"I think this is late for some adjustments but do you think it will weaken the wall? For me I don't think it will," ang sabi ni Ocean kay engineer Summer while they were inside the structure.
"Yeah, nagkamali lang siguro yung worker ng kuha ng bakal but still this is a standard size at inner walling naman na ito, but we still have to point this out," ang sagot ni engineer Summer sa kanya.
"This is the first out of twenty villas na nakitaan natin ng maliit na isyu," ang sagot niya at tumango naman si engineer Summer sa kanya.
"Well, I hope nag-iisa lang ito, dahil kapag marami pa ay kakailanganin na nating gumawa ng adjustments ayokong masira ang stability ng structure," ang sagot ni engineer Summer sa kanya.
"Ocean?" ang narinig ni Ocean na pagtawag sa kanyang pangalan mula sa kanyang likuran. At sabay na pumihit ang katawan nila ni engineer Summer para lumingon sa kanilang likuran at harapin ang pinanggalingan ng boses at nakita nilang papalapit sa kanila si Elise.
"Elise? Tapos na ang team mo?" ang tanong ni engineer Summer rito. Umiling ang ulo nito kay engineer Summer nang tumayo ito sa kanilang harapan.
"No, not yet, I am here para sabihin na may kaunting isyu yung isa sa mga A cabins?" ang sagot nito kay Summer na bumagsak ang mga balikat nito.
"Really? How serious is it?" ang tanong nito kay Elise.
"Hindi kami puwedeng magpaint sa loob kasi may maliit na awang sa wood panelling," ang sagot ni Elise kay engineer Summer na napabuntong-hininga at tumango ito.
"Okey, pupuntahan din naman namin iyun mamaya," ang sagot ni engineer Summer dito.
Tumango si Elise at mula kay Summer ay sa kanya naman natuon ang mga mata nito, "Ocean? p'wede ba kitang makausap sandali?" ang tanong nito sa kanya at bahagyang tumaas ang mga kilay nito sa kanya.
Nagkapalitan sila ng tingin ni engineer Summer at tumango ito sa kanya, "I'll leave you two for a while pero pakibilisan lang okey? We still have to make rounds," ang sabi nito sa kanilang dalawa bago ito naglakad palabas para iwan silang dalawa ni Elise at bigyan sila ng privacy na sandaling makapag-usap.
"What is it?" ang tanong niya kay Elise nang maiwan na silang dalawa ni Elise sa loob.
"I don't think she's feeling well," ang sagot ni Elise sa kanya at kumunot ang kanyang noo hindi dahil sa hindi niya naintindihan ang pakahulugan nito, pero dahil sa nakuha niya agad kung sino ang pinatutungkulan nito.
"Sinabi niya sa iyo?" ang kanyang tanong kay Elise dahil sa nang tanungin niya si Aspen kanina ay tumanggi ito.
"Ugh, hindi niya kailangan na sabihin sa akin, she looks tired, naabutan ko siya na nakasandal sa puno ng buko habang nakapikit," ang sagot nito sa kanya na kanyang ipinag-alala.
"Hindi mo na dapat pa siya isinama rito, o kung gusto mo siyang isama sana iniwan mo siya sa isang hotel o pasyalan hindi iyung isinama mo siya rito at pinabuntot mo sa iyo," ang saad nito sa kanya.
Napaatras ang kanyang ulo dahil sa hindi naman iyun ang kanyang pakay kung bakit niya isinama si Aspen.
"That's not what I intend to do,"-
"Well it does," ang putol ni Elise sa kanya, "o baka naman isinama mo siya para lang insultuhin ninyo akong dalawa? Kulang pa ba ang sakit na ibinigay ninyo sa akin at gusto niyo pa akong sampal-sampalin?"
"Ugh Elise believe me, malayo sa iniisip mo ang intensiyon ko," ang kanyang sagot dito at naintindihan naman niya si Elise dahil na rin nga sa kanilang sitwasyon, ang dating girlfriend niya ay mommy ng kasalukuyan niyang girlfriend.

BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...