Chapter 18

1.1K 86 43
                                    

Lucia Benatti Ford? Nanaginip ba siya? Ang tanong ng kanyang isipan habang nakanganga siyang nakatulala at nakaharap kay Ocean. Narinig niya ang malakas na pagtawa nito sa kanyang naging reaksiyon. At dahil doon ay nagbalik ang kanyang diwa mula sa kanyang pagkatulala.

She watched Ocean leaned his back on the leathered seat as they stopped for the red light. He leaned his left arm on the driver's door and looked at her with those sexy crinkling eyes of his. Then his nose too crinkled like he was smelling something inside his car.

"Amoy mapanghi ah?" ang nakangiting sambit nito sa kanya.

Bumagsak ang kanyang mga balikat at marahan niyang tinapik ang kanan nitong braso.

"Ano bah!" ang kanyang sagot dito na nakakunot man ang kanyang noo ay malapad naman ang ngiti sa kanyang mga labi. At isang malakas na tawa muli ang isinagot sa kanya ni Ocean, ang tawa nitong nanunuot sa kanyang tenga patungo sa kanyang puso.

"Eh kasi sabi mo na baka maihi ka, eh parang nangamoy mapanghi na dito sa loob ng sasakyan ko, natalo pa amoy ng sigarilyo," ang biro ni Ocean sa kanya na naniningkit pa rin ang mga mata nito dahil sa pagkakangiti.

Muli niyang inabot ng kanyang kaliwang kamay ang braso ni Ocean at sa pagkakataon na iyun ay para kurutin ang kanan na braso ni Ocean at nadama ng kanyang daliri ang muscled upper arm nito. At masarap ang pakiramdam nito sa kanyang kamay.

"Aray!" ang sambit ni Ocean ngunit hindi naman ito nasaktan dahil sa mas lumakas pa ang tawa nito. at pareho silang nagitla nang marinig nila ang busina ng nasa likuran nilang sasakyan, they were so into their joyful and friendly bantering na hindi na nila napansin ang green light at kinailangan pa silang businahan para makuha ang kanilang atensiyon. Nagpalitan sila ng tingin ni ocean at pareho silang nagpalabas ng malakas na tawa.

"Okey!" ang sagot ni Ocean sa sasakyan na nasa likuran pero hindi naman nito narinig dahil sa parehong nakasara ang kanilang mga bintana. Pinaandar ni Ocean ang sasakyan nito at dahil sa sportscar ang sasakyan ni Ocean ay mabilis nilang naiwan ang sasakyan na kanina lamang ay naghuhumiyaw ang busina sa kanilang likuran.

"Oh ano? Kung hindi ka naihi anong masasabi mo?" ang tanong ni Ocean sa kanya at napasulyap ito sa kanya. "Oh please your seatbelt," ang paalala sa kanya ni Ocean na madalas niyang nakakalimutan.

"Oops sorry," ang kanyang sambit at inilock niya ang seatbelt sa kanyang dibdib. "Obvious ba na nagulat ako?" ang kanyang nakangiting sagot. Mukhang hindi na mabubura ang ngiti sa kanyang mga labi at bakit naman hindi? Ang mapasama sa exhibit ng isang kilalang pintor? At naging kilala ito dahil sa naging kalagayan ng kilalang pintor na si Lucia Benatti Ford.

"Oo nga, ang laki ng pagkakabuka ng bibig mo kanina, pwede na nga pumasok ang swarm of flies," ang natatawang sagot ni Ocean sa kanya.

"Ha ha ha! Oo nga, hindi ko na ide-deny iyun," ang kanyang sagot at saka siya napabuntong-hininga, "totoo ba talaga? I mean baka kasi umasa ako," ang kanyang dugtong na sabi kay Ocean at may parte pa kasi ng kanyang damdamin na ayaw agad na umasa rito.

Nagtaas ang dalawang kilay ni Ocean sa kanya, "Bibiruin ba kita sa ganun na bagay?" ang patanong na sagot ni Ocean sa kanya at tanging ngiti lang at pagkibit ng kanyang mga balikat ang kanyang isinagot.

"She's my idol, Lucia, the reason kung bakit hindi ako nawawalan ng pag-asa sa aking pagpipinta," ang kanyang sagot. She looked straight through the windshield at tila ba nakikita niya ang mukha ng babaeng naging inspirasyon niya sa kanyang pagpipinta maliban pa sa kanyang ama.

"She became almost blind but she never loses her hope that one day she could see again and continue her first love and that was painting," ang kanyang saad, "kaya naman naniniwala ako na makikita ko rin ang aking kinabukasan na makakapagpinta rin ako at balang-araw ay magiging kilala."

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon