Chapter 57

1.5K 108 33
                                    

Pinagmasdan ni Aspen kung paanong naglaro ang emosyon sa mukha ni Ocean. Nabasa niya ang gulat at pagtatanong sa mga mata nito.

"Nagpakamatay siya," ang pag-uulit niya. At tumango ang kanyang ulo habang rumehistro ang malungkot na ngiti sa kanyang mga labi. At ibinalik niya ang kanyang mga tingin sa puntod ng kanyang papa.

"B- bakit? Oh Aspen, I am sorry to hear that," ang narinig niyang sambit ni Ocean. Binawi nito ang kamay na nakadaop sa kanyang kamay at saka siya nito niyakap ng mahigpit.

"You were so young Aspen, to witness such tragedy, and," ang sambit ni Ocean at hindi na nito natuloy pa ang sasabihin sa kanya. Mukhang hindi rin kasi nito alam ang sasabihin nito sa kanya.

She's going to tell him. Kung kailangan niyang isiwalat ang katotohanan at ang kanyang itinatagong hinanakit ay alam niya na si Ocean ang tamang tao na mapagbubuksan niya ng kanyang tunay na damdamin. Si Ocean ang kanyang magiging sandigan sa hinanakit at pighati na kanyang dinadala sa napakatagal na panahon.

"I treasured those days that I spent with papa, all those memories? All his memories I will held it so dear in my heart, lalo pa at...may pagkakataon na ang pagsasama namin ay parang laging bagong panimula sa aming dalawa," ang kanyang paglalahad. "Everyday is a whole new day with him, for all that I could remember, and remembering is precious for me and especially for my papa."

"What do you mean?" ang tanong ni Ocean sa kanyang at kung iisipin niya sa tono ng pananalita nito ay nakakunot ang noo nito sa kanya habang nakakulong siya sa mga bisig nito.

"Mayron siyang rare case of Alzheimer's disease," ang kanyang pagtatapat dito. At isang buntong-hininga ang kanyang pinawalan at binawi niya ang kanyang sarili mula sa mahigpit na yakap ni Ocean sa kanya. Nanatili silang nakaupo siya ay nakatuon sa puntod ng kanyang papa habang si Ocean ay taimtim siyang pinagmamasdan.

"Alzheimer?" ang mahinang tanong ni Ocean at tumango ang kanyang ulo at ibinaling niya ang kanyang mukha kay Ocean para salubungin ang mga mata nito at isang malungkot na ngiti ang muling gumuhit sa kanyang mga labi.

"He was diagnosed with alzheimer and as time went by his disease progressed and his memory deteriorates," ang kanyang pagpapatuloy at nang maalala niya ang mga bagay na pinagsaluhan nila ng kanyang papa ay hindi na naman niya mapigilan ang mga luha na mamuo sa kanyang mga mata.

Nanikip na ang kanyang lalamunan dahil sa emosyon at kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili na lumuha. At napansin ni Ocean ang kanyang pananahimik at ang pagpipigil niya ng kanyang luha kaya naman iniakbay niya ang kaliwa nitong braso at saka siya nito kinabig palapit sa dibdib nito at doon ay inihilig niya ang kanyang sarili.

"Kaya naman sa bawat araw na naaalala niya ako ay labis ang tuwa na aking nadarama, lalo na sa tuwing maaalala niya ang kaarawan ko, at parang regalo sa akin iyun ng Diyos dahil sa tuwing kaarawan ko ay naaalala niya ako," ang kanyang pagpapatuloy. "At sa tuwing makakalimot naman siya ay dulot naman sa akin ay labis...labis na kalungkutan." At doon ay hindi na niya napigilan ang luha na kanina pa nagbabadya sa kanyang mga mata ay tuluyan nang kumawala. Tila ba nanumbalik na muli ang kalungkutan na nadarama niya noon sa tuwing makikita niya ang kanyang papa na hindi siya nito nakikilala.

"Masakit...masakit sa akin ang mga araw na...hindi niya ako...nakikilala," ang kanyang sambit sa bawat paghikbi. At doon ay naramdaman niya ang pag-ikot ng mga bisig ni Ocean sa kanyang balikat para ikulong nito ang kanyang katawan sa mahigpit nitong yakap. She also felt his lips kissed the top of her head.

"Kaya...kaya ba siya...nagpakamatay? Because he didn't know, of what was happening around him? Out of confusion?" ang tanong ni Ocean sa kanya.

Umiling ang kanyang ulo, at ilang beses pa muna siyang suminghot at saka siya kumuha ng tissue sa loob ng kanyang bag para punasan ang kanyang mukha. At hinayaan ni Ocean ang sandali niyang pananahimik at taimtim itong hinintay ang kanyang sagot sa tanong nito. At kailangan niya iyun, kailangan niya ang panandalian na pagpapahinga ng kanyang sasabihin lalo pa at mas masakit ang parte na iyun...ang kasagutan sa tanong ni Ocean ang pinakamasakit na parte ng buhay niya na dulot ng kanyang papa.

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon