Chapter 32

1.2K 91 42
                                    


Buntis siya? Buntis siya...buntis siya sa anak nila ni Ocean! Of course, bakit ba hindi niya iyun naisip? All this time ang nasa isipan niya ay depressed lang siya. Hindi niya napansin na hindi siya dinatnan dahil okupado ang kanyang puso at isipan ng mga paghihinakit niya kay Ocean. Kay ocean na ama ng kanyang anak. Pero hindi niya iyun aaminin. Hindi niya aaminin na anak ni Ocean ang dinadala niya lalo pa at hindi tanggap ni Ocean ang nangyari sa kanilang dalawa. Mukhang may ibinigay na naman sa kanya na dahilan para mabuhay siya. Maging masaya sa kanyang buhay at magpursige.

"Si Bret ba? Si Bret ba ang ama?" ang biglang tanong nga kanyang mommy. Iniwas niya ang kanyang mga mata. Ayaw niyang mapasulyap kay Ocean at ayaw din niyang mabasa ng kanyang mommy na ang nobyo nito ang ama ng kaniyang anak. Pero hindi rin niya sasabihin na si Bret ang ama ng anak niya kahit pa pwedeng niyang ipalusot na lamang iyun. Hindi niya iyun gagawin dahil sa ayaw niyang matulad ang buhay ni Bret sa kanya. Ayaw niyang sirain ang buhay nito, ang sabi ni Aspen sa sarili. Kaya naman itinikom niya lang ang kanyang bibig habang nakayuko ang kanyang ulo.

"That silence only mean one thing," ang narinig niyang sambit ng mommy niya. and she heard a frustrated sigh escaped her lips.

"And of all the boys in the world, sa isang fine arts student ka pa nagpabuntis! I told you to stay away from that boy! Kaya ayaw ko na magkagusto ka sa isang artist dahil masasaktan ka lang!" ang sumbat ni Elise. "But I guess I was too late...give me his phone number," ang utos ni Elise kay Aspen.

At doon nakuha nito ang kanyang atensiyon at mabilis na umangat ang kanyang mukha para salubungin ang nanggagalit na mata ng kanyang mommy. Nakapamewang ang isang kamay ng kanyang mommy habang hawak nito ang sarili nitong telepono habang hinihintay siyang ibigay niya ang hinihingi nitong numero ng telepono ni Bret.

"M-mommy," ang nautal niyang sagot at ang unang salita na lumabas sa kanyang bibig mula nang magising siya.

"Give me his number, ayoko man sa kanya wala na akong magagawa, kailangan niyang panagutan ang anak niya sa iyo," ang muling sagot ng kanyang mommy pero muli siyang nagmatigas. Hindi niya idadamay ang isang tao na walang kinalaman. Pero kung aminin kaya niya na si Bret? Pakiusapan niya si Bret hindi para akuin ang kanyang anak kundi para lang makatakas na siya sa kamay ng kanyang mommy? Mukhang iyun na rin ang pagkakataon na hinihintay niya, ang sabi ng kanyang isipan. He will ask Bret about this later baka sakaling matulungan siya ni Bret sa pagkakataon na iyun.

"Give me his number Aspen! I am going to call that boy para panagutan niya ang anak niya sa iyo!" ang sigaw ng kanyang mommy sa kanya.

"Aspen!"-

She was about to open her mouth to speak nang sumabat si Ocean.

"Elise, hindi mo kailangan na tawagan si Bret," ang sabat ni Ocean at nang marinig niya ang boses ni Ocean ay mabilis niyang tiningnan si Ocean at nagtama ang kanilang mga mata kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso sa kanyang dibdib. Bigla siyang kinabahan nang sandali na iyun. Anong sasabihin niya?

"What are you talking about?" ang narinig niyang taka na tanong ng kanyang mommy at pumihit ang katawan nito nang para talikuran siya at para harapin si Ocean. At mula sa kanyang mga mata ay binawi nito ang tingin para naman ituon sa kanyang mommy.

"Hindi si Bret ang ama...ako ang ama ng ipinagbubuntis ni Aspen." Ang mariin nitong sagot na labis niyang ikinagulat. Literal na huminto ang hininga ni Aspen nang ilang minuto, before she sharply gasped a breath. Her eyes were wide while she stared at Ocean standing beside the sofa inside her private hospital room. Hindi niya inakala ang pag-amin nito. Ni hindi niya inaasahan na sasabihin nito sa kanyang mommy ang totoo lalo pa at labis ang pagsisisi at pagtanggi nito sa nangyari sa kanilang dalawa. Mukhang may konsensiya pa rin ito kahit na maliit na parte ng pagkatao nito.

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon