? At saka bakit ka bumubulong?" ang kanyang mga tanong kay Bret na narinig niyang nagpakawala ng malalim na hininga nang marinig nito ang kanyang sagot.

"Uh sorry, akala ko kasi nandiyan mommy mo, saka, akala ko rin na maririnig tayo he he," ang sagot nito sa kanya na may mahinang pagtawa pa siyang narinig sa kabilang linya.

Hindi rin niya napigilan ang bahagyang matawa sa iginawi ni Bret, "bakit ka nga pala napatawag?" ang tanong niya.

"Naalala mo yung contest sa dati mong school?" ang tanong ni Bret sa kanya at nang marinig niya iyun ay hindi niya maiwasan na hindi kumunot ang kanyang noo dahil sa panghihinayang.

"Hindi ko naman iyun makakalimutan," ang kanyang sagot, "bakit mo naman naitanong?" ang dugtong niya.

"Bubuksan nila ulit yung venue," ang sagot ni Bret sa kanya at bigla na naman siyang nakaramdam ng kaba.

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon