Nakaramdam ng kaba si Aspen habang nakaupo siya sa loob ng sasakyan ni Ocean at pinagmamasdan niya sina Bret at Ocean na magkaharap na nakatayo. Obviously na nag-uusap ang dalawa dahil iyun ang sabi ni Bret na, kakausapin nito si Ocean. Pero bakit? At tungkol saan? Ang tanong ng kanyang isipan. Hindi na niya ibinaba pa ang bintana ng sasakyan at rin naman niya maririnig kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa dahil sa distansiya ng sasakyan ni Ocean sa waiting shed.
Tungkol ba sa pagiging member nito ng fraternity? Sa hindi nito pagsasabi ng tunay nitong pangalan? Ang mga tanong ng kanyang isipan. Pero nagpaliwanag na sa akin kanina si Bret tungkol sa pangalan nito, his real name is Brent Terrence at dahil sa ayaw nga nito ang Terrence o Brent bilang palayaw na iatatawag sa kanya ng mga kaibigan kaya naman pinili niya ang Bret. Tungkol naman sa pagiging member nito ng fraternity sinabi nito na kasasali pa lang niya and he was a new member. Hindi naman na kailangan pa na magpaliwanag ni Bret sa kanya dahil sa naintindihan niya ito, so kay Ocean naman siya magpapaliwanag?
Pero may napansin siya sa tayo ni Ocean, though noon pa man ay matikas na ito sa sandaling iyun ay tila ba isa itong sundalo na handang makipagbakbakan anumang oras. He looked taller and intimidating na tila ba ayaw nitong patalo sa mas batang si Bret. Pero bakit? Ang muling tanong niya. At hindi na siya nagtagal sa panonood sa dalawa dahil sa ilang sandali pa ay nakita niyang pumihit ang katawan ni Ocean para talikuran si Bret at naglakad na ito patungo sa kanyang direksiyon at kung pagmamasdan ang mukha ni Ocean ay halos maging isang linya na ang mga kilay nito.
Hinintay niya itong makapasok sa loob ng sasakyan at maupo sa driver seat. She was expecting him to tell her something sa kung anong sinabi ni Bret dito. Pagalitan o tanungin siya? Pero, nanatili pa rin na tahimik ito hanggang sa buhayin na nito ang makina ng sasakyan at nagsimula nang umandar ang sportscar ni Ocean.
"Seatbelt please," ang sabi nito sa kanya sa unang pagkakataon mula nang sumakay ito ng sasakyan. Ano ba ang nagawa na naman niya at tahimik na naman ito? Ang taka niyang tanong habang isinusuot niya ang kanyang seatbelt. Ano kaya ang sinabi ni Bret at seryoso na naman ito? ang kanyang tanong sa sarili. Pero dahil sa nanatili pa rin na tikom ang mga labi ni ocean ay inalis na niya ang kanyang mga mata rito at ibinaling na lang niya sa labas ng kanyang bintana. At doon niya napansin ang hawak niyang plastic na laman ang pinabili niyang singkamas na may asin kay Bret kanina habang naghihintay sila.
Binuksan niya ang supot at dumukot siya ng isang slice ng singkamas mula sa loob at saka niya iyun kinagat. At dahil sa katahimikan ay dinig na dinig ang malutong na kagat niya ng singkamas, at saka niya iyun maingay na nginuya. Muli siyang kumagat at nginuya niya itong muli at napasulyap siya kay Ocean para tingnan ang reaksiyon nito pero parang hindi naman nito naririnig ang maingay niyang pagkain ng singkamas na nakakabingi dahil sa labis na katahimikan sa loob.
Pero nanatili lang na tahimik at walang reaksiyon ang mukha ni Ocean habang diretso ang mga mata nitong nakatingin sa labas ng windshield.
She was trying to get a reaction from him para isiwalat nito ang kung anu mang pinag-usapan nilang dalawa ni Bret. he wanted him to blurt out something into her out of annoyance kaya naman muli siyang kumagat sa singkamas at muling maingay siyang ngumuya.
But instead of making Ocean annoyed it turns out that she was the one who got annoyed at herself. Lalo pa at nanatili na walang imik si Ocean at nakiskisan na ang kanyang mga ngipin. At hindi na siya nakatiis pa.
"Ugh, anong pinag-usapan ninyo?" ang kanya nang tanong kay Ocean nang di na niya matiis pa ang sarili na hindi magtanong.
"Hmmm, wala naman, tungkol lang sa magkasama raw kayo kahapon," ang sagot ni Ocean sa kanya. Kumunot ang kanyang noo at nanulis ang kanyang nguso. Yun lang iyun? Parang segundo lang yan ah? Ang tanong ng kanyang isipan.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...