Pinagmasdan ni Ocean si Aspen habang nakatayo sila ilang hakbang ang layo mula sa pintuan. Alam niya na iyun agad ang makikita nito, dahil na rin sa ito lamang ang nasa loob ng kanyang silid na naiiba ang kulay maliban sa itim at dark gray. At nasa pinakgitna pa ng k'warto nakasabit ang abstract painting nito na kanyang binili.
He watched how Aspen's face registered that surprised look. Her eyes were wide with surprise at namilog ang mga iyun. At kasabay din ang pagbuka ng mga labi nito dahil sa pagkagulat na makita ang inaakala nitong obra na nabili ni Engineer Benj Burke.
He gently pulled her while their hands remained to held each other and they slowly walked towards the foot of his wide bed in front of her erotic abstract painting. Hindi na niya alam kung ilang segundo ang lumipas at nanatili lang silang nakatayo sa harapan nito at nang mukhang nahimasmasan na si Aspen ay dahan-dahan na pumihit ang katawan nito para humarap sa kanya.
"Pero...paano napunta sa iyo ang? Akala...akala ko si Engineer Burke ang nakabili dahil siya ang nagbigay ng malaking offer?" ang tanong ni Aspen sa kanya and he could see the traces of confusion on her beautiful face.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya, "I know... and your painting never landed on the auction, kasi nga...hinarang ko yung offer ni Engineer Burke at nag-offer ako ng mas malaki at... isang pangako kay Brix," ang kanyang pag-amin.
Napailing ang ulo ni Aspen at kumiling ito pakaliwa para tingnan siya na may pagkalito pa rin sa mga mata nito.
"Anong pangako?" ang nalilito at kunot noo na tanong nito sa kanya.
Tumaas ang dalawa niyang kilay at sandaling napaiwas ang kanyang mga mata mula kay Aspen at itinuon niya iyun sa painting na nasa kanilang harapan.
"Pangako na bubuksan ko ang puso at isipan ko patungkol sa ating dalawa," ang kanyang pag-amin. "You see, ang pag-aakala nila ay nobya kita, because they saw something in my eyes, on the way I look at you, I don't know...hindi ko rin alam and...when I told him na hindi kita girlfriend ay ikinagulat iyun ni Brix at sinabihan pa ako na...hindi ko raw buksan ang aking isipan at puso sa iyo, kaya naman, iyun ang isa sa mga dahilan kung bakit ibinigay niya sa akin as a buyer ang painting mo."
"Ang laki ng ibinayad mo para sa painting Ocean," ang narinig niyang sabi ni Aspen sa kanya.
He turned his eyes towards her before he reached his left hand to brush a strand of her hair and tucked it behind her right ear.
"I can't let it go, it's...it's too personal for me," ang kanyang mariin na pag-amin at napako muli ang kanyang mga mata sa mga mata ni Aspen.
"It is for you," ang pag-amin ni Aspen kay Ocean. It was the truth the painting was really intended for him and Ocean inspired her to paint that erotic painting. With him and her on her mind.
At doon ay nakita na natigilan si Ocean. Kahit pa noon na pakiramdam na nito na ang painting ay iginuhit ni Aspen para rito. Tumango siya at matipid na ngumiti kay Ocean at pinanatili niya ang pagkakapagkit ng kanilang mga mata.
"Remember that instance? In my mom's room?" ang kanyang tanong kay Ocean. Tumango lang ito at hindi na ito sumagot ng salita, alam nila na pareho nilang hindi makalilimutan ang sandali na iyun, lalo na sa parte niya. Dahil nang hapon na iyun ay napagtanto niya kung gaano niya hinahangad si Ocean.
Mahina siyang natawa nang walang buhay kasabay ng pag-iling ng kanyang ulo. "I thought that she was crazy, for denying you, and that moment made me realized how much I desire you, and I am more than willing to share that moment with you, to feel you, I want what's in the painting to happen between us," ang kanyang pag-amin.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...