Mas lalo na yatang lumala ang kanyang insomnia, ang sabi ni Ocean sa kanyang sarili. Hindi na nga umaabot sa limang oras ang kanyang tulog nitong mga nakaraan na linggo at nabawasan pa iyun kagabi nang tuluyan nang nasa kanyang poder si Aspen. Hindi na maalis sa kanyang isipan na nasa kabilang silid lamang ito. all he have to do is to get out of his room at katukin ang silid nito.
She wanted for them to stay in one room pero siya ang tumanggi. At bakit ba siya tumanggi? Hindi ba sinabi na rin niya rito na magboyfriend-girlfriend na silang dalawa? Then bakit hindi sila umaarteng magkasintahan? Ang tanong ng kanyang isipan.
"Ugh, because it was just an accident, at kailangan kong panagutan ang naging bunga ng gabing iyun, but it doesn't mean na kailangan iyung maulit. Ano na lang ang sasabihin ng colleagues ko kapag nalaman na isang twenty-one-year-old na estudiyante ang aking girlfriend at nabuntis ko pa?" ang malakas na pagkausap niya sa kanyang sarili. Iisipin ng mga ito na isa siyang cradle snatcher, ang dugtong pa ng kanyang isipan. Para siyang isang dirty old man o sugar daddy ang datingan.
Pero hindi siya ganun at hindi rin ganun ang sitwasyon nila ni Aspen, giit ng kanyang isipan. Aspen never asked anything from him at kusa niyang ibinigay ang pagtulong dito. Kaya malayo siya sa pagiging sugar daddy at mas malayo sa pagiging dirty old man. Pero iyun ang iisipin ng mga tao hindi ba? Tanong pa niya sa sarili.
Pero hindi pa rin naalis sa kanyang isipan ang kanyang iginawi at naramdaman nang tanungin ni Aspen kung hindi sila magsasama sa iisang kwarto. At ang sunod niyang iginawi ay ang bumaba ang kanyang mga mata sa mga labi nitong nagsambit ng mga tanong na iyun. At doon ay napako ang kanyang mga mata habang naglalaro ang kanyang isipan sa kung paano niya nilasap ang mga labi nito noong gabing iyun, He remembered the softness of her plump lips that was wet with his kisses. And his heart started to beat wildly inside his chest.
And it took all his might na tanggihan ito. She was offering that opportunity to him at alam niya na pwedeng mangyari na muli ang nangyari noong gabing iyun. And all he has to do is to stay in one room with her. But his reasoning took the best of him kaya naman bumalik sa katinuan ang kanyang pag-iisip.
"Ugh," ang kanyang inis na sambit. Mukhang malayo sa pagiging matino ang isip niya dahil nga sa kinakausap na niya ang kanyang sarili.
"Great," ang bulong niya at tiningnan niya ang oras sa kanyang digital clock na nasa kanyang tabi. Mas maaga pa siya sa oras na nakagawian na niyang pagbangon. Wala na rin naman siyang iba pang gagawin at mas mabuti na ang bumangon na siya at simulan na niya ang kaniyang o kanilang araw.
Kailangan niyang maghanda ng kanilang almusal ni Aspen lalo pa at hindi pwedeng walang laman ang sikmura nito, ang sabi pa niya sa kanyang sarili.
He put on his shirt to cover his bare upper body at saka siya lumabas ng kanyang silid. Nang maglakad siya sa pasilyo ay napadaan siya sa pinto ng katabing silid kung saan naroon sa loob nito si Aspen.
Sandali siyang huminto sa harapan ng silid ni Aspen at kumunot ang kanyang noo. He was trying to listen kung may maririnig ba siyang tunog sa loob ng silid nito. he turned his ears towards the direction of the closed door at nakinig siyang mabuti habang nakapamewang siyang nakatayo sa harapan ng pintuan. At nang wala siyang marinig ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na hindi lumapit sa pintuan at kanya nang idinikit ang kanyang tenga sa nakapinid na pinto.
Hindi naman soundproof ang bawat silid it would be hard lalo pa at mataas ang ceiling ng kanyang bahay at ayaw niya na maglagay ng mga ano pang materyales na mag-iiba sa theme ng kanyang bahay. Kaya naman alam niya na maririnig niya ang anuman na ingay na mangyayari sa loob ng silid ni Aspen.
He pressed his left ear against the wooden door at kunot noo siyang nakinig paminsan-minsan pang gumagalaw ang kulay brown na bilog ng kanyang mga mata para makinig nang mabuti pero nang wala pa rin siyang marinig ni katiting na tunog ay binawi na niya ang kanyang tenga mula sa pagkakadikit nito sa pintuan.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romansa"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...