Inilapag ni Aspen ang kanyang telepono sa ibabaw ng kitchen island kung saan naroon din nakalatag ang ingredients ng lulutin niya sanang hapunan nila ni Ocean. Pero dahil nga sa natangap niya na tawag mula rito kanina lang ay nalaman nga niya na, imposible na ang dinner na plinano niya para sa kanila ni Ocean.
Tumayo siya, sa harapan ng kitchen island habang nakahawak ang kanyang mga kamay sa kanyang bewang at tiningnan niya ang mga ingredients na kanyang inihanda at ready na sana niyang isalang sa kaserola. Napabuntong-hininga siya at nawalan na rin siya ng gana na kumain. Kaya naman isa-isa niyang iniligpit ang mga ito at inilagay na lang sa mga container para ipasok sa loob ng ref at bukas na lamang niya ihahanda ito.
Isa-isa pa nagpabalik-balik siya mula sa kitchen island patungo sa refrigerator hanggang sa mailagay na niya sa loob ang lahat ng container. At ibinalik na rin niya sa freezer ang karne na pinatunaw na niya ang yelo. At saka niya nilinis ang kitchen island, halos mag-isang oras din ang lumipas at iginugol niya sa paglilinis ng kusina bago siya natapos. Pero habang naghuhugas na siya ng kanyang kamay pagkatapos niya maglinis ay nakaramdam na naman ng pangangalay ang kanyang balakang kaya naman napakapit ang mga kamay niya sa gilid ng kitchen sink at kumunot ang kanyang noo.
Naalala niya ang kanyang check-up sa kanyang OB pagkatapos ng kanyang coffee meeting with Autumn and Alexis na isa na yata sa pinakamasayang sandali ng kanyang buhay. Mayron siyang mga kaibigan noon sa school pero iba ang friendship na mayroon sina Autumn at Alexis na kanyang nakita at masaya siya dahil sa niyakap na rin siya ng mga ito at itinuring na rin na kaibigan.
Napabuntong-hininga siya at tumayo na siya ng maayos nang humupa na ang pangangalay. Nakainom naman na siya ng kanyang vitamins at binigyan na rin siya ng shots na kailangan para sa kanyang pagbubuntis. But there was something in her doctor's words na tumimo sa kanyang isipan. Nang sabihin niya rito ang kanyang mga nararamdaman.
This is your first baby right? Ang tanong nito sa kanya at tumango siya bilang sagot.
"So there's no history of miscarriage," ang malumanay na sambit nito sa sarili habang nagsusulat ito sa kanyang record. At nang marinig niya ang salitang miscarriage ay bigla siyang kinabahan at agad siyang nagtanong sa kanyang doctor.
"Uhm doc bakit...bakit niyo po nabanggit ang miscarriage?" ang kinakabahan niyang tanong, "makukunan po ba ako?" at hindi na niya napigilan na bumilis ang tibok ng kanyang puso. Habang nakaupo na siya sa malambot na upuan na may armrest. Katatapos lang nitong pakinggan ang heartbeat ng kanyang baby na nasa fourteen weeks na.
Inihinto ng kanyang doctor ang pagsusulat nito at inilapag nito ang hawak na ballpen sa ibabaw ng mesa sa tabi ng kanyang mommy book. At diretso siyang tiningnan ng mga mata nito na may pagkalinga sa kanya na sinamahan ng matamis nitong ngiti.
"I am not saying that Aspen, but...I am not also disregarding the possibility," ang diretsong sabi nito sa kanya, "you see, there were common misconceptions na malalaman namin na makukunan ang isang mommy, we only based our perceptions through the mommy's experienced symptoms."
Napakagat si Aspen sa kanyang labi at hindi pa rin naaalis ang kaba sa kanyang dibdib, "pero doktora, hindi niyo po ba puwede na baguhin o i-predict man lang kung makukunan ako?"
Isang malungkot na ngiti ang iginawad nito sa kanya sabay iling ng ulo nito, "let me explain this to you Aspen, miscarriages are caused by abnormalities of the chromosomes that occurred during the time of fertilization and unfortunately it cannot be predicted nor it can be changed, and there's little that doctors can do to stop the first trimester miscarriages which was before the twentieth week at nasa loob ka pa ng bracket na iyun, we can't really prevent them it will just happen."
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...