"Oh Ocean," ang pagtawag sa kanya ni Dallas nang hapon na iyun at nagpasya na siyang bumiyahe pabalik sa kaniyang bahay dahil alam niya na naghihintay sa kanya si Aspen dahil sa pangako niya na uuwi din siya sa gabing iyun.
"Dallas, bakit?" ang kanyang tanong kay dallas Sebastian na kanyang importante na kliyente. Ibinalik niya ang kanyang phone sa kanyang bulsa habang nanatili naman ang susi ng kanyang sasakyan sa kanyang kamay
"Nagmamadali ka ba?" ang tanong ni Dallas sa kanya nang palabas na sana siya ng bahay na kanyang idinisenyo at kasalukuyan nang nasa finishing touches.
"Uhm, medyo, why?" ang kanyang tanong dito.
"Uh, I have prepared a small dinner and a bit of hmmm, you know, talk and drink for a while? May mga bisita rin ako na inimbitahan, call it a small party para sa completion ng bahay, and these friends of mine are potential future clients and some of your acquaintances are also here, don't worry it will be a small crowd and, nakausap ko na si Elise and she's willing to stay and she accepted the room na para sana sa inyong dalawa, this won't take a while naman, minsan ko lang din kasi itong gawin lalo na at busy rin ang buhay ko sa Manila lalo na at may mag-ina rin ako na nasa bahay na hindi ko rin na maiwan ng matagal kaya naman hindi rin ako nakakadalaw dito sa pinatatayo ko na bahay, and oh nandito rin si Engineer Summer para saluhan tayo, kaya okey lang ba sa iyo na mag-stay pa?" ang tanong ni Dallas sa kanya.
Tiningnan niya ang oras and it was already five noon, at kailangan pa niya na magdrive pabalik and it will take him five hours sa kanyang biyahe. At katulad ng sinabi ni Dallas may naghihintay din sa kanya na mag-ina niya sa kanyang bahay.
He grimaced and gave Dallas an apologetic smile, "Uhm sorry Dallas kailangan ko kasi na makabalik na sa bahay, may...naghihintay din kasi sa akin," ang kanyang sagot dito at nakita niyang tumikom ang mga labi ni Dallas at tumangu-tango ito sa kanya.
"Naintindihan ko, ako rin naman ay gusto na rin umuwi pero, nagsabi na rin naman ako na dito ako mag-stay ng isang gabi, pero kung hindi ka nakapag-paalam lalo pa at biglaan ang sinabi ko, okey lang kung hindi ka makasama sa amin mamaya, naintindihan ko mas importante ang naghihintay sa iyo," ang sagot ni Dallas sa kanya.
"Well ingat sa pagdi-drive and I'll get in touch with you kapag totally complete na ang bahay," ang dugtong pa ni Dallas sa kanya at inilahad nito ang kanan na palad para makipagkamay sa kanya. Tinanggap niya iyun and they shook hands bago ito tumalikod para maglakad papalayo sa kanya at siya naman ay lumabas na ng bahay at naglakad na siya palapit sa nakaparada niyang sasakyan sa tabi ng sasakyan ni Elise.
Muli niyang tiningnan ang oras sa kanyang suot na relo at saka niya pinindot ang remote key lock ng kanyang sasakyan saka niya hinila ang pinto ng driver side. He was about to climb inside his car nang tawagin ang kanyang pangalan at nang tumingin ang kanyang mga mata sa direksiyon na pinaggalingan ng tinig ay nakita niya si Elise na naglalakad sa kanya papalapit.
"Ocean!" ang muling pagtawag sa kanya ni Elise. He stood beside his car while he held the door of the driver side at hinintay niya si Elise na makalapit sa kanya.
"Elise," ang pagbanggit niya sa pangalan nito.
"Uuwi ka na?" ang tanong ni Elise sa kanya at nakunot ang noo nito sa kanya nang magtanong ito.
"Oo, kailangan ko nang umuwi,"-
"Hindi ka ba inimbitahan ni Dallas? Nagprepare siya ng dinner sa tabi ng isang parola may mga kaibigan siya na pupunta na mukhang mga kaibigan mo rin," ang saad ni Elise sa kanya maliban pa sa tanong nito.
"Actually, he invited me and I declined his invitation," ang kanyang sagot. At nakita niya ang pag-atras ng ulo ni Elise na tila ba nagulat ito sa kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Storie d'amore"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...