"Thank you, Aspen ha, at pumayag ka na magkape tayo," ang sabi ni Bret habang naglalakad sila na magkasabay. Nanggaling sila sa isang kalapit na mall kung saan sinamahan niya si Bret na mamili ng painting materials nito.
"Siyempre libre mo ito sa akin at napagod akong samahan ka sa pamimili," ang kanyang sagot dito. At sinagot naman siya ng isang malapad na ngiti ni Bret. Si Bret ang matiyagang nag-stay sa kanyang tabi bilang isang kaibigan at nag-iisang kaibigan sa loob ng campus. Napakalayo na kasi ng mga dati niyang kaibigan sa kanya kaya naman hindi na niya nakikita ang mga ito. Though mas gusto niya na si Ocean ang kanyang kasama ay thankful pa rin siya at mayrong Bret na nasa kanyang tabi bilang isang kaibigan.
Narating na nila ang isang coffee shop na nasa labas ng mall. Nasa tabi itong ng main road dahil sa hindi masyadong crowded ang lugar hindi katulad sa loob ng mall. Naalala niya tuloy ang unang beses na nagkape sila ni Ocean at kung gaano siya nag-enjoy na kasama ito. Siguro, noon pa lang ay drawn na siya kay Ocean? And she just realized it just recently. Pero iniiwasan ka na niya ngayon, ang sabi ng kanyang isipan.
Itinulak ni Bret ang salamin na pinto para sa kanya at nauna siyang humakbang papasok ng coffee shop habang kasunod niya si Bret. Agad silang lumapit sa counter at tumayo para tingnan ang menu at nang makapagdesisyun na sila ay magkasama pa rin silang pumila ni Bret hanggang sa lumapit na sila ng pandalawahan na mesa malapit sa entrance ngunit nasa bandang sulok ito. Iyun ang napili ni Bret na lamesa para sa kanila habang bitbit nito ang kanilang orders.
"Thank you," ang kanyang sambit pagkaupo nila at nang inilapag ni Bret sa lamesa ang kanyang iced latte.
"Salamat din pala sa pagsama mo sa akin," ang sabi ni Bret sa kanya.
Nagkibit siya ng kanyang balikat habang humuhigop siya ng malamig na kape mula sa straw. "Wala yun, saka, nakakatamad na sa bahay."
"Hindi na ba talaga magpapakita si Ocean? I mean sa pagtu-tutor sa iyo?" ang tanong ni Bret sa kanya.
Nakaramdam ng lungkot si Aspen at hindi siya agad nakasagot. Itinuon niya ang kanyang mga mata sa plastic na baso ng kanyang inumin habang pinapahid ng kanyang hinlalaking daliri ang namuong hamog sa labas ng baso dahil sa lamig.
"Hindi ko alam eh," ang kanyang sagot na may lungkot sa kanyang tinig.
"Pero okey na rin iyun, kasi mas mahaba na ang oras na nakakasama kita," ang sabi ni Bret at mula sa baso ay tiningnan niya ang mga mata nito Bret. Hindi naman siya manhid sa mga palipad hangin at pahaging ni Bret pero hindi niya iyun ina-acknowledge dahil sa hindi siya interisado dito bilang isang manliligaw. Isang kaibigan ang turing niya kay Bret at ayaw niyang magkalamat ang pagkakaibigan nila kapag itinuring niyang manliligaw si Bret at hindi niya maibibigay ang hinahangad nito sa kanya.
Hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa. Inabot ng kanan na kamay nito ang kanyang kaliwang kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa saka nito mahigpit na hinawakan. Tiningnan niya ang kanilang mga kamay at nakaramdam ng awkwardness sa pagitan nila ni Bret. it doesn't felt right. Iba ang kanyang pakiramdam sa kamay ni Bret.
Sumulyap siya kay Bret at nakita niya ang mga mata nitong nakatuon sa kanya. Nilinaw niya ang kanyang lalamunan at umiwas siya ng tingin saka niya marahan na hinila ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Bret. Tiningnan niya itong muli at isang matipid na ngiti ang isinagot niya kay Bret at saka niya kinuha na muli ang kanyang inumin para humigop ng malamig na kape at saka niya iniba ang usapan.
"Patingin nga ng mga pinamili mo?" ang tanong niya kay Bret. at napansin niyang tumaas ang dalawa nitong kilay na tila ba nahalata nitong iniba na niya ang usapan sa pagitan nilang dalawa.
"Sana sa susunod, pumayag ka nang sumama sa tambayan namin para makilala ka ng friends ko," ang sabi ni Bret sa kanya habang isa-isa nitong inilalabas mga tube ng iba't ibang kulay na acrylic paint.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...