Tiningnan ni Ocean ang box ng cake na Tiramisu flavor, ang paborito na cake ni Aspen, sa tabi nito ang binili niyang take-out food na kanilang dinner, na pizza at wings. Ang pagkain na iyun ay nagpapaalala sa kanya noong araw nang Linggo na dinalaw niya si Aspen sa bahay ng nito. At kasama ng mga pagkain na binili niya ay ang isang bungkos ng mga bulaklak na red roses.
Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi umaasa siya na kahit papaano ay maibabalik ng paboritong pagkain ni Aspen ang gana nito sa pagkain.
Naalala niya ang nangyari mahabang meeting nila kanina sa opisina ni Engineer Summer but it was necessary and everything was discussed and it gave him the opportunity na makabawi na rin sa mga kulang niyang appearance sa site. At naayos na rin ang mga concerns and it made him talk to Engineer summer personally na makapag-paalam siya rito na kailangan muna nilang umalis ng bans ani Aspen. At kung may mga concerns ay sa conference call na lang niya gagawin ang trabaho niya. And he was thankful na napakamaunawain ni Summer at naintindihan nito ang pangangailangan niya at ni Aspen na panandalian na munang lumayo.
He entered the subdivision at ilang sandali pa ay nasa harapan na siya ng mataas na gate ng kaniyang bahay. Hindi niya naiwasan na kumunot ang kanyang noo nang mapansin niya na tanging ang mga solar powered na ilaw na automatic na nagbubukas sa harapan ng bahay kapag dumilim ang tanging nagbibigay ng liwanag sa kabahayan nang sandali na iyun.
Tulog pa kaya si Aspen? ang tanong niya sa kanyang sarili. Mukhang hindi ito bumaba ng bahay dahil sa hindi nito binuksan ang ilaw sa front step ng bahay. But it is okey, hindi naman niya ito pipilitin na kumilos kung ayaw o hindi pa nito kaya. He was just hoping na sa buong maghapon ay nakuha ni Aspen na kumain kahitb kaunti lang.
At ilang sandali pa ay nasa loob na siya ng bahay he turned-on all the lights sa first floor at tama nga ang kanyang hinala. Mukhang hindi nga bumaba ng bahay si Aspen dahil sa dilim sa loob ng bahay. Nagtungo siya sa kitchen at doon ay inilapag niya ang mga take-out food na kanyang binili at sa loob naman ng ref ang box ng paborito nitong cake. At doon din niya napansin na hindi rin nito ginalawa ang mga naka-prepare nang pagkain na nasa loob ng ref para sana pagkain nito sa buong maghapon. He prepared those meal early in the morning para kapag nakaramdam ng gutom si Aspen ay may makain ito. Pero mukhang wala pa rin itong gana, at doon ay napabuntong-hininga siya.
She really needed to eat dahil sa mahihirapan na makarecover ang katawan niya and it will deteriorate her health, ang nag-aalala na sabi ni Ocean. He was hoping na kahit snacks lang na inihanda niya sa silid nila ay kinain nito.
Binagtas niya ang hagdan dala sa kanyang mga bisig ang dalawang dosenang long-stemmed red roses na halos kalahati ng kanyang palad ang laki ng bulaklak.
It was still silent inside the house, maybe too silent na tila ba nakakabingi na ito. He twist the knob and pushed open the door at tulad sa ibaba ng bahay ay nababalot din ng kadiliman ang loob ng silid.
"Aspen?" ang agad niyang pagtawag sa pangalan nito at agad siyang kinabahan sabay kapa niya ng switch ng ilaw sa tabi ng pintuan at bahagyang nasilaw ang kanyang mga mata dahil sa biglaang pagliwanag. At paghakbang niya papasok ay isang halos walang laman na silid ang bumati sa kanya. Kumpleto ang mga gamit ngunit walang Aspen sa loob ng silid na pinakaimportante sa lahat ng nasa loob ng silid niya.
Bigla siyang nakaramdam ng kaba. nagmamadali siyang humakbang at inilpag niya ang hawak na bulaklak sa ibabaw ng kama na tila walang humiga roon. Maayos at makinis ang kumot na nakalatag at ang mga unan ay maayos na nakasalansan sa headboard.
"Aspen?" ang muli niyang pagtawag sa pangalan nito habang parang tambol ang tibok ng kanyang puso sa lakas nito. Nagmamadali siyang nagtungo sa banyo nagbakasakali siyang nasa loob lang si Aspen pero sa kabila nito ay hindi pa rin naalis ang kanyang agam-agam. Paano kung naaksidente ito habang nasa banyo? Ilan na ba ang mga hinimatay sa loob ng banyo na nabawian ng buhay? Ang kanyang tanong at kahit pa ayaw niya iyun na isipin ay hindi niya pa rin maiwasan dahil sa posebilidad nito dahil nga wala si Aspen sa silid.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...