Chapter 20

1.2K 84 40
                                    


"That was really exciting!" ang excited na sabi ni Elise pagkasakay nila ng kanyang sasakyan. Katatapos lang nila na makipag-coffee meeting with Mr. Dallas Sebastian. Matagal na dapat ang meeting na iyun kaya lang naurong nang naurong dahil na rin sa busy schedule ng sikat na bank and mall owner na si Dallas Sebastian.

Isang ngiti ang isinagot niya kay Elise at sinulyapan niya ito. Inabot niya ang compartment and he was about to pull out something nang maalala niya na hindi si Aspen ang kasama niya sa loob ng sasakyan niya. Mabilis niyang isinara ang compartment at binawi niya ang kanyang kamay. At sa kanyang isipan ay isang mura ang kanyang sinambit dahil sa muntikan na siyang mabuko ni Elise na naninigarilyo pa rin siya.

"Imagine sa isang rural area tapos sa tabing dagat?" ang pagpapatuloy na sambit ni Elise na tila ba nai-imagine na nito ang lugar sa isipan. "I am really going to gather all my talent sa pagpapaganda ng bahay ni Mr. Sebastian, lalo pa at surprise pala iyun para sa kanyang girlfriend, naku excited na talaga ako, thanks hon ha? Kasi ini-reffer mo ako sa kanya?" ang malambing na sambit ni Elise at hinawakan ng kaliwang kamay nito ang kanyang kanan na tuhod para marahan iyun na pisilin.

"Basta ikaw hon," ang kanyang sagot dito at hinawakan ng kanyang kanan na kamay ang kamay nitong nakapatong sa kanyang tuhod para marahan din iyung pisilin. Pero hindi nagtagal ay binawi ni Elise ang kamay nito sa mula sa kanyang pagkakahawak.

"You can't drive with one hand," ang pagpapaalala nito sa kanya nang bawiin nito ang sariling kamay. Napasulyap siya kay Elise na naging abala na ang mga mata sa hawak nitong phone.

I can drive with one hand, ang sagot ng kanyang isipan at muling pumasok sa kanyang isipan si Aspen kung paanong hinahayaan siya nitong makapanigarilyo habang nagmamaneho ang isa niyang kamay. Maybe because Aspen is younger or maybe Aspen is more carefree? Hindi niya alam. Basta iba ang pakiramdam niya kapag si Aspen ang kanyang kasama tila ba, Aspen makes him feel young and free too.

Sandaling namayani ang katahimikan sa kanila ni Elise, and it came to a point na napansin ni Ocean na naging awkward na ang feeling sa loob ng kanyang sasakyan. Mabuti na lang at si Elise na ang bumasag sa katahimikan na para kay Ocean ay nakakapanibago at nakakabingi nang sandaling iyun.

"Ugh, oo nga pala, may kailangan akong tapusin na refurnishing ng isang two story villa sa Laguna, luckily ang schedule ay bago ang punta natin sa property ni Mr. Sebastian," ang sabi nito sa kanya. Sinulyapan niya si Elise, and she saw her talking without glancing at him. Her eyes were fixed on the phine she held on her hand.

Hindi siya sumagot, hindi rin naman niya alam kung anong isasagot niya. Lalo pa at pumasok sa kanyang isipan ang magiging lakad nila ni Aspen para sa exhibit nito. At nakaramdam ng pananabik sa kanyang dibdib si Ocean.

Hindi niya pa nakikita ang painting ni Aspen, at ayaw na muna niyang tingnan, mas gusto niyang una ring masilayan ito ng kanyang mga mata sa mismong araw ng exhibit kung saan nakadisplay na ito kasama sa obra ng kanyang kaibigan, ang sabi ni Ocean sa kanyang sarili.

"You're smiling to yourself? Care to share me your thoughts?" ang biglang tanong ni Elise sa kanya nang makita nitong nakangiti siyang mag-isa.

Kinagat niya ang kanyang pang-ibaba na labi at lumingon siya kay Elise, sinalubong niya ang mga mata nitong nakatuon at nagtatanong sa kanya. Nagkibit siya ng kanyang mga balikat at saka siya nagtaas ng kanyang dalawang kilay.

"Uhm nothing really masaya lang ako at magkasama tayo sa project kay Mr. Sebastian," ang kanyang sagot kay Elise na mukha namang agad nitong pinaniwalaan ang kanyang sinabi.

"Masasamahan mo rin ba ako sa Laguna? Overnight kasi ako doon?" ang tanong ni Elise sa kanya gamit ang boses nitong may paglalambing.

"Hmmm? Of course, bakit naman hindi?" ang kanyang patanong na sagot, "saan ka tutuloy? Sa bahay na inaayos mo?" ang dugtong pa niya.

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon